Chapter 66

385 14 4
                                    

VOTE. COMMENT. FAN. ♥

----------

CHAPTER 66

"Sapphie.."

Di ako makapaniwala. Di ko alam sasabihin ko. Pano nangyari na sa dinami-rami ng pwedeng maging "connection" ni Sam, siya pa?

"Sapphie, I can explain.."

Nag-walk out na ko. Hindi ko na kaya pang makipag-usap kahit kanino sa dalawang walang hiyang sumisira sa buhay ko. Minadali ko yung paglakad ko. Di ko alam kung tama ba yung pinupuntahan ko, basta gusto ko na makarating sa bahay. Parang nahihilo na ko sa gulat, sa disappointment..

"Sapphie, please.." Bigla niyang hinawakan yung kamay ko tapos pinaharap sa kanya.

Naninikip na dibdib ko ngayon. Habang tinitingnan ko siya, naghihintay ng explanation.. Wala naman siyang masabi..

"Ano? ANO?! ANO MAX?! ANONG BULLSH*T EXCUSE ANG SASABIHIN MO PARA TAKPAN YUNG KAWALANG HIYAAN MO?!"

Hindi parin siya nagsasalita. Nagsimula na kong umiyak. Walang hiya, niloko ako..

"BWISIT KA, MAX! BWISIT KA!" Pinalo-palo ko yung braso niya, di naman siya nanlalaban.

"ANO?! MAGSALITA KA!"

"Sapphie.." Sinampal ko siya sa mukha.. Di ko napigilan e..

"Walang hiya ka, Max.. Sa dinami-rami ng pwedeng manira sa buhay ko, ikaw pa.. Pano nangyari yon, Max? Pano mo naipamukhang mahal mo ko pero yun pala kakampi ka ni Sam? Ang galing mo pala no? Ang galing mong actor! Nagawa mong itago yang mga sungay mo nang pagkatagal-tagal!"

"Sapphie.."

"WAG MO NA KO KAUSAPIN! Kasi kahit ano mang explanation mo, hindi naman maaayos lahat e. You broke my heart, Max. Nagegets mo ba yon? O masyado kang selfish para intindihin yon?"

Hinila ko yung kamay ko tapos tumakbo na. Ayoko nang mahabol pa nung walang hiyang yon..

----------

Pagdating ko sa bahay, hingal na hingal na ko. Naghalo na yung luha tsaka pawis ko. Medyo nawala pa ko kanina, buti may nakasalubong saking tricycle, sumakay nalang ako.

"Sapphie, anak!"

Napayakap ako kay Mama..

"Ang sakit sakit, Ma.." .. At humagulgol ulit..

"Alam mo na.."

Tumango ako. Niyakap niya ko ng mahigpit.

"Pano nangyari yon, Ma? Pano nangyaring yung taong pinakamahal ko pa yung loloko sakin ng ganon?"

"Di ko rin alam anak.. Siguro dapat nalang tayo magtiwala na may dahilan kung bakit niya nagawa yon.."

Hindi e.. Wala akong maisip na magandang dahilan para magawa niya sakin yung ganon.

"Siguro hindi lang talaga niya ko mahal.."

Hindi sumagot si Mama. Tama nga siguro ako..

----------

"Anak?"

"H-ha?"

"Kanina ka pa tulala diyan. Sabi ko pwede ka nang pumasok sa kwarto mo."

"Ah.. Okay. Salamat po, Ma."

Pinaalis ko kasi kay Mama lahat ng gamit na binigay sakin ni Max. Ayokong makita, maiinis lang ako, mas lalong masasaktan..

"Kung may kailangan ka, anak, tawagin mo lang ako ha."

"Opo.."

Pagpasok ko sa kwarto, nakita ko yung malaking teddy bear na regalo ni Lyric sakin nasa kama ko, nasa lugar kung nasaan nandun kagabi lang si Mapphie tsaka si Olipop..

Inalis ko na rin yung bear na yon kasi ayoko rin maalala si Lyric..

Pero di ko rin maiwasang titigan yung bear. Ang laki kasi e. Agaw-pansin.

"Pano kaya kung kami parin ni Lyric? Pano kung pinaglaban ko nalang siya? Mas masaya siguro ako.. Mas masaya siguro kung di ko binigay yung puso ko sa taong iniistab pala ako sa likod.. Kung alam ko lang sana.."

"Wow bes, ang drama ha!"

Napalingon ako. Sila Sadie, Gail tsaka Belle nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko. Naiyak na naman ako bigla. Miss na miss ko na silang tatlo tsaka kaya nila akong i-cheer up.. Noon. Ewan ko lang kung kakayanin nila yung bigat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

Tumabi sila Gail at Belle sa tabi ko tapos si Sadie naman sa harap ko umupo tapos sabay-sabay nila akong niyakap. Humagulgol na talaga ako..

----------

Kinwento sakin nila Sadie lahat ng lumalabas sa balita. Sabi raw nilandi ko na naman daw si Lyric, gumamit pa raw ako ng katawan para makuha ulit siya, which may be the worst thing they could say about me. Hindi ako easy-to-get, pinromise ko sa sarili ko na yung v-card ko ibibigay ko lang sa mapapangasawa ko. Tapos meron pa raw lumabas sa YouTube na audio na boses ni Max na galit na galit na sinasabi kay Sam na gumawa nga raw kami ng milagro ni Lyric nung nagbakasyon yung org namin nung summer. Ang tagal na nung pangyayaring yon at wala naman kasi talagang nangyari samin ni Lyric.

"Sigurado ba kayo na si Max nga yung nasa audio?" Baka naman kasi katunog lang ng boses niya..

"Oo e, bes.." Sabi ni Belle.

E bakit ko pa nga ba tinatanong yon? Ano namang patutunguhan ng tanong na yon kung totoo namang kakampi ni Sam si Max. Nakita ko pa nga sa sarili kong mga mata diba? Pero, ewan ko. Siguro umaasa nalang ako na sana hindi ito ENTIRELY kasalanan ni Max. Na sana hindi naman talaga siya nagsumbong, na feel lang talaga ni Sam na sirain buhay ko at spy lang pala si Max. Pero hindi e. Siya pa naging mitsa ng galit sakin ni Sam.

"Ay bes, may tumatawag sayo." Ngumuso si Gail sa cellphone ko na nasa sidetable ko.

Tiningnan ko lang yung phone ko, hindi ko kinuha.

POPEYE <3 calling

"Ang kapal din naman ng mukha niyang tawagan ka, bes. Nakakairita." – Belle

Binaba na ni Max yung tawag tapos nakita kong may 32 messages siya at 55 missed calls na ngayon. Kinuha ko yung phone ko tapos in-off.

"Makapal talaga.."

----------

 Nag-stay sila Sadie, Gail at Belle buong maghapon. Nanood kami ng comedy movies,  naglaro ng Monopoly, nagkwentuhan tungkol sa mga nangyari habang wala ako. Pero never about their lovelife. Alam nilang maba-badtrip lang ako pag pinagusapan yon.

"Sige na! Sleepover tayo! Papahiramin ko nalang kayo ng mga damit!" Kailangan ko talaga sila ngayong gabi kung hindi magbe-break down na naman ako.

"Pati panty? HAHAHA!" – Gail

"Pwede rin!"

"Gaga, kadiri ka! HAHAHA!" Binatukan ako ni Belle.

"Sige na please! Kailangang kailangan ko kayo ngayon e!"

"Pwede ba umuwi muna para kumuha ng damit?" – Sadie

"Basta ba bibilisan niyo!"

"Opo opo, susmiyo, nag-artista ka lang, sumungit ka na!"

"Baliw! Miss ko lang talaga kayo!" Nag-pout pa ko.

"Oo na, oo na! Tara guys!" Inaya na ni Sadie sila Belle at Gail.

So ayun, umalis muna sila para kumuha ng damit. Naiwan na naman ako mag-isa. Pumunta na muna ako sa kwarto ni Mama para di ako ma-depress na naman kakaisip pag nag-iisa ako.

Mga 10 minutes later, may nag-doorbell na. Naglalaro kami ni Mama ng Uno noon.

"Uy sandali, tapusin muna natin to!" Pano, nananalo na kasi si Mama.

"E nandyan na po sila Belle!"

"O sige na nga!" Nag-pout pa si Mama. HAHAHA!

Patakbo akong pumunta sa gate para buksan. Pagbukas ko..

Nanikip na naman yung dibdib ko..

----------

VOTE. COMMENT. FAN. ♥

My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon