KABANATA 16

3K 242 41
                                    

Kabanata 16.

Halos magliwanag ang mga mata ko ng marealize kong ngayon lang ako nakita ni Zherion. Hindi ko alam kung bakit bigla niya akong nagagawang makita at hawakan. Hindi na mahalaga sa akin ang dahilan. Masaya lang ako na mukhang wala siyang kaalam-alam sa past sins ko sa kaniya.

Masaya din ako na nakikita niya ako. Kahit alam kong hindi ko na siya mananakawan ng halik at kahit hindi na ako makakakalong sa kaniya ay masaya pa rin ako na malaman na nakikita niya ako at nagagawa ko siyang kausapin.

Pakiramdam ko ay lumiit ang distansya namin dalawa. Noong hindi pa niya ako nakikita ay ramdam na ramdam kong magkaiba kami ng mundong ginagalawan.

Mukhang hindi niya alam na gusto ko siya at mukhang hindi rin niya ako naririnig dati. Natutuwa ako dahil wala pa siyang impression sa akin.

Mukhang ngayon araw ang panibagong start ng friendship namin. Ngayon ay kailangan ko ng mag-ingat sa bawat galaw ko. Baka itaboy niya ako bigla kapag nalaman niyang patay na patay ako sa kaniya at secret crush ko siya.

"I am already dead. I am very sure about that." Sagot ko sa tanong niya sa akin kanina ng maalala ko iyon.

Sure na sure ako sa bagay na patay na ako. Isa na akong multo at napunta ang kaluluwa ko sa ibang mundo.

Nang maalala ko ang bagay na iyon ay seryoso kong tiningnan si Zherion. Gusto kong ipaalala sa kaniya na mag-ingat siya at kung pwede lang ay wag na siyang sumakay ng airplane ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

Hindi pa kami close sa isa't isa. Baka bigla niya akong palayasin kapag sinabi kong mamamatay siya kapag sumakay siya sa airplane. Baka akalain niyang sinusumpa ko siyang mamatay.

Ngumiti ako kay Zherion. Mukhang ito ang tamang oras para magpakilala ako sa kaniya at para sabihin na balak kong makitira sa kaniyang mansion pansamantala.

"I'm Yrayla, 20 years old. I died not long ago. I am a ghost but I am a very good and harmless ghost. Can I ask for a favor?"

Hindi inalis ni Zherion ang tingin niya sa akin. Hindi ko mahulaan kung anong iniisip niya sa mga oras na ito.

Tumikhim ako ng hindi siya magsalita.

"Go ahead," tugon niya sa akin makalipas ang ilang segundo.

Muli akong ngumiti sa kaniya. Sinigurado kong friendly ang ngiti ko para hindi siya makatanggi sa akin.

"Can I live in your house for the time being? I will move out right away if you told me so, don't worry."

Natigilan ako ng makita kong ngumisi si Zherion. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Bakas sa mata niya ang tuwa na para bang nagjoke ako.

Napatulala ako sa kaniya dahil hindi ko inaasahan na may mas iga-gwapo pa ang mukha niya. Pakiramdam ko ay mas lalo akong nahulog sa kaniya.

I am really in love with him. Pakiramdam ko ay pwede na akong mag-ascend sa heaven dahil nakita ko ng ngumiti at tumawa si Zherion kahit saglit lang iyon.

"You can. I don't mind."

Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang sagot ni Zherion. Malawak akong napangiti.

Yayakapin ko na sana si Zherion ng matigilan ako. Tumikhim ako at humakbang ako palayo kay Zherion.

"Thank you," saad ko sa kaniya.

Pinagtaasan ako ng isang kilay ni Zherion.

"Sometimes my body moves on its own," peke akong tumawa upang i-divert ang atensyon niya para makalimutan niya agad ang muntik ko ng pagyakap sa kaniya.

The Darling Ghost Of HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon