"Wag mo na ako ihatid, dadaan pa ako ng library." sabi ni Daniel tapos nila magpalitan ng maiinit na halik. (See previous chapter) "Sigurado ka? I can wait for you." sagot ni Enrique. "Yeah, I'm sure, may practice game ka pa. You need to sleep early pa." at bumaba na si Daniel ng kotse at nagpaalam na sila sa isa't isa.
Tumungo na si Daniel sa library. Nagsimula na siyang magbasa at mag type sa kanyang laptop. Hindi alam ni Enrique na tinatapos na ni Daniel ang kanyang thesis. "Malapit na ang unang defense niya, I'll make sure wala ng ipapa correct para makapag focus na siya sa upcoming games niya." ang sabi ni Daniel habang nag ta-type.
Hindi niya alam na nasa bandang likuran niya ang mga ka-team mate na dapat ay ka-thesis mate din ni Enrique.
*tik tok*
*tik tok*
Oras ang lumipas sa pag finalize ni Daniel ng thesis ni Enrique. Hindi niya namalayan na closing hours na ng library ng university. "Sir? We'll be closing in 5 minutes." sabi ng student assistant. "Oops. Sorry." tugon ni Daniel. Niligpit at sinoli na niya ang mga libro sa dapat nitong kalagyan at sinara na ni Daniel ang laptop at nilagay na ito sa kanyang backpack.
"Shit, 09:00 PM na pala!" pag tingin ni Daniel sa orasan ng kanyang phone. 13 unread messages din galing kay Enrique ang nasa inbox ni Daniel. Inisa isa nito ni Daniel at nakangiti lamang ito habang binabasa dahil nagpapasalamat si Enrique sa kanyang pagtulong sa kanyang thesis, pag tanggap sa kanya, sa tuwing sabay silang nag aalmusal. Re-replyan na sana to ni Daniel ng biglang may isang message pa na pumasok.
"Drop by my place tonight." ang laman ng text ni Enrique. "Okay, I'm on my way." reply ni Daniel. Bumaba na siya ng building at naglakad na palabas ng university. Nasa gate na siya ng university at nag aabang ng taxi. Nagta-tap ng paa sa Daniel na tila'y naiinip na at nasasabik makapunta agad sa place ni Enrique.
"I better walk." sabi ni Daniel sa kanyang sarili. Sabay saklob ng hoodie niya. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa condo ni Enrique dahil medyo malapi lang naman ito. Dumaan muna siya ng 7 11 para bumili ng loaf, cheese at canned tomatoes. Pagkabayad niya ay tinigan niya ang paper bag "My surprise for you." isip ni Daniel at ngumiti. Sakto na sakto pagkalabas niya ng 7 11 na nasa bungad ng street na tinitirhan ni Enrique ay biglang nag brownout ang buong kalsada. Napapikit si Daniel na tilay's nagulat at natatakot. Dumilat siya dahan dahan at ang tanging nakikita niya lamang ay ang pagsindi at pagsara ng ilaw ng mga poste sa kalsadang iyon.
Tumakbo ng sobrang bilis si Daniel sa madilim na kalsadang iyon. Hanggang sa makaabot siya sa harapan ng condo ni Enrique. Ilalapat na sana ni Daniel ang kanyang kanang paa sa hagdan paakyat sa main door ng building ng sumara ulit ang mga ilaw at napapikit siyang muli. Ng biglang may humawak sa kanyang kanang kamay at humila palayo. Nadala agad si Daniel sa biglaang paghila sa kanya. "Enrique? Ikaw ba yan?" pasigaw na tanong ni Daniel. At sabay dilat.
Pumiglas ito ng napansin niyang palayo ito sa Condo ni Enrique. Sa biglaan piglas ni Daniel ay napaharap ang lalaking humihila sa kanya palayo, natitigan ito ni Daniel at sasabihin pa lang niya ang pangalan. Isang malaks na sapak at dumampi sa kanyang mga labi. Sa lakas nito ay napahiga agad si Daniel sa sahig at nalaglag at nabasag ang kanyang salamin. Pagkatapos ay narinig niyang tila dumami ang mga nakapaligid sa kanya.
