CHAPTER 13
“Ah. Kaya pala.” Binalik na ni Max yung model ng heart sa cabinet.
“Kaya pala ano?” Pinunas ko yung luha ko.
Habang nagfuflashback, kinukwento ko na din kay Max yung dahilan kung bakit may ‘LR <3 SS’ sa pusong yon. The whole time nakinig lang siya. Walang side comments tapos nung naiyak ako nung kinukwento ko na yung speech ni Lyric, hinagod lang niya likod ko tapos hinayaan akong umiyak. Pang-ilang beses na ba niya kong nakitang umiyak? Hay..
“Kaya pala ganyan ka nalang nung magbreak kayo. Ang tagal din pala ng pinagsamahan niyo. Tsaka kita ko namang mahal na mahal niyo ang isa’t isa. So, bakit di niyo nalang pagusapan?”
“Kasi, mukhang nagkabalikan na sila ni Sam.. Tsaka natatakot ako eh.”
“Ano namang kinakatakot mo?” Kinuha niya yung kamay ko. Nakakakalma naman yung ginawa niya. At least alam kong hindi ako nagiisa. :’)
“Natatakot ako.. Na baka hindi totoo ang akala natin. Baka hindi na niya ko mahal. Baka si Sam na nga ang gusto niya. Natatakot ako na baka ipagtabuyan lang niya ko..” Naiiyak na naman ako.. :’(
“Can’t you at least try? Just try. You’ll never know unless you try! b^__^d”
“May pa-thumbs up thumbs up ka pang nalalaman! Haha.” Natawa na din ako. Ang cute kasi niya eh. :’))
“Tara, hanapin natin siya. Sasamahan kitang kausapin siya.” Inoffer pa niya kamay niya.
Tiningnan ko lang siya. Di mabura yung ngiti niya. Buti nalang talaga dumating tong mokong na to sa buhay ko. Baka nabaliw na ko kung hindi.
Kinuha ko yung kamay niya. Tapos hand-in-hand – Oy, wag malisyoso, friends lang kami nito. FBF ko lang siya. Haha. – pumunta kami sa may classroom nila Lyric. Uwian na nila. Almost empty na lahat ng classroom. Sana naman nandun pa siya.
Ako na yung sumilip sa classroom. Nakakahiya naman kay Max kung siya pa sisilip. Nagpasama na nga lang ako eh. Ang dami pa nila sa classroom. Hinanap ko si Lyric. Mukhang wala.. O malabo lang talaga mata ko? Hay..
“Wala yata siya eh.” Sabi ko kay Max.
“Sure ka? Baka..” Naputol yung sinabi niya nung may isang matinis na boses kaming narinig. Sakit sa tenga, ‘teng!
“LYRIIIC!” Automatic naman akong napatingin ulit sa loob. Kitang kita ko si Sam at ang kanyang oversized bowtie headband. Gara talaga magdamit nitong bruhang to.
Nakita kong lumingon si Lyric sa kanya tapos nagyakap sila. Nakangiti pa si Lyric.. Teka. Nakangiti? Ha? I-ibig sabihin.. Si Sam.. Huh? Anong pinaguusapan nila? Talagang kailangan nakahug habang naguusap? Ano ba talagang meron? Sila na ba talaga ulit? =’((
Nako.. Ayan na naman yung mga luha. Umiwas ka na ng tingin, Sapphie. You suffered enough.
“Sapphie?” Nakayuko ako, pero nanginginig yung balikat ko. Nakita siguro yun si Max. Niyakap niya ko tapos hinagod yung likod ko.
“Sshhh. Tama na, Sapphie. It’s okay. Everything’s going to be okay. I promise.”
Napatahan ako nung sinabi niya yun. Bakit ganun? Panatag ang loob kong magiging okay ang lahat dahil sa sinabi ni Max. Sana nga.. Sana nga maging okay ang lahat. Ang sakit sakit na kasi eh.
Nagpull away siya sa pagkakahug sakin tapos pinunasan niya yung luha ko. Yung ngiti niya. Parang yung ngiti ni mama nung sinabi niya saking kakayanin naming mabuhay nang wala si papa. Para bang binibigyan ako ng lakas. Salamat talaga at nandito si Max.
BINABASA MO ANG
My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)
Novela JuvenilPano nga ba kung yung pinangseselos mo ay nagseselos na pala sa pinagseselos mo kasi nga pinagseselos mo pa siya eh nandiyan naman si pinangseselos mo? Sino pipiliin mo? Yung matagal mo nang pinagseselos o yung pinangseselos mong nagseselos? (Former...