CHAPTER 1
“Kayo na may boyfriend!” Haha. Ang bitter ng dating ko.
Lunch na at nagkukwentuhan kaming apat tungkol sa lovelife ni Gail.
“Anong boyfriend? Wala pa kaya. Sabi lang nya, may aaminin sya sakin mamaya pag bumisita sya sa uwian.” Namumula na si Gail. Uyyy!
Ang pinaguusapan nga pala namin ay yung friend-since-kindergarten-soon-to-be-lover ni Gail na si Ethan. May aaminin daw tong mokong na to sakanya mamayang uwian. Did I mention na Valentine’s Day ngayon? Ayan, alam nyo na. Haha.
“Hoy, bruha! Ba’t ka nag-iinarte dyan?! Baka nakakalimutan mo, may boyfriend ka din!” Binatukan pa ko ni Belle. Aray ha. Haha.
“Wateber, Belle.” Sumubo nalang ulit ako para di na tumuloy pa ang usapang nakakayamot. Haha. Bitter.
“Nakooo! Bitter, ‘te?”
Inirapan ko nalang sya. Oo na. Bitter na kung bitter. Bwisit naman kasi eh. Valentine’s Week, wala syang planong makipag-kita sakin. Grabe. Para tuloy akong single. Err..
Nag-ring na yung bell…
Kwentuhan ko muna kayo sa napakagaling kong boyfriend na si Lyric Ramirez. Gara ng pangalan no? Tanungin nyo nalang magulang nya kung bakit ganun pangalan nya. Haha. Anyway, highway, boyfriend of 3 months ko na sya. Kaya lang, parang palaging wala na syang time para sakin. Pero, naiintindihan ko naman sya. Upcoming college student na kasi sya. Wait, ako din naman ah. Pero kasi abala siya sa pagaapply sa iba't ibang universities. Di ko nga alam kung bakit kailangan pa niya magapply sa iba, eh ang alam ko dito naman sa Avila University niya gusto talaga magaral eh, pero nagaapply pa siya sa iba. Kaya, ayun. Kailangan maganda grades. Hay.. Pero dapat naman siguro sya gumawa ng paraan para magkatime sya para sakin, diba? Lalo na ngayon at Valentine’s Day. Pero, hindi. Wala. Kahit gift, wala. Hay..
Okaaay. Uwian na! Uwian na! Haha. Pambansang kanta pag uwian na. lol.
“Uy, best. Pwedeng favor?” Nako. Nagpapacute nanaman sakin tong si Gail.
Kunwari hindi ako nainis sa pagpapacute nya. Haha.
“Depende kung anong favor yang sinasabi mo.” Sinabit ko sa isang balikat yung bag ko.
“Pwedeng pasama naman mamaya pag dating ni Ethan?” May pouting epek pa sya. Haha.
“Ha? Eh, ayaw mo bang makapag-solo kayong dalawa?”
“Eh! Ayoko! Parang ang awkward eh.”
“Pa-awkward awkward ka pa dyan! Baka naman ma-OP lang ako sainyo.”“Hindi. Hindi ka ma-o-OP. Kasi nagdala si Ethan ng kasama.”
“Susmaryosep na lalaki yan.” Napakamot ako ng ulo.
“Sige nanaman oh, best. Para nga makapag-solo kami. Ikaw mag-eentertain ng kasama nya.”
“Sus. Ginawa pa kong entertainer.”
“Sige na, best. Bakit, may date ka ba ngayon?”
Binatukan ko sya. “Nako, pinamukha pa sakin ng langhiya. Oo na. Sasamahan na kita.”
“Yes! Thanks best!”
Inirapan ko nalang sya (taray!) tapos nauna na kong lumabas ng classroom, sumunod nalang sya.
Nasa waiting shed na kami ng school at 4:00 na, wala pa yung mokong at yung kasama nya. Nagkukutkot ako ng kuko ko habang si Gail naman ay hindi mapakali at kanina pa nanginginig ang bench dahil nangunguyakoy sya.
Hinawakan ko na yung tuhod nya para tumigil na sya at tumingin naman sya sakin.
“Best, pwede ba wag kang excited? Sabi mo nga, hindi pa sila nagtetext.”
“Sorry naman.”
“Hay.. Lalabas muna ako at bibili ng fishball. Gusto mo ba?”
“Hindi. Dito nalang ako.”
“Sige.” At tumayo na ko.
Pagkalabas na pagkalabas ko, unang una kong nakita ay yung lalaking hindi taga-school namin. Iba ang uniform eh. Nakauniform na pang-Aristotle University. Teka, taga-Aristotle University si Ethan ah. Pero hindi to si Ethan. Kilala ko si Ethan. Mas gwapo to. Well, para sakin lang naman.
Hindi ko napansin, tulaley na pala ako sa harap ni Mr. Stranger nang bigla syang tumingin sakin. Gosh, Sapphie! Gising! Tumingin ako sa kabilang side. Mukhang tanga, tapos dumiretso sa stand ng bilihan ng fishball nang hindi na ulit tumitingin pa kay Mr. S.
Papunta na ulit ako sa may waiting shed nung susubo na ko nung fishball. Kasabay pa nun nung napatingin ako kela Gail. Nandun na pala si Ethan. Kasama si Mr. Stranger. Biglang sumakit yung dila ko. Ang init pala nung fishball. Tinakpan ko yung bibig ko with one hand, tapos naluluha pa ko. Embarrassiiing! Nice one naman si Gail. Ngayon pa nya naisipang..
“Best, eto nga pala si Max. Max, si Sapphie.”
Kumaway nalang ako gamit yung kamay na may fishball. Tapos nilunok ko na yung nasa bibig ko.
“Hi.” Yun nalang nasabi ko. I swear, namumula na yata ako ngayon. lol.
“Hi.” Oh my! Gwapings ng boses nya! Haha.
“Ako ba hindi mo papansinin man lang, Sapph?” Si Ethan. Yup, close kami ni Ethan. Kahit na kasi taga-ibang school siya, nakakapagusap kami tsaka napapadalas na din pagsama niya sa paggagala naming magbarkada.
“Hi Ethan.” Sabay belat. Haha.
Ngumiti lang sya nang nakakainis. Haha. Sarap batukan!
BINABASA MO ANG
My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)
JugendliteraturPano nga ba kung yung pinangseselos mo ay nagseselos na pala sa pinagseselos mo kasi nga pinagseselos mo pa siya eh nandiyan naman si pinangseselos mo? Sino pipiliin mo? Yung matagal mo nang pinagseselos o yung pinangseselos mong nagseselos? (Former...