CHAPTER 18
*CALL ME MAYBE BY CARLY RAE JEPSEN*
UGGGHHH! Sino ba tong tumatawag? Ang aga aga, nambubwiset.
*BESSY SADIE :P calling…*
“Ano?!”
“Ay, cranky ang queen of the night?”
“Bes naman kasi eh. Ang aga aga, ginigising niyo ko. Di ka ba napuyat?”
“Napuyat syempre. Pero, hello? 11 am na kaya. Get up, get up! Tara, may quadruple date tayo ngayon.”
“Quad – ano?”
“Quadruple date! Punta tayo EK kasama ang mga papa natin. Ayyy!”
“Papa ka diyan! Baka nakakalimutan mo, single ako!”
“Eh anong tawag mo kay papa Max? Syempre, manliligaw mo siya, eh di siya idate mo!”
“Eh! Baka tulog pa yun no! Ayokong gisingin.”
“Eh, basta, bahala ka, bes. Masaya sana to. Minsan lang tayo mag-EK. Sige ka.”
“Tss. Osha. Pagiisipan ko. Pero pwede naman ako sumama nang walang kadate diba?”
“Bahala ka. Baka maging loner ka. HAHA! Joke lang bes! Sige, babuuu!”
“Bye!” *end call*
Hay nako. Antok na antok pa kaya ako. Sumayaw ba naman ng sampung oras. Psh. Makatulog na ulit. Hindi nalang ako sasama sa EK. Bahala sila. Basta ako, beauty sleep!
Umikot ako tapos hinug ko yung favourite unan ko. Haaay.. Sarap ng buhay sa kama. Sana pwede kong pakasalan nalang yung kama para together forever kami. Haha. Hmm.. Teka nga. Ba’t parang ang tigas ng unan ko? B-ba’t parang may.. ano to?
“AAAAAHHH!!!” Napabangon tuloy ako bigla.
“AAAHH! Asan? Asan yung sunog?!” Napabangon din si Max.
“ANONG GINAGAWA MO SA KWARTO KO?!”
“H-ha? E-ewan ko.” Nakita kong bumaba yung tingin niya.
Tiningnan ko yung sarili ko. Hala! Nakapambahay nalang ako! Sando tapos shorts! HALA!
“AAAH!” Kumuha ako ng unan tapos tinakpan ko sarili ko.
“MANYAK KA! ANONG GINAWA MO SAKIN?!”
“Ano? Wala akong ginagawa sayo ah! Asa ka naman, Sapphie.” Kinusot niya mata niya.
BINABASA MO ANG
My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionPano nga ba kung yung pinangseselos mo ay nagseselos na pala sa pinagseselos mo kasi nga pinagseselos mo pa siya eh nandiyan naman si pinangseselos mo? Sino pipiliin mo? Yung matagal mo nang pinagseselos o yung pinangseselos mong nagseselos? (Former...