CHAPTER 14
THE NEXT DAY..
“Magusap kayo ng matino.”
Infairness, maganda ding idea yon. Hindi ko pa nga nakakausap ng matino si Lyric. Matagal ko nang pinaplano, pero hindi ko pa nga naman natutupad. Tama nga siguro ang konsensya ko. Kailangan makausap ko muna siya ng matino bago ako gumawa ng kung ano man. Pero, kelan kaya ang tamang panahon?
Tamang tama naman, napadaan ako sa bulletin board kung saan nakapost ang monthly activities ng school. Una kong nakita ay yung tungkol sa JS Prom. BOOM! Tama! Yan ang tamang time! Sa JS! Pwedeng ayain ko siya sumayaw tapos magkakaroon kami ng privacy para magusap nang walang umeepal. Tamaaa. Galing mo talaga, Sapphie. :)
Pero, wait! Paano kaya kung umepal yung alphakapalmuks na si Sam? Hindi ako pasayawin kasama si Lyric? Eh di fai – AHA! Light buuulb! Eh di kailangan ko ng parang counterattack. Kailangan may magdistract kay Sam habang kasayaw ko si Lyric para naman walang eepal. Pero sino? Wala naman akong pwedeng kunchabahin.. AHA! Light bulb uliiit! Sino pa nga ba ang pwedeng kumampi sakin kundi si Max? MWAHAHA! Tamaaa! Pero, wait. Wala nga pala siyang gate pass. Pano naman kaya siya makakapasok?
*RRRRRRRRRRIIIIIIIIIINNNNNNNNNNGGGGGGGGGG*
Haaay! Bahala na nga. Tapos na lunch time.
“HUY!”
“H-HA?! Ano yun?”
“Sabi ko, ba’t tulala ka diyan? Uwian na ah. Usually, nauunahan mo pa yung teacher sa paglabas pag dismissal time na.” Umupo sa tabi ko si Sadie.
“Ah. Eh. Kasi, bes, namomroblema ako.”
“Bakit? Wag mong sabihin tungkol na naman to kay Lyric?”
“Ah, eh. Oo,este, hindi. Aaah, basta. Bes, kailangan ko ng extra gate pass.”
Nagulat naman siya sa sinabi ko. “Ha? Eh, yun lang naman pala eh. Hindi ka ba nalapitan ni Elise kanina? Inooffer kasi niya yung gate pass niya. Di daw siya makakapunta kasi may out of the country trip sila ng one week ng pamilya nila.”
“Ha? Talaga? Uy, tara! Hanapin natin si Elise!”
Swerte din naman. Tumatambay pa si Elise sa labas ng classroom namin nung time na yun. Buti nalang wala pang kumukuha nung gate pass niya. Hiningi ko nalang. Thank you Elise! I owe you one! :)
“Uuwi ka na ba, bes?”
“Um, hindi pa. Kailangan ko pang dumaan sa library. Magreresearch lang para sa HW natin. Walang net sa bahay ngayon eh. Kahapon pa.”
“Ah, ganun ba? O sige, mauna na ko sayo. Buhbye! Labyu!”
“Labyutoo!” Nagbeso-beso pa kami. Hehe. :)
Pagdating sa library, dumiretso na ko agad sa reference section. Syempre, sino bang mabibigo ng encyclopedia? Lahat naman nasa encyclopedia eh. Hehe. Susko. Ang dami namang tao. Lahat ban g teachers nagpaparesearch na ngayon? Mygad! Wala na tuloy ako maupuan. :( Ay ay ay! Ayun! May upuan! Sugod, Sapphiiie!
Buti nalang mabilis ako. Mukhang may makikipagawan pa yata sakin eh. Sorry ka nalang, nauna na ko. Belaaat! :P
Binaba ko yung sangkatutak na encyclopedia na dala ko.
“Ah, excuse me. Nadaganan yung papel ko..”
Sabay pa kami nagkatinginan.
“Lyric?”
“Sapphie?”
Ohmygad! Katabi ko lang siya! Nako. A-anong gagawin ko?
“Ah, s-sorry..” Inangat ko yung encyclopediang nakadagan sa papel niya.
Grabe. Para namang The Story Of Us music video to ni Taylor Swift. Ang awkward kasi eh. Tapos, tapos..
“Um, Lyric. Pwede ba tayo magusap?” Oh my. Anong sinabi mo, Sapphie?! :O
“Um..” Mga 5 seconds siya nagisip. “S-sige.”
Naku naman, Sapphie. Ay, pero, pwede na ngang ito ang pagkakataon mo para makausap siya ng matino! Tingnan mo muna, baka nasa paligid lang si Sam. Masira pa moment niyo. Hmm.. Mukhang wala naman..
“Um, dun tayo.” Tinuro ko yung shelves na walang laman. Panigurado walang tao dun. Walang istorbo.
---
“Ano na yung paguusapan natin?” – Lyric
Nasa may shelves na kami. Buti nalang talaga walang tao. Tapos medyo tahimik pa. Malayo-layo sa mataong part ng library.
“Um.. Si Sam ba kasama mo?”
“Hindi. Absent siya ngayon eh.”
“Ah. Buti.”
“Ano yun?”
“Ah, sabi ko, sana mabuti lang kalagayan niya.”
“Ah. Nagtext siya sakin kanina. May sakit daw.” Care ko? Ayyy. Kinakamot na naman niya yung batok niya. Sh*t. Ang gwapo niya pag gumaganun siya eh. Ano ba yan, Lyric. :”””””|
“A-ah. Um..” Nako, Sapphie, eto na yon. Be strong! Kaya mo yan!
“Lyric, nililigawan mo ba si Sam?”
“Ha? Uh, bakit mo natanong yan?”
“W-wala. Curious lang. *titig sa floor*”
“Bakit, sa tingin mo hindi ako marunong ng 3-month rule, Sapph?” Ow. Medyo namimiss ko na yung time na ‘baby’ pa tawagan namin Lyric.
“So.. Pag natapos na yung 3 months.. Liligawan mo na siya?”
Parang nagalit yata siya sa sinabi ko. Napa-frown siya tapos lumakas yung boses niya nung magsalita siya.
“Ewan ko! Siguro! Baka! ..Oo!” .. Ouch. <///3
Tumulo na luha ko nung pagkakasabi niya non. Medyo lumambot naman yung mukha niya. Nakita kong gumalaw yung kamay niya papunta sakin, pero biglang tumigil tapos binaba niya. Tumigas na ulit expression niya tapos nagwalk out. Narinig kong may binulong pa siya. Pero di ko na narinig.
Pero wala na kong pakialam. Ang sakit lang. Hindi na yun ang Lyric na nakilala ko. Ang cold niya sakin. At parang wala na talaga siyang balak balikan ako. Ang sakit. Akala ko siya na. Sa loob ng 9 months na ligawan at 3 months na relationship namin, napatunayan kong seryosong seryoso siya sakin.. Na mahal niya talaga ako. Nagkamali ako. Sa isang iglap, nawala lang lahat. Nawala nalang yung feelings niya para sakin. =’((
Pero.. Ayoko. Hindi ako makakapayag na mawala nalang lahat ng ganun lang. Mahal kita Lyric Ramirez. Hindi ko hahayaang mawala ka nalang bigla dahil sa maliit na bagay. Ako ang may kasalanan kung bakit tayo nagbreak. Ako na din ang magaayos nito. Promise ko sayo, magkakabalikan din tayo. Humanda ka.
Lumabas na ko ng library..
“Hello, Sapphie? Bakit ka napatawag?”
“Max.. Pumunta ka dito bukas. May ibibigay ako sayo.”
Kinapa ko sa bulsa ko yung gate pass..
BINABASA MO ANG
My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionPano nga ba kung yung pinangseselos mo ay nagseselos na pala sa pinagseselos mo kasi nga pinagseselos mo pa siya eh nandiyan naman si pinangseselos mo? Sino pipiliin mo? Yung matagal mo nang pinagseselos o yung pinangseselos mong nagseselos? (Former...