Isang malakas na sipa ang naramdam niya mula sa likuran. Ang unang pumasok sa kanyang isipan ay ang pagkaing binili niya para kay Enrique kaya pinrotektahan niya ito kaya inakap niya ang paper bag. "Ito sayo! Nerd ka na! Bakla ka pa!" pasigaw na sabi ng isa sabay sipa ng malaas sa puwetang bahagi ng katawan ni Daniel. Sinusubakan ni Daniel na bumangon ng biglang may humatak ng backpack niya. "Ito! Itong thesis na to sumira samahan namin." sabi ng isa. sabay hampas ng bag ni Daniel na may laptop sa loob sa bandang batok ni Daniel na nag trigger ng tuluyang pagbagsak muli ni Daniel sa sahig at mawalan ng malay.
*TING*
Bumukas na sa upper ground floor ng condo ang elevator. Lumabas sa elevator ay si Enrique nakatingin sa kanyang relo ng biglang *PRRRT* *PRRRT* biglang tumakbo ang mga guwardya ng building. Sumunod si Enrique sa kanyang curiousity.
Tumakbo ng mabilis palayo ang mga lalaking gumulpi kay Daniel. Pilit tinatayo ng mga guard si Daniel ng matanaw ito ni Enrique. "DANIEL!" malakas na sigaw ni Enrique. Mabilis na takbo ang kanyang ginawa at sabay hawi palayo sa mga guard. "I know him! He's the visitor I'm expecting. Call an ambulance now!" pasigaw na sabi ni Enrique sa mga guwardya. Inihiga ni Enrique si Daniel at tinatapik ang pisngi nito. "Daniel! Wake up! Wake up!" dumilat ng maliit si Daniel at mahinang sabi "Enrique...." iniupo ito ni Enrique at inakap. Kinarga ito ni Enrique at pumasok na sa building at sabi sa mga guard "We'll be at Unit 0330, paakyatin niyo na lang sila. Pakisunod yung mga gamit ni Daniel na naiwan sa labas please?" tumango lamang ang mga guwardya.
Nakarating na sila sa unit ni Enrique at diniretso to agad ni Enrique sa kanyang kama. At dali dali kumuha ng mainit na tubig at kinuha ang kanyang first aid kit. Pagbalik niya sa kanyang kwarto ay sinimulan na ni Enrique hubaran si Daniel, inuna niya ang rubber shoes at medyas nito. Tapos ang skinny jeans niya hanggang sa naka boxers na lamang ito. "Who did this to you?" naiiyak at nagagalit na tanong ni Enrique. "Team mates" yun lamang ang naisagot ni Daniel. Humigpit ang hawak ni Enrique sa twalyang hawak na tila nangigigil. Ng inupo niya itong muli at aalisin na ni Enrique ang hoodie ni Daniel ay tila ayaw bumitaw ni Daniel sa pagkaakap sa isang bagay. Dahan dahang binuksan ni Enrique ang mga braso ni Daniel at isag basang basang paper bag ang kanyang nakita. Dahan dahan niyang inaalis ito sa jacket ni Daniel dahan dahan niyang nakita ang pisang pisang loaf, ang cheese na nadurog, at lumabas na sa packaging nito at pipi na lata ng canned tomatoes.
Biglang tumulo ang mga luha sa mga mata ni Enrique at akap kay Daniel. "You dont have to do this. Ako dapat mag susupresa sayo. Ngayon ito pa ang nangyari." nakayukong sinasabi ni Enrique. "Ssshhh" sabi ni Daniel. "I love you, that's why I'm doing this." humarap ni Enrique kay Daniel at ngumiti. "Arms up please." itinaas naman ni Daniel ang kanyang mga braso at inialis ni Enrique ang kanyang jacket na may hoodie. At inakap ito ng bigla. "Let me take care of you." magkaharap sila sa kama. At biglang sabi ni Daniel, "Yung laptop ko, Yung thesis mo." Hindi sumagot si Enrique at....
"MMMM MWAH" madiin na smack ang binigay ni Enrique. Napahawak ang kanang kamay ni Daniel sa bicep ni Enrique at ang kaliwa naman ay nasa batok ng MVP. At dahan dahan ng nagpalitan ng french kiss ang dalawa.
To be continued....
PS: How's this chapter guys?
Have a nice and productive week everyone!
-Gelo #IAmTheUnbroken #StayStrong
BINABASA MO ANG
PS: I Love You
FanfictionWhat if you're the nerdiest student in the campus and you'd fall in love with the hottest student of the university. But it's not just that simple.... What makes this love story complicated.... Is their Gender.. And.. An illness..