Chapter 8

2K 18 0
                                    

CHAPTER 8

“Ano? Nababaliw ka na ba, Max? Magpapagamit ka?” Grabe naman kasi tong idea niya. Di ko keri!

“Bakit? Wala namang masama dun ah. Tsaka eto na talaga siguro ko magagawa ko para makabawi ako sayo.”

“Ay grabe ka.”

“Sige na. Ok lang talaga sakin. Tsaka ayoko kasing may nakikitang nalulungkot dahil sa pag-ibig. Lalo na’t kung kaibigan ko siya.”

Hay.. Ano bang gagawin ko? Papayag ba ko? Eh kasi nakakahiya naman eh. Ayoko pa naman nanggagamit ng tao para sa kaligayahan ko. Parang ang selfish ko naman kasi pag ganun. Pero, kung iisipin nga naman, pwedeng gumana yung idea niya. Baka bumalik agad sakin si Lyric pag nakita niyang may iba akong kasama. Ay, Sapphie! Ano ba yang iniisip mo? Masama yan! Kaya lang, mukhang di naman tatanggap ng ‘hindi’ si Max. Pinagdidiinan pa kasi niya na kasalanan niya kung bakit kami nagaway ni Lyric at willing siyang gawin lahat magkabalikan lang kami. Hay.. Siguro naman walang mali kung itatry namin. Hmm..

“Pano kung hindi gumana plano natin?”

“Gagana yan. Lalo na’t ako pa yung fake boyfriend mo. Ako nga yung pinagseselosan niya diba? Tamang tama lang! Haha.” Ay, natuwa?

“Hmm.. Sige na nga. Pumapayag na ko.”

“Talaga? Yes! Salamat Sapphie! Buti makakabawi na ko sayo.” :D

“Grabe naman. Baka nga ako ang dapat magpasalamat eh. Pero, Max, etong pagpepretend natin, hanggang sa sabihin lang ni Lyric na gusto na niyang makipagbalikan sakin ah. Tapos tapos na ha? Ayoko kasi nang nanggagamit ng tao. Parang ang sama sama ko.” -.-

“Sus. Ako na nga tong nagooffer diba? Wag ka nang maguilty.. babe.” Sabay hawak sa kamay ko.

Ay, may ganun? Haha. :”> Wow, kinikilig ka pa, Sapphie? Wag mong seryosohin! Haha. Pero buti nalang talaga nakilala ko si Max. Baka kung ano nang ginawa kong pagmamakaawa kay Lyric na balikan niya ko ang ginawa ko kung hindi pa dumating ang lalaking to. At least may kakampi na ko, diba? Hehe. :)

So, ayun, lumabas na kami ng CR ni Max matapos ko maghilamos. Halata pa kayang galing ako sa iyak? Sana hindi na. Dapat galingan ko pagarte sa harap ni Lyric. Baka hindi maging effective ang plano kung mukhang di pa ko nakakamove on sa kanya.

“Pero, di ka pa nga nakakamove on sa kanya.”

“Thanks for stating the obvious, konsensya ko. Wag ka na nga magulo diyan.”

“Belat!”

Ay, nambelat? Haha. Loko tong konsensya ko ah. Anyway, eto na. Pinapanood na naming yung movie. Hindi pa naman yata nangangalahati yung movie. Pero hindi ko naman masyadong maintindihan yung mga nangyayari kaya half nalang ng attention ko yung nakatutok sa movie.

“Lyric, diba mas sexy naman ako kesa kay Black Widow? Hihi.” Narinig kong sabi ni Sam. Susmiyo. Hindi ba niya alam na dapat tahimik lang sa loob ng sinehan?

“Uh, oo.” Ay, ganun, Lyric? Sus. Eh di siya na sexy! Mas maganda naman ako no! Ano naman ang sexy kung ang face naman ay scary? Mas ok nang chubby at least yummy. Haha. Woots!

Tapos nun kinilig kilig pa ang bruha, kiniss yung cheek ni Lyric tapos sumandal sa kanya. Medyo fail nga lang. May nakaharang na armrest eh. Engot ba siya? Di niya alam kung pano magtaas ng armrest? Haha. Samaaa. >:)

Teka, kailangan ko na siguro gumawa ng move..

“Ah, Maxie, honey. Gusto mo ng popcorn? Subuan kita oh.” Hininaan ko lang yung boses ko pero yung rinig naman nila. Syempre ano namang sense kung hindi nila marinig diba? Haha. Tinaas ko na din yung armrest para mas mapapalapit ako kay Max. Woo, kati! Haha.

Kinindatan ko si Max para malaman niya na eto na yon. Haha. Sana nakita niya.

“Sure babe. ;)” Tapos sinubuan ko siya. Sinundot naman niya yung tagiliran ko. Napabungisngis tuloy ako. Hihi. :))

“Pwede ba, wag kayo maingay? Naiistorbo yung mga nanonood eh.” – Sam the Witch.

Parehas silang nakaharap ni Lyric samin tapos ganito mga mukha namin:

Sam - >8O

Lyric - :|

Max - : J *smirk*

Ako - : J *smirk din* Syempre, mapanginis eh. Haha. >:)

Inirapan ko nalang sila tapos sumandal sa balikat ni Max. Si Max naman, inakbayan pa ko tapos humarap na kami sa screen. Haha. Effective ba? Ewan ko. Di ko na ulit sila tiningnan. Kinurot ako sa pisngi ni Max at alam ko yung nasa isip niya.

“Simula na ng plano natin.”

Tama ka Max. Eto na ang simula. At SIMULA PALANG TO. Humanda ka, Lyric. Mapapasakin ka ulit. >:)

Pagkatapos ng movie..

“Babe, ang ganda nung movie no?” Sweet parin kami ni Max. Nakaupo pa kasi sa harap namin sila Lyric kaya ayun.

“Oo nga, babe. Pero mas maganda ka parin para sakin.” Galing bumanat ni Max! Benta! Haha.

“Eeeh! Babe naman eh! :”>” Pakilig-kilig epek. Haha. :))

“Hoy! Ano bang ginagawa niyo?! Ba’t ganyan kayo kasweet?!” Ay sh*t! Di pa nga pala namin nasasabi kela Gail yung plano namin. Oh my gosh! Baka masira ang plano!

Tinakpan ko agad yung bibig ni Gail tapos binulungan ko.

“Ssshhh! Wag kang maingay! Mamaya na naming ikukwento sa inyo ni Max.”

Tumingin naman ako kela Lyric. Nakatingin sila samin. Si Sam nakasmirk. Si Lyric naman, poker face parin. :| Jusko. Sana hindi nasira yung plano namin ng dahil sa sinabi ni Gail. Simula palang eh. Baka ma-fail agad ang Mission: Make-Lyric-Jealous-So-That-He-Will-Get-Back-Together-With-Sapphie.

Pinulupot ng bruhang si Sam yung arm niya sa arm ni Lyric.

“BABE, tara na. Kain tayo ng meryenda.” Ang landi talaga! Ano ba! Pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko! Sasabunutan ko siya!

Tiningnan ko ng masama si Lyric tapos siya, nag-look away tapos umalis nalang sila. Grr! Nakakainis sila! Ang lalandi ng lahi nila! Bwisit!

“O, sabihin mo na best, ano bang balak niyo ni Max? Ba’t ang sweet niyo?” Kakarating lang ng mga order namin na dala dala nila Max at Ethan nang magtanong si Gail. Nandito kami ngayon sa Starbucks. Nanlibre yung boys ng drinks. Naaaks! Galante. :)

“Nagkukunwaring boyfriend ko si Max para mapagselos si Lyric at magkabalikan kami.” Dire-diretso kong sabi.

Sila Gail at Ethan? Ayun, nganga. Haha. Itsura nila. :))

“Bakit?” *inom*

“Talaga best?”

“Oo nga best. Sabi ni Max gagana naman yun kasi siya nga yung pinagseselosan ni Lyric eh malaking strike sa ego niya kung magkakatuluyan kami nung taong pinagseselosan niya kaya paniguradong makikipagbalikan yun sakin.” Mayabang epek pa. Hehe.

“Sigurado ka? Eh diba sila na yata ulit nung Sam ba yon?” Aray. Salamat sa pagiging prangka, best.

Naramdaman ko namang hinagod ni Max likod ko. Tapos sabi niya..

“Wag kayong magalala. Akong bahala kay Sapphie. Sisiguruhin kong gagana plano namin.” Tiningnan ko siya tapos nginitian naman niya ko. Nginitian ko nalang din siya.

Sana nga gumana to, Max..

My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon