Ang pag amin....

396 8 0
                                    

Mula sa pagkakahiga ng aking ulo sa kanto ng kama ay agad kong itinaas ito ng marinig ko ang pinaka paborito kong tao na tumatawag sakin ng Daniel.

"Enrique?" antok kong pagkakasabi.

Ng makita ko ang inosente niyang mga mata na muli ng dilat ay hindi ko napigilan magising na rin ng tuluyan.

"Enrique!" masaya kong sambit.

Isang mainit at maihigpit na akap ang agad kong ibinigay kay Enrique ng mga oras na iyon.

"Gutom ka na ba?"

"May gusto ka ba?"

"Sandwich!"

"Gusto mo?"

Natataranta kong tanong kay Enrique.

Wala akong sagot na narinig mula kay Enrique. Isang mainit na palad ang aking naramdaman na mahigpit ang kapit sa aking kamay.

Agad niya itong hinila hanggang sa mapalingon ako sa kanya.

At biglang nagpa-cute ng hindi ko inaasahan niyang gawin. Bigla niyang pinaikot ikot ang kanyang mga mata ang duling dulingan.

Hindi ko mapigilan at mapangiti ng kahit papaano.

"See! I'm okay? Chill Daniel! Chill"

Hahampasin ko na sana siya ng pabiro ng biglang....

Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ng makita siyang naka upo na sa kama.

Sa bilis ng mga pangyayari hindi ko na natanong kung bakit siya biglang umupo dahil bigla niya akong inakap ng sobrang higpit.

Hindi ko alam kung aakap din ba ako pabalik ng mga oras na iyon dahil hirap ako sa aming pwesto. Siya'y naka upo mula sa kama habang ako ay nakatayo naman sa tabi ng kanyang hinihigaan.

Hindi ko na ininda ang awkward kong pwesto dahil halo mapatuwad na ako maabot lang ako ni Enrique at maakap ng pinaka mahigpit.

Naramdaman ko na lang ang init ng kanyang akap at ang bawat pag hinga niya sa aking tengga.

"I'm sorry."

"I'm sorry."

"I'm sorry that I didn't tell you about my situation. For sure you know it by now. For sure nag aalala ka na sa akin ng sobra.

I know you so well na Daniel. That's the reason kaya kami nagkaroon ng kasunduan ni Coach, na naibigay ko na halos ang lahat sa sarili matupad ko lang ang mga pangarap ko.

Kaya halos lahat bawal sa akin, maging sobrang saya, maging sobrang lungkot, maging excited sa mga bagay, at kaya bawal din sa akin ang mapagod. I'm sorry."

Naiiyak na sambit ni Enrique habang patulong siyang nakaakap sa akin.

"Sshh...."

"Sshh...."

Yun na lamang ang aking naitugon nga mga sandaling iyon.

At inakap ko siya ng mahigpit pabalik. Hindi alam ni Enrique na matagal ko ng alam ang kanyang karamdaman.

Hindi ko rin masabi ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Na sobrang sakit marinig ito sa mismong mga labi ng taong matagal ko ng mahal.

Hindi rin niya alam na sa mga oras na iyon luha ang dumadaloy mula sa aking mga mata pababa ng aking mga pisngi.

*TOK

TOK

TOK

TOK*

At sabay bukas ng pinto....

"Enrique?!?!"

PS: Sorry sa sobrang late na update - naging busy lang ng very light sa trabaho. Hehe.

So here you go - here's the update! Sino kaya yung biglaang dumating sa hospital na agad bumisita kay Enrique?

Have a nice and productive week everyone!

- Gelo #IAmTheUnbroken #StayStrong

PS: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon