Ako nga pala si....

3.3K 43 2
                                    

Ako nga pala si Daniel Padilla, DJ for short. 20 years old. 2nd year college student sa isang prestigious university.

Lumaki ako sa amerika pero nung pumanaw ang aking mga magulang ay napag desisyunan kong bumalik ng Pilipinas sa kadahilanang lagi ako na-bubully dahil ako ay nerd. Hindi lang nerd. Kundi, pinaka nerd!

Lagi akong naka hoodie, naka backpack at nakayuko tuwing maglalakad. Wala rin akong confidence sa sarili dail nung mga panahong buhay pa ang aking mga magulang ay lagi akong nasa bahay upang mag aral.

Nakatira ako ngayon sa lolo at lola ko (mother side).

Sapat na siguro yang pagpapakila ko sa sarili ko no? Kasi makikilala niya po naman ako sa mga susunod na kabanata.

*RING RING*

Yan ang lagi kong naririnig tuwing umaga. Pero kahit summer vacation yan pa din ang aking naririnig dahil umaattend ako ng PE summer class dahil hindi ako maka-attend sa regulard PE classes dahil may sakit ako sa puso.

Ito unang araw ng PE summer class. At ako ang magiging support (kung saan ako ay mapag uutusan ng varsity players ng team sa kung ano mang ang kanilang kailangan) ng varsity team ng basketball. Unang beses kong magiging support ng isang team dahil lagi akong sa community services pag summer class. Ginawa ito ng aking professor upan maranasan ko naman ang pakiramdam ng maging isang normal na estudyante.

Ako'y naglalakad papunta sa gymnasium/court ng biglang may tumama sa aking ulo. Ang nasambit ko lang ay "Hey! That hurts!" sabay talikod at binaba ko ang aking hoodie. Pagtingin ko ay may bola sa aking paanan. Lalo akong nagulat ng may taong nakayuko sa aking harapan at pinulot ang bola at dahan dahang tumayo.

Ang lalo kong kinagulat ay kung sino ang nakatama ng bola sa aking ulo.

To be continued....

PS: Unang beses ko pong gumawa ng isang istorya na tungkol sa pag ibig na may kinalaman ang kasarian. Sana magustuhan ninyo.

PS: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon