Prologue

11.2K 68 11
                                    

PROLOGUE


Sa buhay natin, napakaraming taong dadaan na akala mo, yun na. Siya na yung taong hindi ka na iiwan pa. Yung taong one day, pakakasalan mo. Yung taong makakasama mo na habang buhay.

Pero hindi naman lahat ng love story na itinakda sayo, "Happily Ever After" ang katapusan. Minsan, dumaan sila para lang mapasaya ka for a while. Minsan, dumaan sila para lang may matutunan ka at makita mo ang realidad ng buhay.

Lahat din tayo, may "Happily Ever After." Iba iba lang ang takbo ng kwento. Minsan, magugulat ka nalang, siya pala yung itinakda sayo ni God para mahalin. Minsan, hindi mo rin matatanggap kaagad, kasi hindi naman siya yung gusto mong maging "The One" mo. O kaya naman, sinaktan ka na niya, nag-move on ka na.. Pero siya parin pala sa huli. But love moves in mysterious ways. At tanggapin man natin o hindi sa una, sa huli, siya at siya parin naman ang bagsak ng puso mo.

At eto ang kwento ko..

Ako po si Sapphie Siazon. 16 years old. 4th year highschool sa Avila University. Doon ko din balak magcollege.  Only child. Broken family. Only had one boyfriend since birth at si Lyric yon. Photography ang hilig ko, pero mahilig din ako kumanta tsaka sumayaw. Medyo mahiyain nga lang ako. Honor student, pero di kataasan ang rank. Pangarap ko? Maging CPA lang naman. Siguro lawyer pero depende din yon kung sisipagin akong ituloy tuloy pagaaral ko. At ang pinakamataas kong pangarap? Magkaroon ng sarili kong pamilya.. Na kahit kelan hindi masisira tulad ng pamilya ko ngayon.

Kasalanan ko din naman kasi kung bakit kami nauwi sa ganitong sitwasyon eh. Ako din naman diba yung nakipagbreak? Pero ang gulo kasi ng isip ko nun. Nagalit at nasaktan kasi ako sa nakita ko. Ayan tuloy. Nagsnap decision ako. Pero mahal ko pa naman si Lyric eh. Kaya gagawin ko ang lahat, maibalik ko lang siya sakin.. Sana lang hindi pa huli ang lahat..

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Picture of Sapphie on the right. :> -->

My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon