Ang karamdaman....

440 9 0
                                        

WANG

WANG

WANG

WANG

Ang malakas na wang wang ng ambulansya habang nagmamadali itong makatungo agad sa hospital sakay sakay si Enrique at Daniel.

"Quen! Quen! Wake up!" naiiyak na sabi ni Daniel habang nakaupo sa loob ng ambulansya at hawak hawak ang magkabilang kamay niya Enrique.

Habang ang nobyo ay walang malay at naka oxygen mask na ng mga oras na iyon.

WANG

WANG

WANG

WANG

Ng makarating na sila sa emergency room ng hospital ay agad agad ibinaba si Enrique sa ambulansya at natatarantang sumunod naman si Daniel.

"Ano po nangyari sa kanya?" tanong ng isang doctor on duty.

"Hindi ko alam... Hindi ko alam..." naiiyak at natatarantang sagot ni Daniel.

Habang inaasikaso na si Enrique sa isang bahagi ng emergency room ay lumapit na ang isang nurse. "Kaano ano niyo po ang pasyente?" habang may hawak na board. At nagtanong pang muli "Maari niyo po bang sagutin ang ilang katanungan?" at sabay abot ng isang information sheet na protocol tuwing may isinusugod sa hospital.

Nanginginig na sinagutan ni Daniel ang mga impormasyong kailangan ng hospital. Nanginginig niyang isinulat kung ano ang alam niyang sakit ng nobyo.

Nanginginig niyang isinulat ang salitang "FRIEND" kung kaano ano niya ang pasyente. Ng ibabalik na niya ang board. "Sir, kailangan po namin ang info ng mga magulang niya kung alam niyo po."

Iniabot muli ni Daniel ang information sheet at inilabas ang ID ni Enrique sa kanyang bag. At nanginginig na isinulat ito sa papel. At ibinalik ng muli sa nurse.

Maya maya pa ay dumating na emergency room ang doktor ni Enrique. At narinig ni Daniel na tila sinisita nito si Enrique kahit walang malay. "Ano nagpagod ka naman? Masyado ka naman bang nalungkot o naging masaya?" at nakita niyang tila may tinatawagan na ang doktor at narinig lamang niya ang....

"You guys need to come... ASAP..." tapos isinara na ng nurse at kurtina kung saan nakahiga si Enrique at hindi na alam ni Daniel ang mga sumunod na nangyari.

Tik tok..

Tik tok..

Tik tok..

Tik tok..

Ito ang pinakamabagal na segundo..

Tik tok..

Tik tok..

Tik tok..

Tik tok..

Pinakamabagal na minuto..

Hanggang sa umabot sa..

Pinakamabagal na oras sa tana ng buhay ni Daniel.

Mula sa pagkakayuko ay agad napatayo si Daniel sa kinauupuan ng makita niyang bumukas ang kurtina at iniandar na kung saan nakahiga si Enrique at tutungo na sa kanyang kwarto.

"Doc... ano po nangyari?" habang sabay silang naglalakad patungo sa kwarto ni Enrique.

Ng maipasok na si Enrique at mailipat sa kanyang kwarto ay tinawag siya ng doktor sa labas kung saan kasalukuyang nagpapahinga si Enrique.

"Alam mo ba?" tanong ng doktor.

Hindi agad nakasagot si Daniel at tumango lamang.

Matapos nito ay nag usap na ang dalawa ng masinsinan. Habang ang mga luha ni Daniel ay patuloy ang pag agos sa kanyang mga pisngi.

Matapos ng pag uusap ay pumasok na si Daniel sa kwarto at umupo sa tabi kung saan nakahiga si Enrique at hinawakan ng pareho niyang kamay ang kamay ng nobyo. Habang patuloy ng pag iyak.

Sa stress sa lahat ng nangyari ay hindi niya namalayang nakatulog na siya.

"Daniel...."

To be continued....

PS: Sino kaya ang tumawag kay Daniel?

Stay safe everyone!

Have a nice and productive week wattpad peeps!

-Gelo #IAmTheUnbroken #StayStrong

PS: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon