Kabanata 42.
Nakaupo ako sa may waiting area nang makatanggap ako ng tawag mula sa unknown number. Agad ko iyon sinagot.
"Hello, is this Yrayla? I am Manager Martin, the one who message you via emal. Where are you?"
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Tumigil ang tingin ko sa maliit na lalaking nakasalamin na nakatayo malapit sa entrance ng building na 'to. May hawak siyang phone habang nililibot niya ang tingin sa labas at loob ng building.
"I'm at the waiting area. The one in the formal attire," tugon ko sa kaniya.
Napansin ko kanina na parang ang mga tao dito ay naka-casual or semi-formal attire. Ang suot ko lang ang kakaiba dahil para talaga akong isang student na magdedefense ng thesis.
"Oh, okay. Are you the girl who's looking at me right now?"
Ngumiti ako sa papalapit na maliit na lalaki. May salamin sa mga mata niya. Nakasuot siya ng polo-shirt at maong pants.
"Yes."
Nang makalapit sa akin ang lalaking nagngangalang Martin ay mas napansin ko na mas matangkad ako sa kaniya.
"Let's go. I'll explain all the details to you then we'll proceed to the job interview but if you are really interested sa job na i-ooffer ko. Pwede kang magstart right away."
"Ako ang bahala. Kakausapin ko ang HR department tungkol sa bagay na iyon kapag tinanggap mo ang offer ko. Pero bago iyon ay kailangan ko munang ipaliwanag sa'yo ang lahat na kailangan mong malaman "
Tumango ako kay Martin. Naglakad na kami patungo sa elevator. Hindi ko alam kung saan kami papunta.
Tumigil ang elevator sa may second floor. Lumabas na si Martin kaya tahimik ko lang siyang sinundan. Naglakad kami sa may hallway na madaming ilang madadaanan na pinto.
Sa pader ng hallway ay kapansin-pansin ang mga poster ng mga movies na siguro ay sila ang nagproduce.
"We're here."
Pumasok kami ni Martin sa loob ng medyo may kaliitan na conference room na mukhang para lang sa maliit na group o team.
Sinenyasan ako ni Martin na maupo kaya naupo ako sa katapat ng inupuan niyang pwesto.
Nang makaayos kami ng upo ay nagsalita na si Manager Martin.
"Antler Agency is an all around company in entertainment industry. May mga handle rin kaming paparazzi. Iyon ang job na i-ooffer ko sa'yo."
"Nitong nakaraang buwan ay nagresign ang paparazzi namin. Hanggang ngayon ay wala pa kaming nahahanap na kapalit. Medyo hectic ang schedule ng paparazzi dahil required kang sundan ang isang artist. Ang number 1 work ng paparazzi ay sundan ang private life ng isang artista."
"I know it sounds bad but it's a part of paparazzi's job to get a hot scope and intriguing pictures. But we don't recommended trespassing or the likes. Just get an opportunity to take a picture when they are in public areas."
"Are you willing to accept the job?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Martin. Inabsorb kong maige ang sinabi niya. Nagulat ako sa job offer niya dahil hindi kailanman iyon sumagi sa isip ko.
"Think carefully. Actually, I was thinking of scouting you as an artist. You're very pretty but it's obvious to me that you don't have talent in acting. It just so happen na wala pa kaming nahahanap na kapalit sa nagresign na paparazzi."
Nagpatuloy pa si Martin sa pagsasalita. Mukhang naiintindihan niya na hindi ako makakapag-desisyon agad sa alok niya pero mukhang wala din siyang balak na patagalin ang desisyon ko.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasiaA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024