CHAPTER 11
The next day..
*THE BEST YOU NEVER HAD BY LEONA LEWIS
“Because I told you, you would live to regret it. Now I don't wanna make you feel bad. But when it comes to me just forget it. I'll be the best you never had. You put me through so many emotions. Now baby it's your turn for that. Cause in your empty heart I have left a mark. The best you never had..”*
Nak ng ringtone na to. Sino bang tatawag nang madaling araw? Aaarrrggghhh!
“HELLO?!”
“Ouch, bes, wag ka naman manigaw.” - Sadie
“Ano bang kailangan mo? Ang aga aga pa oh.”
“Anong maaga pa? Gaga! 6:30 na! Malelate ka na! Pag nalate ka pa ngayon, madedetention ka! Bumangon ka na, bilis!”
“HA?! 6:30 NA?!” Tiningnan ko yung relos ko na nasa sidetable. “Ay, chicken! Oo nga!”
“Anong chicken? Bilisan mo na! Baka magalit na naman si Ms. Dela Cruz. Alam mo naman yun. HB!”
“Osha, babye! Salamat sa panggigising!” Binaba ko na yung phone.
Para akong si The Flash kung magbihis. Hindi na ko naligo. Yuck! Sorry nalang. Late na talaga eh. Naghilamos tapos nagcologne tsaka powder naman ako para kahit papano mukhang fresh.. fresh from tulog. Ayyy. -.-
Pagdating sa school tumakbo na din ako papasok. Bahala na kung makabangga ko pa yung discipline coordinator. Late na kooo! Time check: 6:55! Waaah! 5 minutes nalang late na k —ARAY KO NAMAAAN!
“ARAY!”
“Ay sorry.”
Nahulog pa yung suklay kong nakasaksak lang sa buhok ko. Ke malas malas naman o. Malelate na ko talaga niyan eh. Pagtayo ko napatingin ako dun sa nakabangga ko.
“MAX?!” O_O
“O, Sapphie!”
“Anong ginagawa mo dito?”
“Ah. Eh. Mageentrance exam.”
“Ah. Ganun? Eh.. Ay! Jusko! Late na talaga ako! Sige, see you later nalang!” Napatingin kasi ako ulit sa watch ko. 7 na! Lagot na ko kay Ms. DC niyan eh. -.-
At ayun na nga. Pagkarating ko sa classroom ayun. Sermon agad ang inabot ko sa adviser naming palaging may PMS. Waaah! Ano ba yan.
“Buti naman at nagdecide ka pang pumasok, Ms. Siazon.” Nakakatakooot. Parang monsterrr.
“S-sorry po, Ms. Dela Cruz. Promise po, last na to.” Titig nalang sa sahig, Sapphie.
“Dapat lang. Kasi pag nalate ka na ng isa pa, suspended ka for one week, tanggal ka pa sa listahan ng pwedeng maging honor. O eto, pumunta ka sa Discipline Coordinator’s Office. Sa detention ka ngayon.”
*pout* Ano ba yaaan. Ang malas naman o. Sana pala umabsent nalang ako. Hindi din naman pala ako makakapagklase kasi mapupunta lang ako sa detention.
“So, Ms. Siazon, iba ang punishment ang makukuha mo ngayon. Since may mga kumukuha ng mga entrance exam ngayon para sa pasukan next school year, dun ka muna sa auditorium at magassist ka sa pagbabantay sa mga mageexam.” – Ms. Tolentino, ang aming Discipline Coordinator.
Ay grabe ha. Ang alam ko pag detention, sa room all day lang ako. Punishment by Boredom nga ang definition nun diba? Hay.. Sige na nga. Sinundan ko nalang siya papunta sa auditorium tapos pinagpaalam muna niya ko sa nagbabantay na teacher tsaka siya umalis.
Haaay.. Parang mas gugustuhin kong tumunganga nalang sa detention room kesa nandito ako. At least naman dun diba, pwede ako maglaro ng Temple Run? Eh dito di ako pwede maglabas ng gadget. Err..
“Miss? Ano na nga ba pangalan mo?” Tanong sakin nung teacher.
“Ah, Sapphie po.”
“Ah, Sapphie. Eto o. Distribute mo.” Inabot niya sakin yung test booklets.
“Sige po.” Sumunod nalang ako.
Inabot ko yung booklets sa unang tao sa 1st row. Nagulat naman ako nang magsalita yung inabutan ko.
“Madali lang ba to?” Tiningnan ko siya. Ayyy. Si Max pala. Haha. Ngiti niya ah. Ang lapad.
“O, ba’t ang lapad ng ngiti mo? Gusto mo nang nageexam?” Tinaasan ko siya ng kilay. Haha. Taray!
“Haha. Hindi naman. Nakakatawa ka lang kasi.” Ay, nagpapatawa ba ko?
“Ay ganun?” Lalong tumaas kilay ko.
“Eh kasi naman eh, mukhang yamot na yamot ka dahil nandito ka.” Tumawa pa siya. Hindi naman malakas. OA pag ganun. Haha.
“Excuse me, Sapphie. Pakibilisan naman ang pagdidistribute. May starting time ang exam nila.” – Teacher
“Ah, sorry po, ma’am.”
Pasimple kong binatukan si Max tumawa naman siya ng mahina pero narinig parin siya nung teacher tapos sinutsutan siya. Haha. Huleee! Belat sayo Max! :P
After 4 hours nang boredom at constant na pakikipagmakeface namin ni Max sa isa’t isa, natapos na din sa wakas ang exam nila. Nakakapagtaka nga lang na parang ang bilis magsagot ni Max. Ganun ba kadali yung exam? Grabe aaah. Kung ganun rin lang yon, eh di sana, di nalang sila nagpapaentrance exam. Haha. Anyway, dinismiss na nila yung mga nagexam. Infairness no, Monday na Monday, nagaabsent tong mga to para magexam dito. Dedicated masyado? Taray! Sa bagay, malaki talagang university tong school namin. In demand ang nagiging graduates dito, kaya eto, ang daming estudyanteng gustong lumipat. Nagkakaroon pa tuloy ng at least 4 batches nang nageexam each year. Umaabot pa tuloy ng February ang exams. Tapos March lumalabas ang resulta. Hirap din ng ganun. Pano pala pag di ka nakapasa dito eh no?
“Sapphie?” – Teacher
“Po?”
“Pwedeng pakidala to sa may principal’s office?” Inaabot niya sakin yung booklets tsaka yung answer sheets. Ano ba yan. Ang dami. Hirap na hirap tuloy akong isabit sa balikat ko yung bag ko. Aish. -.-
“Gusto mo tulungan kita?” Hindi pa ko nakakasagot, inaabot na agad ni Max yung stack ng booklets. Naks, gentleman! Pero nakakahiya..
“Ay, hindi na. Nakakahiya naman.” Inaagaw ko yung booklets.
“Di, ok na to, promise.”
“Sige.. Tara.”
Pumunta kami sa principal’s office. Binuksan pa niya yung pintuan para sakin. Ayyy. Gentleman talaga. :) Binigay na namin sa secretary ng principal yung booklets tsaka answer sheets.
“Thank you sa pagtulong ah.” Sabi ko pagkalabas namin.
“Wala yun. Isa pa, ililibre mo ko ng lunch. Gutom na ko. Ba’t ba di man lang kami binigyan ng break para kumain?” Hinimas-himas pa niya yung tiyan niya habang nakapout. Ay, ang cute! :>
“Haha. Aba, malay ko. Teka lang, magpapaalam lang ako sa DC namin na maglulunch ako.”
“Sige. Sama na ko sayo.”
Ayun, pumunta kami sa DC Office tapos nagpaalam ako. Pumayag naman siya na pakainin ako tapos bumalik daw ako agad dito para may mapagawa pa siya sakin. Yan eh nung hindi pa humihirit si Max.
“Um, Ms..?”
“Tolentino. Were you one of the exam-takers earlier?”
“Um, yes. I was hoping if you could let Sapphie accompany me in touring your school. I’m very excited to see the facilities of your school.” Naks, english. Gumaganun pa talaga siya? Nako, di naman yata niya mapapapayag si Ms. Tolentino. Strict yan pagdating sa punishments eh.
“Hmm.. Very well, then. Ms. Siazon, you accompany him, okay? No monkey business.”
HA? Pumayag siya? O_O
“Uh, yes, ma’am. No monkey business.”
Hanep talaga ang charms ng lalaking to. Kahit si Ms. T napa-oo niya. Tiningnan ko siya. Shocked parin ako!
Max - ;)
BINABASA MO ANG
My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionPano nga ba kung yung pinangseselos mo ay nagseselos na pala sa pinagseselos mo kasi nga pinagseselos mo pa siya eh nandiyan naman si pinangseselos mo? Sino pipiliin mo? Yung matagal mo nang pinagseselos o yung pinangseselos mong nagseselos? (Former...