CHAPTER 2
(Picture of Max on the right :) -->)
So, hindi na importante kung paano kami nakarating dito sa SM, pero, basta nandito na kami. Haha.
Ang awkward naman. Ba’t ba kasi pumayag pa kong sumama? Ayun si Gail at si Ethan, sa harap naming naglalakad, parang walang ibang kasama. Etong si Max naman, nasa likod ko naglalakad. Bakit? May amoy ba ko, kaya ayaw nya ko katabi maglakad. lol. Asa. Naligo naman ako ah. Hay.. Ang boring. Maistorbo nga nang sandali tong lovebirds.
Kinalabit ko si Gail. “Best.”
Tumingin naman sya sakin, parang biglang naalalang kasama nila kami. Mababatukan ko tong mga to eh.
“Hihiwalay muna ako sa inyo ah. Boring na eh.” In-emphasize ko pa yung ‘boring’. Matamaan sana. Haha.
“Sama na ko sa kanya.” Biglang umepal si Mr. Stran—I mean, Max.
“Ha?” Nagulat ako dun ah. Nanlaki mata ko at namula ang mukha. Tsk. Ano ba tong mukha ko. Gara ah.
“Sasamahan na kita.” Tumingin sya sakin. Bluuush! Err..
“Magandang idea yun! Sige na, best. Pano kung ma-rape ka pa o makidnap?”
“Grabe. Hindi naman no. Palagi naman akong gumagala dito nang mag-isa eh. Okay na ko.”
Bigla akong inakbayan ni Max at tinalikod kela Gail.
“Sige na. Para naman makapag-isa yung dalawa.” Binulungan nya ko.
“Aaaaah. Okaaaay. Gets.” Evil smile. Haha.
Tinanggal ko na yung pagkakaakbay nya sakin tapos humarap kela Gail.
“Sige. Maiwan muna namin kayo.”
“Sige. Text nyo nalang ako pag gusto nyong sumama sa pag-uwi.”
“Sige.” Ngumiti ako at naglakad na paalis. Sumunod naman sakin si Max. Sandali kaming naglakad nang magkatabi. Awkward silence. Bwisit na awkward silence yan.
“Saan mo gusto pumunta?” Hay salamat at nagsalita na sya.
Nagkibit-balikat nalang ako. Hindi ako nagpapakipot. Hindi ko lang talaga alam kung saan pupunta. Haha.
“Gusto mo manood ng sine?”
“Um, parang ayoko eh. Pero, gusto ko sana magtanong ng schedule ng movies.”
“Ah. Okay.”
Pumunta kami sa may sinehan at nagtanong sa nagbebenta ng tickets.
“Tsk. Sayang, wala palang magandang movie bukas.” Napasimangot ako.
“Bakit? May plano kang manood ng sine bukas?”
“Magpaplano sana ako ng date bukas para samin ng boyfriend ko.”
Nanlaki ang mata nya sa gulat. Amputek. Mukha ba kong single sayo, kuya?
“O, bakit ganyan reaction mo?” Hindi ko tinago pagkainis ko.
“Sorry. Kasi.. Sa araw na to, kung taken ka nga, diba dapat kasama mo sya ngayon?”
“Tsk.” Nag-walk out nalang ako. State the obvious ba, kuya? Ang sakit na nga eh. Hay..
“Uy, sorry na. Di ko naman sinasadya eh.” Hinawakan nya kamay ko para pigilan ako. Naramdaman kong namula ako. Tsk. Ba’t kasi kailangan mo maging gwapo, kuya? lol.
“Oo na. Sige na.” Binawi ko kamay ko.
“Nako. Nag-tatampo na sya o.” Ngumuso pa sya na parang bata. Haha. Cute ah.
![](https://img.wattpad.com/cover/1023870-288-k288286.jpg)
BINABASA MO ANG
My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)
Ficção AdolescentePano nga ba kung yung pinangseselos mo ay nagseselos na pala sa pinagseselos mo kasi nga pinagseselos mo pa siya eh nandiyan naman si pinangseselos mo? Sino pipiliin mo? Yung matagal mo nang pinagseselos o yung pinangseselos mong nagseselos? (Former...