Ang lunas sa karamdaman....

389 8 2
                                    

Sumunod agad si Tita Bambie sa doctor ni Enrique palabas ng kwarto.

Pagkatpos sumara ng pinto ay agad hinila ni Enrique si Daniel at inakap ng pagka higpit higpit. At tuwang tuwang sinabi. "Tanggap niya tayo Daniel! Tanggap niya tayo!"

Hindi sumagot si Daniel at hinawakan na lamang ang magkabilang pisngi ni Enrique at binigyan ito ng madiin na smack.

"MMMM WWWW AAAA HHHH!!!!"

Napa pikit na lamang si Enrique at inenjoy ang smack na ibinigay ng kanyang boyfriend ng mga oras na iyon.

Makalipas ang ilang segundo ay naunang bumitaw sa smack si Daniel at inakap muli si Enrique. "I love you." ang kanyang bulong.

"I LOVE YOU TOO!!!!" pasigaw at hyper na sagot ni Enrique.

Nagulat si Daniel at hinampas ang braso nito. "Quen! Bawal yan! Wag ka nga masyadong hyper!"

Isang pa-cute na ngiti lamang ang sagot ni Enrique at sabay himas sa tiyan niya.

"Gutom ka na no?" tanong ni Daniel.

Tumango lamang si Enrique at sabay nag lip bite.

"You want your favorite sandwich?"

Tumango ulit si Enrique at ngumiti kay Daniel.

"Okay, wait lang ha? Bibili lang ako ng ingredients sa convenience store." sagot ni Daniel.

"Okay, bilisan mo ha?" ang naging tugon ni Enrique.

Isang ngiti ang ibinalik ni Daniel at lumabas na ng tuluyan ng kwarto ni Enrique. At dali daling dumeretso si Daniel sa pinaka malapit na convenience store sa hospital kung saan naka confine ang kanyang nobyo.

Matapos mabili ang mga kailangan para sa paboritong sandwich ng nobyo. Bumalik rin siya agad sa hospital.

*TING*

At nakarating na siya sa palapag ng kung nasaan ang kwarto ni Enrique. At naglakad na rin agad agad, ng palapit na siya kwarto ay narinig niya ang isang iyak ng babae habang sinasabi ang....

"Yun lang ba solusyon?"

"Ang heart transplant?"

"Saan ako bibili ng puso?"

"Hindi pa pwedeng yung akin na lang?"

Umiiyak na tanong ng ina ni Enrique sa kausap niyang Doctor.

"Yes Mrs. Gil. Yun lamang po, at kailangan natin ito isagawa agad. At hindi po pwede yung sa inyo. Hindi po pwede kunin ang puso ninyo at i-donate sa inyong anak."

"We need a donor, pwede po tayo humingi ng tulong sa Donor Program kung may available sila. Or worse is kung may kilala po kayong malapit ng pumanaw at pipirma na i-donate ito kay Enrique kung sakaling pumanaw na siya."

Sagot ng Doctor.

"Mauuna na po ako Mrs. Gil" sabi ng doctor. At narinig na niyang lumakad ito palayo mula sa kwarto ni Enrique.

Nagulat bigla si Bambie dahil pupunta muna sana siya sa CR upang hindi makita ng anak ang kanyang namumugtong mga mata ng makita niya si Daniel at nakatayo at bitbit ang isang paper bag.

"Kanina ka pa diyan?"

....

....

....

....

Bumukas na ang pintuan ng kwarto ni Enrique at nakita niyang pumasok ang kanyang ina. "Ma, nakita niyo po ba si Daniel? Ano sabi ng doctor?"

Hindi sumagot si Bambie at bumukas ng muli ang pintuan. At isang bagong bihis kung saan naka itim siya na at long sleeves na polo, at bagong ligo rin na Daniel ang pumasok sa kanyang silid.

"Anong nangyari?" gulat na tanong ni Enrique habang nakatingin sa kanyang ina at kay Daniel.

Isang malaking ngiti ang tugon ni Daniel at sabay pakita ng sandwich.  Hindi lamang ngiti.

Isang malaking ngiti na may nangingilid ngilid na mga luha sa mapupungay na mga mata ni Daniel at sabay tanong.

"Sorry.... Natapunan kasi ako. Ito lang available na damit sa near by na tiangge, nagpatulong pa ako kay Tita. Diba Tita?"

Tumango lamang si Bambie sa tanong ni Daniel at sabay "Kain na anak, pinag hirapan yan ng boyfriend mo oh!"

To be continued....

PS: Ano sa tingin ninyo guys? Hihihihi!

-Gelo #IAmTheUnbroken #StayingStrong




PS: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon