"Sige Coach...." yun ang naging tugon ni Daniel nung inaya na siya ni Coach na mag usap.
Mula sa pagkakahiga ay umupo na si Daniel at umupo na rin sa harapan niya si Coach. Hawak hawak ang isang envelope.
"Daniel....
First, I'd like to say sorry..
Oo inaamin ko, planado ang lahat. Lahat ng nakita mo sa room 669. May nangyari, oo. Pero yung ako nasa ibabaw? At papasukin ko siya. Parte ng kasunduan yun pero hindi natuloy. Walang an*l sex na naganap.
Yung tatlong players?
Hindi nila alam na ganon ang dadatnan mo. Ang alam lang nila papayihain ka namin sa harap ni Enrique. Yun lamang." ang pag amin ng Coach.
"Oh.... Tapos?" paangil na tanong ni Daniel.
"Walang kami...
Walang kami....
Hindi ko siya minahal.
Hinding hindi ko siya minahal. Ginawa ko lang yun dahil naghahanap ako ng magagantihan sa kasawian ko sa pag ibig.
Kaya si Enrique....
Dahil...." tugon ng Coach.
"Eh ano? Eh ano!" pagalit na sagot ni Daniel.
"Ito...." sabay abot ng envelope si Coach.
Binuksan agad ni Daniel ang envelope ang tumambad sa kanya ang logo ng isang sikat na ospital, ang pangalan ni Enrique bilang pasyente at ang date kung kailan niya nakuha ang results, dated na maghahalos limang taon na.
Dahan dahang binasa ni Daniel ang laman ng diagnosis ng doctor kay Enrique.
Nanlaki ang mga mata ni Daniel sa resulta na kanyang nabasa.
Mga luha.. Mga luha na agad lumabas sa magkabilang mga mata ni Daniel..
Ang resulta.. Nabitawan agad ni Daniel ang resulta..
Sa gulat.. Sa gulat ng kanyang nabasa..
Nanginginig.. Nanginginig niyang tanong..
"Dilated cardiomyopathy?"
Tumango lamang si Piolo at mahinanong nagsalita.
"Oo, kung saan hindi siya puwede maging sobrang saya, lungkot, matakot at mapagod.
Hindi kaya ng puso niya. Hindi.
Ngunit pinilit niya ako. Pinilit niyang pumasok sa team dahil ito ang hilig niya.
Nagkataon....
Nagkataong yun yung mga panahong naghahanap ako ng lalabasan ng galit sa mga pinagdadaanan ko kaya ko ito sinungaban.
Patawad.. Hindi ko dapat to ginawa.. Hindi ko dapat dinamay ang inosenteng batang nangangarap lamang.." yun na lamang ang mga naisagot ni Piolo.
Tumayo si Daniel, dinampot ang sulat at isinilid sa kanyang backpack. Sabay labas ng bahay nina Khalil.
Sabay ng kanyang mga luha ay bumuhos na din ang luha ng inang kalikasan.
Sabay sa galit na nararamdaman ng kanyang didib ay sumabay na din ang galit ng inang kalikasan at nagsimula ng kumulog at kumidlat.
Ang dating takot na Daniel ay tila hindi na siya ngayon.
Naglalakad sa ilalim ng ulan kasabay ang kulog at kidlat.
"Enrique...."
"Enrique...."
Yun lamang ang mga salitang umaandar sa kanyang isipan ng mga oras na iyon.
Agad siyang pumasok sa 7-11 ng madaanan niya ito habang naglalakad.
Dali dali niyang dinampot ang mga ingredient para sa paboritong sandwich ni Enrique. Binayaran niya ito agad at ipinasok sa kanyang.
Bumalik siya sa paglalakad sa ilalim ng ulan.
Hanggang sa dinala siya ng kanyang mga paa sa harapan ng condominium building na tinitirhan ni Enrique. Agad siyang pumasok dito.
"Okay ka lang sir?" tanong ng guard na laging naka duty tuwing dumadalaw si Daniel kay Enrique.
Maliit na ngiti lamang ang tugon ni Daniel. Pagsakay niya ng elevator.
"Andito na siya Sir." sabay ng end ng call ang sekyu.
*TING*
Lumabas na si Daniel sa elevator at tumungo agad si unit ni Enrique. Sabay pihit ng door knob at bumukas agad ang pintuan.
"As usual" bulong ni Daniel sa sarili.
Agad siyang pumasok sa unit at binuksan ang ilaw sa sala.
"Enrique! Surprise!" masayang tono na oinilit sabihin ni Daniel.
"Enrique? Enrique!" sigaw ni Daniel.
PS: Hope you find this revealing chapter worth the wait.
Have a nice and productive week everyone!
-Gelo #IAmTheUnbroken #StayStrong
BINABASA MO ANG
PS: I Love You
Fiksi PenggemarWhat if you're the nerdiest student in the campus and you'd fall in love with the hottest student of the university. But it's not just that simple.... What makes this love story complicated.... Is their Gender.. And.. An illness..