Back to school....

507 8 2
                                        

RRRR IIII NNNN GGGG !!!!

At nag ring na ng kauna-unahang beses ang bell ng university sa pagkatapos sumapit ang bagong taon.

Nakayukong naglalakad muli si Daniel na tulad ng dati na tila natatakot na baka may nakakaalam na sa relasyon nila ni Enrique.

Tahimik ang kapaligiran dahil lahat halo sa ng estudyante ay focused dahil patapos na ang school year lalo na ang mga graduating student.

Kasulukuyang dumadaan si Daniel sa court kung saan nagsimula ang lahat.

Kahit nakayuko at naka-hoodie ay napangiti ng patago si Daniel.

"Bakit ka nakangati?" tanong ng kanyang nakasalubong.

"Ay ikaw pala Khalil... Wala naman... Wala." nakayuko at nahihiyang sagot ni Daniel at patuloy ng lumakad. Sinabayan na rin siya ni Khalil.

"Bakit parang nahihiya ka?" follow up na tanong ni Khalil.

"Ha? Ako.. Nahihiya? Bakit naman?" nahihiyang sagot ni Daniel. "Dahil ba dun sa?" hindi pa natatapos ni Khalil ang tanong.

"SSSSHHH SSSSHHHH please...." naiiyak at natatarantang sabi ni Daniel.

"Daniel... walang makakaalam. Pangako." kampanteng sagot ni Khalil.

Isang matamis na ngiti lamang ang ibinalik ni Daniel habang sabay na silang naglalakad ng kanyang idolo.

"Salamat nga pala ha?" sabi ni Khalil.

"Para saan?" curious na tanong ni Daniel.

"Dahil sayo...

Dahil sayo nagkaayos si Papa at Tito PJ. Kaming tatlo nagkaayos-ayos na din." ang naging tugon ni Khalil.

"Nako... Wala yun. Wala naman akong ginawa diba? Diba!" pakulit na tanong ni Daniel.

"Wala nga ba?" ang naging pabirong tugon ni Khalil.

"Bakit? Bakit? Ano alam mo? Wala nga." natatarantang tanong ni Daniel.

"Wala nga...." tugon ni Khalil sa natatarantang tanong ng nerd sabay tapik sa balikat nito at ngumiti. "Una na ako!" at lumihis na ng dinaan si Khalil.

"Alam niya kaya?" tanong ni Daniel sa kanyang sarili sabay hinga ng malalim at patuloy ng lumakad.

Ng makarating siya dulo ng court ay nagulat siya sa nagkukumpulang tao na tila may pinagkakaguluhan.

Na curious naman si Daniel at lumapit na rin.

For all the times I felt cheated, I complained

Pinilit ni Daniel na makasiksik sa kumpol ng mga tao dahil kilala niya ang boses ng taong kumakanta.

You know how I love to complain

For all the wrongs I repeated, though I was to blame

Kahit mainit, masikip at nasaaktan siya ng kaunti ay pinilit pa rin ni Daniel na makasingit hanggang mapunta siya sa harapan.

I still cursed that rain

At nagulat siya kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga tao.

I didn't have a prayer, didn't have a clue

Then out of the blue

To be continued....

PS: Sa tingin niyo, sino kaya ito?

Bagong character kaya?

Have a nice and productive week everyone!

-Gelo #IAmTheUnbroken #StayStrong

PS: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon