Hanap-Hanap (The End)

828 14 7
                                    

Isang taon ang lumipas, marami na ang nagbago.

Ako'y college graduate na, at kasalukuyang pinag papatuloy ang aking hilig. Ang pag babasketball. Pero hindi na ako naglalaro simula ng ika'y iwan ako.

Ako na ang pumalit kay Coach Piolo ng siya'y umalis dahil sa mga mapapait na ala ala sa unibersidad na ito. Tawag nila sa akin ay Coach Quen. Cute diba?

Nakilala kita sa 'di ko inaasahang pagkakataon
Nakakabigla para bang sinadya at tinakda ng panahon
Tila agad akong nahulog nang hindi napapansin
Pero tadhana ko'y mukhang 'di tayo pagtatagpuin

Tapos na ang klase ko para sa taong ito at simula na ng bakasyon. Hindi ko namalayan na isang taon ko na rin pala nakakasanayan ang sakit ng ika'y mawala.

Naglalakad ako palabas ng court lahat ng estudyante ay hindi ako pinapansin dahil ako'y isang strikto na coach. Hanggang sa makaabot na ako sa parking lot ng university.

*BEEP BEEP*

"Let's go?" sabi ni Coach Piolo na sakay ng isang kotse. "Sabay ka na! Let's eat?" kanyang dugtong.

"Sure, I'll follow. Lead the way Coach" aking tugon sabay sakay sa aking sports car at harurot palabas ng university habang sinusundan ang kotse ni Coach Piolo.

Pinilit kong lumayo
Ngunit pilitin ma'y bumabalik sa'yo

Pagdating naman ng restaurant ay may naka reserve na pala kaming lugar at umupo na kami roon. May pre order na rin pala si Coach para sa amin.

Habang inaantay ang order ay kwento ng kwento si Coach Piolo sa mga nangyari sa kanya sa isang taong hindi kami nagkita.

Habang ako ay nakatitig lamang.

Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap parap-pap
Na kahit magpanggap 'di matatago na ang 'yong yakap
Ang hanap-hanap parap-pap-pap
'Di nagbabago ikaw ang hanap-hanap ko

"Are you with me?" natatawang tanong ni Coach. Hindi ako sumagot at tumango lamang. "Mag kwento ka naman." kanyang dugtong.

"Nothing special to talk about, I just go to work then go home. Pa ulit ulit lang. Boring, right?" yan ang aking naging tugon. At sa aking tugon ay halatang malaki ang epekto sa akin ng pagkawala ni Daniel.

Inakala ko ring ganon kadaling alisin ka sa buhay kong ito
Sinubok umibig ng iba
Pero 'di rin nawala ang pag-ibig ko sa 'yo
Sa tuwing kapiling siya'y ikaw ang nasa isip (nasa isip)
At kahit maging panaginip ma'y ika'y nakapaligid

"Are you seeing someone else?" paloko niyang tanong.

"I never tried. I never will." paaling kong sagot. Hindi na nagtanong muli si Coach ng kanyang mapansin na tila wala akong gana pag usapan ang bagay bagay.

Pinilit kong lumayo
Ngunit pilitin ma'y bumabalik sa'yo

Dumating na ang kanyang order at dinalian ko na ring kumain. Makalipas lamang ang ilang minuto ay natapos na rin akong kumain. Agad akong tumayo at "Nice seeing you coach, thanks for the dinner. See you around." nagmamadali kong sabi.

"Wait..." pahabol na sabi ni Coach ngunit hindi niya ako napigilan sa paglabas ng restaurant.

Paglabas ko ng restaurant ay may batang nagbebenta ng puting rosas at inialok sa akin "Kuya, bili na po kayo. Para po may pang baon ako bukas."

Hindi na ako nag dalawang isip at binili ko ang lahat. "Oh ito, siguraduhin mong pang baon ya ha?" sabay abot ng aking bayad at iniabot na rin sa aking ng bata ang mga puting rosas.

