CHAPTER 7
“Ssshhh. Ssh.” Hinahagod niya yung likod ko habang ako naman, ayun, umiiyak.
Nasa Chimara kami ngayon. 1 pm na. Konti nalang, magmomovie na kami. Hindi pa kami nakakabili ng kahit anong makakain kasi kanina pa ko umiiyak dito. Mga 15 minutes na siguro.
“Bakit ganun? Hindi man lang siya affected sa break up namin, tapos may kadate na agad siya? Bakit ganun?! Ang bilis naman niya makamove on. Ang sakit sakit, Max!” Kanina ko pa yata to pinauulit ulit. Pero, hindi man lang bumubuti pakiramdam ko. Feeling ko nga, mas lalo lang ako nasasaktan.
“Wag kang magalala, Sapphie. Gagawa tayo ng paraan para magkabalikan kayo, okay? Hindi ako makakapayag na ganun ganun nalang yun.” Kanina pa niya pinupunas luha ko. Nakakahiya na. Hindi naman kasi kami ganun kaclose tapos, ginagamit pa talaga niya panyo niya para sa luha ko.
“Pano, Max? Mukhang nakamove on na siya. Wala na kong halaga sa kanya.” :’(
“Hindi yan totoo, Sapphie. Nakita ko sa mga mata niya kung gaano ka niya namimiss. Baka naman nagkamali lang tayo ng akala. Malay mo hindi naman talaga sila nagdedate. Malay mo, dinadamayan lang din siya nung babae parang yung ginagawa ko para sayo ngayon.” Pinunasan niya ulit luha ko.
Medyo napakalma ako nung huli niyang sinabi. Oo nga naman. Pwedeng ganun nga lang yun. Sana ganun nga lang yun. Kasi, ayoko. Ayokong mawala siya sakin. Naging komplikado man ang relasyon namin, mahal na mahal ko siya. At ayokong magkahiwalay kami ng ganun ganun nalang.
Matapos niyang sabihin yon, tumahan na ko. Tamang tama naman dumating na sila Gail at Ethan. Tinanong agad ni Gail kung bakit ako umiiyak, kinwento ko naman. Si best naman talaga. Grabe makacomfort. May kasama pang paninira kay Sam. Grabe. Pero nakakatuwa talaga si best. Supportive.
“O, basta, okay ka na best ha? Kung hindi, uuwi nalang tayo.”
“Ay nako, wag naman. Okay na ko. Wag muna tayo umuwi. Enjoy kaya.” Smile. </3 (‘:
Sila nalang bumili ng popcorn habang nagayos ako ng sarili ko sandali sa CR. At ang malas nga naman. Nakasabay ko pa sa CR si Sam.
“O, Sapphie. Andyan ka pala.” Nakangiti pa siya. Nakakainis. -.-
Ngumiti na din ako. Plastikan pala ha? “Hi Sam.”
“Manonood kayo ng movie?” Ay hindi, hindi! Maggogrocery kami dito may movie theaters!
“Oo. The Avengers. K-kayo ba ni.. Lyric?”
“Yup. Theater 2.” HA?! THEATER 2?! Eh, dun din kami eh.. Oh Lord, sana magkabilang dulo ang uupuan namin. Di ko sila kayang makita. Masisira lang panonood ko.
“Ah. Okay. See you.” Umalis na ko nang mabilis.
“O, ba’t mukhang galit ka, best?” (Gail)
“Ah, wala. Tara, pasok na tayo sa loob.” Pinilit kong ngumiti. Ayoko naman masira yung date nila dahil sakin. Feeling ko kasi pag pareho pa kami ng papasukang sinehan nila.. Lyric baka hindi na siya pumayag na manood pa kami dun.
So ayun, pumasok na kami. Nasa pinakalikod na row kami nakaupo sa may gitnang column tapos nasa rightmost part. Sa may ladies’ restroom. Ganito yung ayos:
Max – Ako – Gail – Ethan
SCREEN. Hehe.
Binigay na sakin ni Max yung binili niyang popcorn tsaka tubig sakin. Kumain naman ako agad. Kaya mahal na mahal ko yung pagkain eh. It gives me comfort pag malungkot ako. Comfort food nga diba?
![](https://img.wattpad.com/cover/1023870-288-k288286.jpg)
BINABASA MO ANG
My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionPano nga ba kung yung pinangseselos mo ay nagseselos na pala sa pinagseselos mo kasi nga pinagseselos mo pa siya eh nandiyan naman si pinangseselos mo? Sino pipiliin mo? Yung matagal mo nang pinagseselos o yung pinangseselos mong nagseselos? (Former...