Kabanata 17.
YRAYLA'S POINT OF VIEW
"Anong iniisip mo at tulala ka?"
Bumalik ako sa realidad ng magsalita si Grandma. Magkaharap kaming nakaupo habang kumakain ng lunch.
"Grandma, what if hindi ako si Yrayla? Itataboy mo ba ako?" seryoso kong tanong kay Grandma.
Hindi agad nagsalita si Grandma dahil may laman pa sa bibig niya. Tinapunan niya lang ako ng masamang tingin kaya napangiti ako.
"Anong klaseng tanong 'yan? Kung hindi ikaw si Yrayla, sino ka? Kilala kita mula ulo hanggang paa. Kahit siguro magbago ang kaluluwa sa loob ng katawan mo ay makikilala kita."
Natigilan ako sa pagnguya ng marinig ko ang sinabi ni Grandma.
Kakabahan na sana ako ng maisip kong sinabi lang iyon ni Grandma para pampalubag loob. Ilang taon na ako sa katawan ni Yrayla ngunit hindi pa rin niya nalalaman na iba na ang kululuwa sa katawan ng apo niya.
Nginisian ko si Grandma.
Pero hindi iyon ang iniisip ko kanina. Hindi ko magawang sabihin kay Grandma na malaki ang posibilidad na nasa loob kami ng novel world.
Kaninang paggising ko ay naalala ko kung saan ko nabasa ang pangalan na Arzheno. Isa rin iyon sa mga character sa novel na pinabasa sa akin ng adviser ko noon.
Nadiscover ko na Arzheno ang totoong pangalan ni Arzion. Ibig sabihin, mamamatay si Arzion na idol ni Grandma. Iyon ang kanina pa bumabagabag sa akin.
Gusto kong sabihin iyon kay Grandma ngunit hindi ko kayang ipaliwanag sa kaniya ang lahat ng detalye tungkol sa bagay na iyon. Alam ko rin na kapag nagsabi ako sa kaniya ay alam niya dapat ang buong kwento.
Sa huli ay hindi ko na lamang sinabi kay Grandma ang bagay na iyon. Isa pa, hindi pa rin ako sigurado kung tama ba ang hinala ko.
Baka nagkakamali lang ako ng tanda o baka coincidence lang talaga ang lahat ng mga pangalan na narinig ko mula sa dalawang babaeng nakita ko sa restroom sa may restaurant.
Matapos namin kumain ni Grandma ay naghugas na ako ng pinggan. Alam kong aalis si Grandma ngayon dahil balak niyang pumunta sa bahay ng kaibigan niya sa kabilang street. Madalas ay naglalaro doon si Grandma ng mahjong o poker.
Nang matapos ako sa paghuhugas ng pinggan ay lumabas na ako ng kusina. Wala na si Grandma sa bahay at mukhang umalis na ito.
Dahil wala akong magawa ay naisipan ko na lamang na maggeneral cleaning kahit malinis pa ang bahay namin.
Matapos kong linisan ang loob ng bahay namin ay nagdilig na ako ng mga halaman na inaalagaan ni Grandma.
Habang nagdidilig ako ay narinig kong nagring ang phone ko. Binaba ko ang hawak kong water can. Pumasok ako sa loob ng bahay.
Nakapatong ang aking phone sa may sofa. Kinuha ko iyon para tingnan kung sino ang tumatawag sa akin. Napansin kong number lang iyon.
Kadalasan ay hindi ako sumasagot sa mga unknown number ngunit ng maalala kong nagpasa ako ng madaming resume sa iba't ibang job website ay sinagot ko na ang tawag.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasiA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024