Chapter 69

207 11 6
                                    

CHAPTER 69

*KRIIIIING*


Tapos na ang klase! Ang tagal ko nang di umaattend ng klase, nakakamiss din pala. Ang dami ko nga lang hahabulin dahil sa tagal din naming nawala ni Max. Hay stress. Buti nalang di naman na ko masyadong busy since bigla nalang na-cancel yung show namin ni Max. Ang sad naman, first show ever ko, na-cancel lang. Pero sabi ni Mommy, wag daw ako mag-alala kasi marami pang plano ang CM para samin..

Pero, wait.. Ano na nga ba sinasabi ko? Ang dami ko pa kasing puchuchu e.


"Sapphie.."


Syempre alam niyo na kung sino yan.


"M-max.. Hi."

"Tara na?" Ngumiti siyang konti. Puso ko po, gusto nang kumawala sa dibdib ko!

"S-sige.."


Ok, medyo awkward, di kami nag-uusap habang naglalakad, pero hindi niyo alam kung gaano ko kagusto hawakan kamay niya ngayon. Namimiss ko na yung warmth ng kamay niya, yung paghimas niya ng likod ng kamay ko habang naglalakad kami, kahit yung kalyo niya sa middle finger, susme, namimiss ko na!

Umupo siya sa bench tapos tumabi ako.


"Sapphie, thank you at hahayaan mo ko magpaliwanag.."

"Wag ka magpasalamat, Max. I owe you the chance to explain. Sa totoo lang, gusto ko mag-sorry kasi masyado akong naging harsh sayo. Pasensya ka na, ang sakit kasi talaga.."

"Kung kaya ko lang bawiin lahat Sapphie, bawiin lahat ng ginawa ko, ginawa ko na.."


Tumango ako.


"Alam kong mahihirapan kang tanggapin ulit ako matapos ng nangyari. Pero gusto ko malaman mo na mahal na mahal kita. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito. At ang tagal tagal ko nang gustong sabihin sayo yung tungkol sa ginagawa ni Sam pero natatakot kasi ako. Natatakot ako sa pwede niyang gawin. Alam mo namang powerful ang family niya at.. Di ko alam gagawin ko kung sinaktan ka niya o.."


Napatigil siya. Nakatingin lang ako sa kanya at biglang tumulo luha niya. Di ko na napigilan, niyakap ko na siya. Di ko alam kung anong ginagawa ni Sam sa kanya pero nasasaktan ako ah. Sobra.


"Anong ginawa niya sayo, Popeye?"


He hugged me back. Ang higpit ah. Medyo di na ko makahinga, pero ayoko namang umalis sa posisyon namin. Nakakamiss to.


"Malaki ang utang na loob namin sa pamilya niya, Oli. Sila nagpapagamot kay Mama sa US. Di ko pa nakwento sayo to pero na-discover naming may breast cancer si mama bago tayo magkakilala. Ang tagal naming naghanap ng pwedeng tumulong samin para sa pagpapagamot niya. Nahirapan kami makahanap. Isang araw, nilapitan niya ko. Di ko alam kung naaalala mo to, pero yun yung araw na una kitang nakilala. Nakita niya tayo sa mall at sabi niya halatang may crush daw ako sayo."


Medyo yumuko pa siya tsaka namumula pisngi niya. Ugh... Cutie! Stop Sapphie, seryoso tong pinaguusapan niyo, ano ba.


"Sabi niya, kung gusto ko raw, ilalayo raw niya sayo si Lyric pero dapat ilayo rin daw kita kay Lyric. Win-win situation daw... Pero ang sabi ko di ko magagawa yon dahil kakainin lang ako ng konsensya ko. Naaalala ko, sabi pa niya, 'Hintayin mo lang. I'll find a way to make you say yes.' Hindi ko alam kung paano niya nalaman, pero kinabukasan, tinawagan niya ko para ipaalam na alam niya kalagayan ni Mama. Sabi niya handa siyang tulungan kami, bayaran lahat ng gagastusin sa pagpapagamot kay Mama basta gawin ko lang lahat ng iuutos niya..."


Nararamdaman ko nang naninikip dibdib ko sa galit kay Sam. Napakasama talaga ng ugali niya. Paano siya nakakatulog sa gabi nang alam niyang ginagawa niyang puppet yung mga tao sa paligid niya?


"Ginawa ko lahat ng inutos niya. Ginawa ko ang lahat para ilayo ka kay Lyric. Pero habang tumatagal, mas lalo akong nagagalit sa sarili ko kung bakit ba ko pumayag sa deal na yon. Dahil unti-unti, napamahal ako sayo. Nagseselos man ako tuwing eeksena si Lyric satin, iba pa rin yung sinasaktan kita dahil nilalayo kita sa kanya. Ang sakit. Ang saya-saya ko nung sinagot mo ko, Sapphie. Pakiramdam ko gusto kong magsisisigaw na akin ka na. Pero hindi pa rin ako matahimik na lahat ng yon, nangyari nang dahil nakipag-deal ako kay Sam. Nandiri ako sa sarili ko...

"Oli, gusto kong malaman mo na, kung may iba pa kong choice, kung may iba pa kong pwedeng lapitan para tulungan kami sa pagpapagamot kay Mama, hinding hindi ako papayag sa gusto ni Sam. But I was desperate. Hindi sapat yung resources namin... I'm sorry, I'm so sorry."


Hindi ko napansin, pareho na pala kaming humahagulgol ngayon. Ramdam na ramdam ko yung sakit. Niyakap ko siya nang mahigpit.


"Max, sorry. Sorry kung di ko namalayan mga pinagdadaanan mo. Sorry kung hindi kita agad pinagbigyang mag-explain. Sorry..."


Ang tagal naming magkayakap lang at umiiyak. Nagi-guilty talaga ako sa pinagsasabi ko sa kanya dahil nasaktan ako. Di ko man lang namalayang mas nasasaktan pala siya...


"Sapphie, sorry kung di ko agad sinabi sayo lahat. Sorry kung nagsinungaling ako... Sana paniwalaan mo pa rin ako kapag sinabi ko sayo na mahal na mahal kita. Sobra."


Pinunasan ko mga luha niya.


"Naiintindihan kita, Popeye. Mula ngayon, dadamayan kita sa lahat ng pinagdadaanan mo. I love you... I love you more than I ever thought I could love someone..."


This time, ako naman humalik sa kanya.

My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon