Ang kanyang ina....

344 7 0
                                    

"Enrique!!!!"

sigaw ng nanay ni Enrique, na dali daling tumakbo mula sa pagkaka bukas ng pintuan ng kwarto kung saan dinala si Enrique.

"How are you my son?"

"What happened?"

"I told you to take  care of yourself!"

sunod sunod at nag alalang tanong ng kanyang Ina. Ang kanyang ina na kamukang kamuka ni Enrique.

Napatitig lamang si Daniel sa biglaang pagdating ng nanay nito. Hindi niya inaasahan na lilipad ito dali dali mula sa Amerika kung saan ito namamalagi.

Paglingon mulia ni Daniel sa kinahihigaan ni Enrique ay magka akap na ng mahigpit ang mag ina. Dahil sa ayaw niyang maka istorbo, ay tumalikod na siya at lumakad na papunta ng pintuan. Sabay hawak sa door knob ng bigla niyang marinig....

"Ma... Si Daniel nga pala..." sabi ni Enrique.

Sabay lingon si Daniel at binigyan ng isang matamis na ngiti ang ina ni Enrique at abot ng kanyang kanang kamay. "Hi Tita...."

Nakipag kamay din naman ang ina ni Enrique at sabay pakilala sa sarili. "Tita Bambie... Quen's friend... right?"

Napalunok ng malalim si Daniel at hindi agad naka sagot.

Ilang segundo pa ang lumipas na puno ng katahimikan.

"Yes po... Ka.. I.. Bi.." dahan dahan at nanginginig na sagot ni Daniel.

Ngunit bigla itong siningitan ni Enrique.

"Nope Ma, boyfriend ko po siya." sabay yuko mula sa pagkaka upo niya sa kama. Inaasahan ni Enrique ang isang reaksyon na kung saan ay magagalit ang kanyang ina at paghihiwalayin sila ni Daniel.

Ngunit biglang tumahimik na naman ng ilang segundo.

Dahan dahang itinaas ni Enrique ang kanyang ulo at dahan iminulat ang kanyang mga mata. Nagulat siya sa kanyang nakita.

Nakita niya ang  pinaka importanteng babae sa kanyang buhay na akap akap ng mahigpit ang pinaka importanteng lalaki sa kayang buhay. Nakita niya ang isang genuine na ngiti mula sa labi ni Daniel habang naka titig sa kanya at ang isang mangiyak ngiyak na mga mata ng kanyang ina.

"Thank you Daniel, thank you for accepting and loving my son. Despite of everything. After he lost his father because of Leukemia, I never thought na babalik siya sa mapagmahal na batang pinalaki ko." naiiyak na sabi ni Tita Bambie kay Daniel sabay halik sa pisngi ni Daniel.

Isang matamis na ngiti lang muli ang naibalik ni Daniel. At mangilid ngilid na din ang mga luha sa kanyang mga mata.

KNOCK

KNOCK

KNOCK

KNOCK

Sabay bukas ng pinto....

"Hi Mrs. Gil. Can I have a word with you?" sabi ni doctor ni Enrique.

PS: Since masyado na-delay ang chapter na to.

To compensate, next chapter is already available!

-Gelo #IAmTheUnbroken #StayingStrong

PS: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon