Kabanata 45.
YRAYLA'S POINT OF VIEW
"How is it? I am such a wonderful girlfriend, right?"
Proud kong tiningnan si Arzheno matapos kong i-kwento lahat sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa akin at kung paano ko siya naalala.
Maging ang tungkol sa conversation namin ng old monk at kung paano ko nakilala ang old monk ay kinwento ko rin kay Zherion. Wala akong pinalampas at tinagong kahit anong sikreto sa kaniya.
Maging ang katotohanan na nagpunta ako dati sa apartment namin ni Grandma noong multo pa ako dahil doon nakatira ang asawa ng guard ghost ay sinabi ko rin kay Zherion.
"Yes, thank you for your hard work." Nakangiti sa aking tugon ni Zherion kaya masayang napangiti ako. Kahit sa simpleng bagay lang na iyon ay kinikilig pa rin ako.
Ngayon ay nasa study room pa rin kami ni Zherion. Nakaupo siya sa kaniyang swivel chair at nakakalong ako sa kaniya. Wala iyon pinagkaiba noong multo pa ako. Siguro ang kaibahan lang ngayon ay hindi na ako isang multo kaya ramdam-ramdam ko na ang katawan ni Zherion
Noong multo pa ako ay kahit nagagawa kong hawakan si Zherion ay hindi ko ramdam ang balat at lambot ng katawan ng isang tao. Ramdam ko na matigas ang dibdib niya at ang mainit na temperatura ng kaniyang katawan pero maliban pa don ay wala na akong ibang pakiramdam sa tuwing magkalapit ang katawan namin.
Matapos akong halikan ng matagal ni Zherion ay nagkausap kami at nagsimula akong magkwento sa kaniya.
Nang magkausap kami kanina ay ipinaliwanag din sa akin ni Zherion kung bakit siya hindi naghinala sa akin. Iyon ay dahil nalaman niya na agad na may physical body ako.
Nagsinungaling din siya noong nagpunta siya sa bahay namin ni Grandma. Nalaman ko mula sa kaniya na hindi talaga siya nasiraan ng sasakyan. Nag-isip lang siya ng dahilan upang manatili sa bahay namin upang makita ako.
He really loves me so much. Nang maisip ko iyon ay halos tumalbog ang puso ko sa tuwa.
I also love him very much.
Pakiramdam ko ay blessing rin na naging multo ako dahil kung hindi ay malabong makilala ko sa personal si Zherion.
"Now that we are clear about the whole situation, let's ger married."
Matapos magsalita ni Zherion ay hinalikan niya ang pisnge ko. Agad nag-init ang buo kong mukha dahil sa kaniyang biglaang paghalik sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang malambot na labi niya sa aking pisnge. Ibang-iba ang pakiramdam non noong multo pa ako.
Bumilis muli ang tibok ng puso ko at wala sa sariling napatitig ako sa mga mata ni Zherion.
Hindi nag-iwas ng tingin sa akin si Zherion. Tinitigan ni Zherion ang mga mata ko bago ko napansin na bumaba ang tingin niya sa labi ko.
Bago pa ako makapag-react ay hinawakan na ni Zherion ang batok ko at inangkin niya ulit ang labi ko.
Napakurap ang mata ko bago ako napapikit nang maramdaman ko ang malambot niyang labi sa aking labi.
I know long ago that he's good at kissing. He knows how to lead me into a passionate and aggressive kisses.
Nag-init ng sobra ang buong mukha ko pati na rin ang leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang malambot niyang labi. I can also feel his tongue inside my mouth. He always like to invade my tongue.
BINABASA MO ANG
The Darling Ghost Of His
FantasíaA story about a lady who strangely becomes a ghost. A fluffy light story. ROMANCE-FANTASY-SUPERNATURAL SEPT 2024