Kabanata 13.
"Yrayla!"
"Yrayla!"
Napakunot ang noo ko. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si Grandma na nakatayo sa gilid ng kama ko.
"Grandma, bakit mo ako ginising? Masyado pang maaga."
"Anong maaga, magzuzumba pa tayo."
Inalis ni Grandma ang kumot sa aking katawan kaya napilitan akong napaupo sa kama.
Tiningnan ko si Grandma na ngayon ay nakatayo sa gilid ng kama ko.
Napatingin ako sa orasan na nasa side table ko. Napangiwi ako ng mapansin kong umaga na at mukhang kanina pa nakatilaok ang mga manok.
Napahawak ako sa ulo ko. Mukhang sobrang comfortable ng tulog ko kagabi.
"Magbihis ka na, sa labas tayo magzuzumba ngayon kasama ang ibang mga grandma at aunty sa ating subdivision."
Kinusot ko ang aking mata. Wala akong ibang nagawa kundi ang bumangon at dumiretso sa may bathroom.
Matapos kong maligo ay saglit lang akong pinakain ni Grandma bago niya ako hinigit palabas ng aming bahay.
Hinayaan kong higitin ako ni Grandma. Wala akong laban sa kaniya. Kung anong gusto niya ay iyon dapat ang masusunod. Sa aming dalawa ay si Grandma ang boss.
Nang makarating kami sa open field na katabi ng playground sa subdivision namin ay agad kong natanaw ang matatandang babae, mga mommies at aunties na nakatayo sa open field.
Nakaharap sila sa may isang babaeng mukhang zumba instructor. May malalaking speaker din sa harapan.
"Milany, nandito na kayo. Malapit ng magsimula ang zumba session natin. Minsan lang magka-free zumba session sa community natin."
Agad lumapit si Grandma sa kaniyang kaibigan. Ngumiti lang ang kaibigan ni Grandma sa akin kaya ngumiti ako pabalik.
Hindi na ako pinansin ni Grandma kaya tumayo na lang ako malapit sa kanila ng kaniyang kaibigan. Inilibot ko ang aking paningin sa mga taong nandito. Mukhang ako ang pinakabata.
Dahil hindi pa nagsisimula ang zumba ay pinanood ko na lamang ang mga batang naglalaro sa playground.
Habang nakatingin ako sa slides at sa mga batang naglalaro doon ay biglang may memories na pumasok sa isip ko.
Natigilan ako. Nagtataka akong tumingin sa may slides. Ang memory na sumagi sa isip ko ay kakaiba. Hindi ko sigurado kung memory ko nga ba iyon o panaginip lang na bigla kong naalala.
Sa memory na iyon ay nakatayo ako sa gitna ng playground. May dalawang batang naglalaro sa slides at may babaeng nakaupo sa swing.
Naputol ang memory ko nang humakbang ako papalapit sa babaeng nakatalikod.
"Yrayla, hindi pwedeng tumulala lang dito. Magsayaw ka."
Nawala ang atensyon ko sa playground dahil sa sinabi ni Grandma. Ngumuso ako bago ako tumango.
Nang magsimula na ang zumba session ay ginaya ko lang ang bawat steps ng zumba instructor.
"Ate, let's play po!"
Napatigil ako sa pagsasayaw ng may lumapit sa aking bata. Agad kumabog ng malakas ang puso ko ng may maalala ako.
"Let's play! Let's play!"
Halos manlamig ang katawan ko ng sumagi sa alaala ko ang scene kung saan may batang humawak sa kamay ko. Hindi normal ang batang iyon dahil may biak ang ulo nito at puno ng tumutulong dugo ang mukha niya.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasíaA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024