Kabanata 37.
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Pumasok si Sanie sa loob ng ward ni Yrayla. May bitbit siyang take-out para kay Grandma Milany.
Sa Sarvin Private Medical Institute ay iilan lang ang general ward. Kadalasan sa nilalagay sa general ward ay mga pasyente na isang araw lang ang itatagal sa hospital. Ngunit nakadepende pa rin iyon sa kagustuhan ng pamilya ng pasyente.
Pero recommended sa Sarvin Private Medical Institute na ilagay sa private ward ang mga pasyente na may malubhang karamdaman o mga pasyente na matagal pang makaka-recover.
Dahil expensive ang medical bills sa Sarvin Private Medical Institue ay karamihan sa mga na-admit sa lugar na iyon ay napapabilang sa mid to upper high class family.
Hindi masasabing mayaman o hindi mayaman si Grandma Milany. Sapat lang ang income niya sa apartment at savings niya na matagal niyang itinabi para mabigyan ng single ward ang kaniyang pinakamamahal na apo.
"Grandma, kain ka muna."
Lumapit si Sanie sa nakaupong matanda sa tabi ng patient bed.
"Salamat, Sanie. Mamaya ako kakain, masyado pang maaga."
Napatingin si Sanie sa kaniyang hawak na phone. Mag-aalas onse pa lang ng tanghali.
"Okay, Grandma. Kapag nagutom ka nandito po ang pagkain."
Pinatong ni Sanie ang dala niyang paper bag sa may table na nasa harapan ng sofa na nakasandal sa pader ng ward.
Naupo si Sanie sa may sofa. Kahit gusto niyang tingnan at kausapin si Yrayla ay hindi niya iyon magawa dahil kapag nilalapitan niya si Yrayla ay naiiyak siya at sumasakit ang dibdib niya sa sobrang lungkot.
Matagal ng hindi nagigising si Yrayla. Halos isang buwan na ang nakalipas. Nalulungkot ng sobra si Sanie kapag naiisip niya ang kalagayan ng kaibigan niya.
Noong huli silang mag-usap ay buhay na buhay pa si Yrayla. Walang mag-aakala na may mangyayaring kakaiba dito. Malusog na tao rin si Yrayla. Alam ni Sanie kung gaano kaalaga si Grandma Milany pag dating kay Yrayla. Malabong pabayaan ito ni Grandma Milany.
Ang mas lalong nagpapabigat sa damdamin ni Sanie ay ang final result na sinabi ng doctor sa kanila.
Yrayla's body was indeed healthy, however her brain was not responding to outside world or technologies. Yrayla was declared a brain dead patient.
Walang sign kung magigising pa ba ito o hindi na. Ang sabi ng doctor sa kanila ay magtiwala lang sa pasyente. Kung may will itong mabuhay ay magigising ito.
Ngunit kagabi ay nagtangkang tumigil ang hearbeat ni Yrayla. Halos mataranta si Grandma Milany at Sanie nang marinig nila ang nakakarindi at masakit sa tenga na tunog ng life-support machine. Para bang may pumisil sa mga puso at halos manlamig ang katawan nila sa takot.
Nagpapasalamat si Sanie na hindi agad siya umuwi sa kanila kagabi dahil sigurado siya na hindi kakayanin mag-isa ni Grandma Milany ang nangyari.
Noong dumating ang mga doctor ay nagawa nilang maisalba ang katawan ni Yrayla ngunit binigyan na sila ng paalala ng doctor na maghanda na sa kung anong pwedeng mangyari.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasyA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024