Kabanata 47.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ni Grandma ay tsaka lamang ako nakaramdaman ng matinding kaba.
Kaya ko rin dinala si Zherion sa bahay namin dahil para may shield ako kung sakaling maisipan ni Grandma na paluin ako ng walis tambo.
Hindi naman siguro magagalit si grandma sa harap ng idol niya, hindi ba? Isa pa, pangarap niya na maging grandson-in-law si Arzion. Tinutupad ko na ang pangarap niya kaya dapat masaya na si Grandma.
Pero kahit isipin ko iyon ay hindi ko pa rin mapigilan ang kaba na nararamdaman ko.
Bumaba kami ni Zherion sa sasakyan. Dumiretso si Zherion sa likod ng sasakyan niya upang ibaba ang electric bike ko. Nagawa niya iyon i-sakay sa likod ng open-back jeep wrangler niya ng walang kahirap-hirap kanina kaya nagawa niya rin iyong ibaba ng maayos.
Lumapit ako sa tabi niya. "Zherion, ako muna kaya ang papasok?" saad ko sa kaniya nang maiparada niya na ang electric bike ko sa tapat ng bahay namin ni Grandma.
Walang tao ngayon sa labas ng kalsada kaya hindi ako nag-aalala na baka may makakita kay Zherion na ibang tao. Isa pa, naisip ko na mukhang walang balak itago ni Zherion ang relationship namin dalawa.
Pero kahit ganon ay kailangan pa rin namin mag-ingat dahil madami pa rin siyang mga fans at ayokong bigla nalang kumalat ang mukha ko sa buong social media. Sigurado rin ako na mababash ako ng mga in-love kay Zherion kapag kumalat sa social media ang relationship namin. Wala akong pake na mabash ako pero siguradong may pake si Grandma at Zherion sa bagay na iyon.
Narealize ko na mas maganda na maging lowkey lang ang relationship namin ni Zherion. Mabuti nalang dahil ako ang kaniyang exclusive paparazzi. Kung may iba pa siyang paparazzi ay hindi na iyon mahalaga.
"Let's go inside together. I will explain to Grandma everything. Let me handle this."
Tumango ako sa sinabi ni Zherion. Masaya akong napangiti. Ngayon ko lang nadiscover na mas masaya pala na magkaroon ng boyfriend. Hindi ko kailangan mag-alala dahil nandyan siya sa tabi ko.
Kakapasok pa lang namin sa gate ni Zherion ng makita kong lumabas si Grandma sa may pinto ng bahay namin. Sabay kaming napatingin sa isa't isa.
Pinanlakihan ako ng mata ni Grandma at kutob ko na agad na papagalitan niya ako.
"Yrayla! Sinabi kong maghanap ka ng asawa sa labas pero hindi ko sinabi sa'yo na huwag ka ng umuwi—"
Natigilan si Grandma sa kaniyang sinasabi nang mapansin niya ang lalaking kasama ko. Agad na kuminang ang mga mata ni Grandma kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Oh, nasiraan ka ba ulit ng sasakyan? Halika, pasok ka sa loob." Malumanay na saad ni Grandma habang nakangiti siya kay Zherion.
Napakurap ako. Kasing bilis ng lightning ang pagbabago ng mood ni Grandma.
Hindi napansin ni Grandma ang magkahawak na kamay namin ni Zherion kaya mahina akong natawa.
Naglakad kami papasok ni Zherion sa loob ng bahay namin ni Grandma.
"Yrayla, i-entertain mo ang ating bisita. Kukuha lang ako ng maiinom."
Agad nagtungo si Grandma sa loob ng kitchen bago ko pa siya mapigilan. Nang makaupo kami ni Zherion sa sofa ay muli akong natawa. May ngiti din na nakasilay sa labi ni Zherion.
"Grandma likes you very much. Sabi niya sa akin noon na siya na ang pinakamasayang grandma kapag naging grandson-in-law ka niya."
"Akala ko dati ay malabo ang bagay na iyon dahil sa tv lang kita nakikita at hindi rin nagkakatagpo ang landas natin. Sinong mag-aakala na makikilala kita noong naging multo ako. Para talaga tayo sa isa't isa."
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasiA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024