Mahal Ko o Mahal Ako

459 9 0
                                    

"Anong ginagawa mo?" galit na tanong ni Daniel kay Khalil matapos nito bigyan ng isang matamis na halik.

"Mahal kita! Hindi pa ba halata?" paaling na sagot ni Khalil.

"Pero alam mo namang kami ni Enrique!" sabay tayo si Daniel sa ibabaw ng kotse.

"Ano? Tatalikuran mo lang ako!" sigaw ni Khalil at sabay tayo na rin sa ibabaw ng kanyang kotse.

Dalawa kayo sa buhay ko
At ako ngayon ay kailangan nang mamili
Isa lang ang maaari
Alam mong narito ako
Lagi para sa iyo
Mahal kita ng labis
Ngunit iba ang iyong nais
At siya'y narito
Alay sa ki'y wagas na pag-ibig
Nalilito
Litong litong lito

"Narinig ko ang usapan niyo ng mama ni Enrique! Ano gusto niyang i-donate mo ang puso para mabuhay ang anak niya!

Daniel naman!

Alam ko ang pinagdadaanan ng mama niya, pero para hingin niya yun para sayo?

Anong klaseng tao siya?"

Sigaw ni Khalil habang galit na galit. Habang si Daniel naman ay gulat na gulat lamang sa narinig ni Khalil. Hindi na siya nakasagot dahil dinugtungan pa ito ni Khalil.

"Kung ako! Kung ako na lang pinili edi wala kang problema!

Hindi mo to pinagdadaanan!

Edi sana masaya ka! Idol mo ko diba?

So masaya ka! Masaya ka pag kasama ako!"

Sigaw muli ni Khalil habang nagsisimula na rin umiyak.

Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O siya bang kumakatok sa puso ko
Oh anong paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko
Nalilito litong litong lito
Sinong pipiliin ko
Mahal ko o mahal ako

Kahit di ako ang mahal mo
Kung mananatili ako sa yo
Ay baka matutunan mo rin
Na ako'y iyong ibigin
At kung sadyang siya'y tapat
Baka sakaling pagdaan ng araw
Matutunan ko rin ang ibigin siya

Hindi sumasagot si Daniel ng mga oras na iyon at patuloy lang ang pag iyak.

"Halika na, baka abutan ni Enrique na wala ako sa tabi niya." sabay baba sa kinaroroonan niya. At sakay sa front seat ng kotse.

Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O siya bang kumakatok sa puso ko
Oh anong paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko
Nalilito litong litong lito
Sinong pipiliin ko

Hindi na rin umimik si Khalil at dinampot na ang kanyang t shift at sabay dito. Bumaba na rin siya at sumakay na ng driver's seat.

Habang pabalik ng hospital ay hindi umiimik ang dalawa at sobrang tahimik lang nila hanggang sa makarating na sila sa harapan ng hospital kung saan naka confine ang nobyo ni Daniel.

Bababa na sana agad si Daniel ng biglang kinapitan ni Khalil ang kamay nito at hinalikan bigla. "Pag isipan mo ang alok ko Daniel. Mahal kita.. Mahal na mahal.."

Ang nais ko ay maranasan
Ang umibig at masuklian din ng pag-ibig

Hinila lamang ni Daniel ang kanyang kamay mula sa pagkakahalik ni Khalil dito at bumaba na ng kotse.

At agad ng pumasok ng hospital habang si Khalil ay naka upo na lamang sa driver's seat.

Sino ang iibigin ko
Ikaw ba na pangarap ko
O siya ba
Oh anong paiiralin ko
Isip ba o ang puso ko
Nalilito litong litong lito
Litong litong lito
Sinong pipiliin ko
Mahal ko o mahal ako

To be continued....

PS: Ano kaya ang magiging desisyon ni Daniel?

-Gelo #IAmTheUnbroken #StayingStrong

PS: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon