Ang closure....

620 11 1
                                    

**** SHORT CHAPTER AWAITS.... KAILANGAN KASI PAGHANDAAN ANG NEXT CHAPTER! BAKIT KAYA? *****

"ANO GINAGAWA MO DITO?!?!?!"

"Sorry, I think I got the wrong address." sabi ni Coach Piolo kay Daniel.

"Nope, you're looking for Wendell.. Right?" matapang na sagot ni Daniel.

Tapos binuksan niya ng malaki ang pintuan at natanaw agad ni Piolo si Wendell na nagsusuot ng pang ibaba. Natanaw niya ang maambok at makinis na puwet nito.

Pumasok agad si Piolo at umakap mula sa likuran ni Wendell.

Tumalikod si Daniel dahil hindi niya makaya na makita ang dalawa. Isasara na niya sana ang pintuan ng tinawag siya Piolo.

"Ikaw talaga pinunta ko dito?" sabi ng Coach at umupo na sofa mula sa pagkaka-akap kay Wendell.

Tumawa ng malakas si Daniel sabay sabi.

"Seriously? Eh bakit ka diyan sa ex mo dumerecho? Pa wrong address ka pang nalalaman?"

"Hindi ko naman alam na siya ang kasama mo. Sinundan ko lang yung kotse na pinagsakyan mo." tugon ng Coach.

Pumasok na muli ng tuluyan si Daniel sa bahay nina Khalil at umupo sa harapang sofa na kinauupuan ni Wendell at Piolo.

"Sandali lang...." sabi ni Wendell sabay hatak patayo kay Piolo at tumungo sa kanyang silid.

Lumingon at sinundan ni Daniel ng tingin ang dalawa. At ng sumara ang pinto ay tumayo na si Daniel sa pagkaka-upo at lumapit sa pintuan ng silid.

Naririning niya lamang ang tila iyakan ng dalawa.

Hindi niya marinig masyado ang kanilang usapan dahil sa naka bukas ang aircon ng silid.

Umalis na si Daniel sa harapan ng pintuan at bumalik muli sa sofa.

Tik tok..

Tik tok..

Ilang minuto pa ang lumipas at muli niyang nilingon ang silid, sarado pa din ang pintuan ngunit alam niyang gising pa din ang dalawa dahil tanaw niya ang liwanag ng ilaw mula ibabang bahagi ng pintuan.

Tik tok..

Tik tok..

Kumuha na ng unan si Daniel at humiga ng pa-side view sa sofa.

Nakapa niya ang phone sa kanyang shorts at agad itong nilabas. Tinigyan niya at nagulat siya sa dami ng missed calls at messages mula kay Enrique.

Hindi niya ang binasa ang messages at nilagay na lamang ang phone sa side table.

Tik tok..

Tik tok..

Isang oras din ang lumipas at dahil sa kapaguran at stress nakatulog na si Daniel sa sofa.

"Daniel...."

"Daniel...."

Pagdilat ni Daniel ay agad niyang narinig.... "Can we talk?"

PS: Happy Sunday guys!

-Gelo #IAmTheUnbroken #StayingStrong

PS: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon