No.. You're not alone.

596 13 1
                                    

*CLICK*

Pumasok si Daniel sa condo unit ni Enrique. "As usual, naiwan na naman niyang bukas." yung ang nasa isip ni Daniel habang binubuksan ang mga ilaw.

Inibaba na ni Daniel ang paperbag na dala at inilabas ang mga pinamili. Bago niya simulan i-assemble ang pagkain na usual niyang inihahanda kay Enrique at tumungo muna siya sala at binuksan ang tv at idinirecho agad ang channel sa myx.

Sakto naman at "take 5" ang show na airing ng mga oras na iyon. At ang featured artist ay ang idolo niyang si Khalil. Nilakasan pa ni Daniel ang volume hanggang sa pumalibot na ito sa buong unit ni Enrique.

Bumalik na siya sa kusina at sinumulan na niyang i-assemble ang favorite sandwich ni Enrique. Habang pumapadyak padyak at humuhuni huni ng kantang nag pe-play mula sa tv.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos din ito at nag start na din mag plating si Daniel. Matapos ay inilabas na din niya ang ice cold softdrinks sa freezer at inilagay sa mesa. Pinatay na din Daniel ang ilaw sa sala at iniwan lamang bukas ang sa kusina.

Matapos ay tumungo na siya sa kwarto ng MVP at dumerecho sa cr. Naligo na si Daniel at makalipas ang ilang minuto ay lumabas na siya ng naka tapis lamang ng twalya. Umupo siya kama ni Enrique habang hawak kanyang cellphone. At...

Message sent...

Enrique's POV.

Picture dito....

Picture doon....

Matapos ang di matigil na picture taking ng fans kasama ang MVP ng season ay tumungo na din sila sa locker room at nagbihis.

Ng paalis na si Enrique ay may humawak sa kanyang balikat. "Hatid na kita." sabi ni Coach Piolo. Tumango lamang si Enrique at tumungo sa parking ng university at sumakay sa kotse ng coach.

Tahimik lamang sila habang bumabyahe patungo sa condo ni Enrique.

Ng makarating ay bababa na sana agad si Enrique ng kotse ng kinapitan ni Coach Piolo ang kanyang palad at sabay sabi. "When?" humarap si Enrique kay coach at napasubo na lamang at sabay sabi. "Set the date."

Daniel's POV...

Nakatitig lamang si Daniel sa kanyang phone habang nakahiga sa kama ni Enrique ng naka twalya lamang.

Tik tok..

Tik tok..

Tik tok..

Tik tok..

Ilang minuto pa ang lumipas at nagtext pa siyang muli. "Message Sent" matapos nito ay naisipan pa niyang mag send pa ng isang mensahe, habang may tina-type ni message si Daniel para kay Enrique ay pumikit na rin ang kanyang mga mata at hindi na na-i-send ang mensahe para sa MVP.

Head's up....

MMMM MMMM MWAH MWAH!!!!

Mainit na mga labi ang dumadampi sa pawisang leeg ng MVP.

Patungo sa adam's apple ng MVP at dahan dahang dinilaan ito.

"OHHH" ang mahinang ungol na lumabas mula sa mga labi ng MVP.

Mabilis ang mga halik na tila naghuhudyat ng mas maiinit pang aksyon.

RRRR RRRR nag vibrate bigla ang phone ni Enrique at naramdaman niya ito sa kanyang bulsa. Agad itong dinukot ni Enrique sa kanyang bulsa at sinilip at natanaw na "8 messages from Daniel" agad pumiglas si Enrique.

"Bakit?" nagulat na tanong ni Coach.

Kumindat lamang ang MVP at sabay pabulong sa sabi. "Set the date..." at dinugtungan pa ng "And you'll get to taste more." sabay bukas sa pinto ng kotse ni Coach at lumabas.

Mabilis ang kanyang lakad at pumasok agad sa building. Derecho sa elevator at ilang beses pinipindot ang "UP" button. Makalipas ang ilang minuto ay nakasakay na siya ng elevator.

Ng makarating sa palapag ay tila napatakbo si Enrique papunta sa kanyang unit. Ng bubuksan an niya ang pinto nito ay biglang....

TUG TUG....

TUG TUG....

Sabay kapit sa kanyang dibdib. "Not now.. Please.." bulong niya sa sarili at sabay bukas ng pintuan. Nakita niyang bukas ang tv ngunit sarado ang mga ilaw. Nakita niyang bukas ang ilaw sa kusina. Dali dali siyang tumungo.

"Daniel?" ngunit wala siyang Daniel na nakita. Tatalikod na sana siya ng matanaw niyang naka handa na ang kanyang favorite sandwich at may ketchup pang naka plating na may letrang MVP at korteng puso. Napangiti ng malaki si Enrique. At agad itong pinicturan.

Sa pag aakalang wala na si Daniel doon ay tumungo siya agad si kwarto umupo sa kama. Ibinato niya ang rubber shoes na suot at ang bag na dala sa sahig. Sabay higa. Ng....

May biglang siyang naramdamang bagay na nasa kanyang kama. Sabay bigwas patayo si Enrique at takbo sa pintuan ng kwarto at bukas ng ilaw.

Nakita niyang isang daniel na naka twalya lamang ang nakahiga sa kanyang kwarto na naghihilik at hawak ang phone. Lumapit agad si Enrique at kinuha ang phone sa kamay ni Daniel. Ng mabasa niya ang mesage ni Daniel na hindi nito na-i-send. "I feel alone here Quen.. Wish you were here.."

Humiga na rin si Enrique sa kama at ipinwesto si Daniel hanggang sa mapaakap si Daniel sa kanyang dibdib.

"MMMM MWAH!" isang madiin an smack ang binigay ni Enrique sa ulo ni Daniel at sabay sabi. "No.. You're not alone." sabay pikit ng mga mata.

To be continued....

PS: TGIF!

-Gelo #IAmTheUnbroken #StayStrong

PS: I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon