A/N: Sorry po kung medyo natagalan na naman tong UD na to! Nagbakasyon po kasi kami ng ilang araw sa malayong lupalop ng tralala kaya ayan. HAHAHA! Anyway, new character na naman! Tandaan ang mga character na to kasi magiging important sila in the future, kung may future man. Lolwhut? HAHAHA! Okay, eto na..
VOTE. COMMENT. FAN. ♥
----------CHAPTER 55
“ACHOO! ACHOO!”
Nagising ako sa kaka-“ACHOO!” ni Max. Pagkabangon ko..
“Oh my gosh! Max, okay ka lang?!”
Namumutla siya tapos namumula yung ilong tsaka mata.
“Nagising ba kita? Sorry Olive..”
Hinawakan ko noo niya tsaka leeg. Ang init niya! Ang taas siguro ng lagnat niya.
“Bakit ang taas ng lagnat mo?!”
“Nabasa yata ako ng ulan nung na-stuck tayo sa ferriswheel..”
“Bakit kasi hindi ka nagpalit ng damit?! Susme!”
“Relax, Olive, hindi pa ko mamamatay.”
“Ssst!”
Kumuha ako ng damit niya tapos binato sa kanya.
“Aray! Grabe..”
“Magbihis ka na! Pupunasan kita.”
Pumasok muna ako sa CR para basain yung face towel tsaka para na rin makabihis si Max. Paglabas ko, nakabihis na siya. Inayos ko yung unan niya para maka-sit up siya tapos pinunasan ko arms, neck tsaka mukha niya.
“Oli, galit ka ba?”
“Ha? Hindi.”
“Intense mo eh.” Nagawa pa niyang tumawa sa lagay niyang yan.
“Tss.. Nag-aalala lang..”
“Aww.. Tara nga dito!”
“Hoy! Pag ako nahawa sa sipon mo!”
BINABASA MO ANG
My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)
Подростковая литератураPano nga ba kung yung pinangseselos mo ay nagseselos na pala sa pinagseselos mo kasi nga pinagseselos mo pa siya eh nandiyan naman si pinangseselos mo? Sino pipiliin mo? Yung matagal mo nang pinagseselos o yung pinangseselos mong nagseselos? (Former...