Patalikod na sana ako ng bigla siyang may sinabi "Magugustuhan po yan ng girlfriend niyo." nilingon ko siya at ako'y ngumiti. "Magugustuhan nga to ng guardian angel ko." ang aking tugon.

Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap parap-pap
Na kahit magpanggap 'di matatago na ang 'yong yakap
Ang hanap-hanap parap-pap-pap
'Di nagbabago ikaw ang hanap-hanap

Sumakay na ako ng kotse at agad umalis. Nagmamadali akong nagmaneho patungo kung saan nakalibing si Daniel.

Ng makarating ay umupo ako agad sa harapan ng kanyang lapida at inalis ang mga tuyong dahon na tumakip sa kanyang pangalan. Nilabas ko na ang mga dala kong kandila at sinindihan ito.

"Hi my guardian angel." ang sabi ko kay Daniel sabay hawak sa aking dibdib. "Thank you rito. Miss na kita."

Hindi ko napigilang lumuha matapos ko ito sabihin.

Parap-pa-para sa pusong nangangarap
Umaasang magsasamang muli
Para sa 'yo at para sa 'kin na tangi lang dalangin
Ay happy ending bandang huli
Yeah hey yeah

"Miss na kita. Sobra. Gusto ko na sumunod sa'yo. Aanhin kong buhay ako gamit ang iyong puso kung patay naman na ang dahilan para ito'y tumibok." umiiyak kong sabi.

Malamig na hangin ang aking naramdaman at dahan dahan pumatak ang ambon na tila nakikiramay muli sa kalangitan sa aking patuloy na pagdadalamhati.

"Saktong isang taon na pero parang kahapon lang.... Hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasagot yung tanong ko sa sarili ko kung bakit mo to ginawa.... Bakit? " at agad ng lumakas ang ulan.

"Ito nga pala oh." sabay punas ng aking mga luha habang patuloy ang pag ulan. Agad kong nilatag ang mga puting rosas sa kanyang lapida. "Magugustuhan mo raw to sabi nung bata."

Nagsimula ng lumamig ng sobra at pinili ko pa ring makapiling si Daniel sa kanyang first death anniversary.

Humiga ako sa tabi ng kanyang lapida at tila inakap ito. "I love you...." dahan dahang ipinikit ang aking mga mata habang nangangatal sa lamig.

Oh kahit magpanggap 'di matatago na ang 'yong yakap
Ang hanap-hanap parap-pap-pap
'Di nagbabago ikaw ang hanap-hanap
Ikaw pa rin pala ang hanap-hanap parap-pap
Na kahit magpanggap 'di matatago na ang 'yong yakap
Ang hanap-hanap parap-pap-pap
'Di nagbabago ikaw ang hanap hanap
'Di maglalaho
Ika'y aking pangarap
'Di nagbabago ikaw ang hanap-hanap ko

Isang mainit na palad ang dumampi sa aking pisngi. Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata.

Pagdilat ng aking mga mata ay nasilaw ako sa liwanag.

Iniikot ko ang aking paningin at puro liwanag lang aking nakikita at matapos ang ilang sandali ay nakita ko siyang muli, naka suot ng puti. Ang nag iisang taong nagmahal at tumanggap sa akin.

"Daniel?"

Wala akong sagot na narinig mula sa kanya, iniabot lamang niya ang kanyang kamay at ngumiti. Hindi ako nag dalawang isip at iniabot ito. Mahigpit ko tong hinawakan na tila wala na akong balak pakawalan.

"Halika na? Uwi na tayo?" tanong ni Daniel. Hindi ako sumagot, tumango at ngumiti lamang ako at nagsimula na kaming lumakad.

FADE....

Malakas pa rin ang ulan kung saan ako huling nakita. "Sir? Sir?" sabay alog sa aking katawan ng bantay ng sementeryo. "Sir? Gising!"

Sabay hawak sa aking pulso sa aking braso. At yumuko na lamang siya.

THE END....


PS: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon