VOTE. COMMENT. FAN. ♥
----------
CHAPTER 64
“AAAAAAAAAAH!!” Ayan na sila! Inaalog na yung shoulders ko! Tinatanggal na nila yung braso ko sa katawan ko!
“Sapphie! Sapphie! Ow!”
“Anthony! I’m sorry!”
Juice ko. Panaginip lang pala ‘yon. Aatakihin na ‘ko sa puso sa panaginip na ‘yon ah. Nasapak ko pa tuloy si Anthony. Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. As in mas matindi pa kaysa nung first kiss namin ni Max.. Ayan, bakit ko naisip ‘yon, mas lalo lang tumindi tibok ng puso ko.
Nira-rub pa ni Anthony yung mukha niyang nasapak ko. “Are you okay? I bet that was one hell of a dream you were having.”
“Yeah..” Nakahawak pa rin ako sa dibdib ko. Ang bilis pa rin ng paghinga ko e, susme.
“You wanna tell me what was it about?”
“Yeah, Max and I were singing in soprano.”
Natawa naman siya. Sa totoo lang, ayokong pag-usapan na yung panaginip na ‘yon. Ang creepy. Ano ba yan. Yung totoo, Ms. Author, may balak ka bang gawing horror nalang ‘to?
“You have to get up now, Sapph. Your flight is at 2.”
Tiningnan ko phone ko. “But it’s only 5 AM!” Tapos nahiga ulit.
“Yes, but you have to get your things ready and you have to be at least an hour early for the flight.”
Sa totoo lang, parang hindi ko pa feel umuwi sa ‘Pinas. Although miss na miss ko na si Mama, best friends ko, kahit si Lyric miss ko na. Pero higit sa lahat, miss ko na si Popeye. Kahit parang dalawang araw palang yata since nung umalis siya. Anong oras na ba sa Pilipinas ngayon at hindi pa niya ko tinetext?
Bumangon na ‘ko tapos naligo. Nagbihis na ‘ko ng pangpunta sa airport. Tsaka nag-ayos ng gamit. Ang laking problema nga lang.. Ayaw magkasya ni Mickey Mouse sa maleta ko! Ang laki kasi e. Hay, di bale na, hahawakan ko nalang.
Umupo muna ako sandali sa sobrang pagod. ‘Lang hiya, ang dami ko palang dala dala, wala pang mga pasalubong ‘yan ha.
AY SHUCKS PASALUBONG! Wala pa ‘kong nabibiling kahit anong pasalubong para kayla Mama, Sadie, Gail at Belle. Si Lyric kaya pasalubungan ko pa? Friends naman kami diba? Or.. not. Ang pangit nga pala ng naging ending ng huli naming pagkikita.
E, ano nga ba ipapasalubong ko sa kanila? Hay nako. Sa airport ko nalang aalalahanin yan. Sure naman akong may mga tindahan dun ng pasalubong.
*KNOCK KNOCK KNOCK*
“Ready to have breakfast?” – Anthony
*BLURGH* (Tunog po yan ng tiyan kong nagaalboroto na kasi nagugutom na.)
“Hell yeah.”
Sa buffet ng hotel kami kumain ngayon ni Anthony. Last day na rin naman namin sa hotel, might as well sulitin na namin diba?
“AYOKO NA MAG-TOOTHBRUSH PA ULIT!”
“Huh?”
“I don’t want to brush my teeth anymore.”
“Well.. That’s gross.”
Inirapan ko si Anthony. “I was just kidding, of course. This steak is amazing!”
“It should be, we.. I mean they are paying a lot of money to feed us.” Sinasabi niya yata yung mga nagbayad para sa stay namin dito.
Grabe lang ang sarap dito. Lahat na yata ng mai-imagine mong pagkain nandito na. Meron pa silang Philippines station kung saan nandun yung mga sikat na delicacies ng Pilipinas tapos halos lahat ng nagse-serve doon, Pilipino. Tapos marami pa sa kanila kilala na ko. Grabe. Isa palang po show ko. Nakakakilig kasi marami nang nakakakilala agad. :”>
BINABASA MO ANG
My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)
Подростковая литератураPano nga ba kung yung pinangseselos mo ay nagseselos na pala sa pinagseselos mo kasi nga pinagseselos mo pa siya eh nandiyan naman si pinangseselos mo? Sino pipiliin mo? Yung matagal mo nang pinagseselos o yung pinangseselos mong nagseselos? (Former...