Chapter 6

2.1K 19 1
                                    

CHAPTER 6

Nandito na kami ngayon sa Greenbelt. Yeees, umaasenso. Gumi-Greenbelt na. Haha. As usual, napagiwanan na naman kami ni Max sa paglalakad. Ayun yung dalawang lovebirds, parang walang ibang kasama. Papuntang movie theatre para bumili ng tickets. Sumusunod nalang kami ni Max. Pa-chaperone chaperone pa sila ah. Tss. Buti nalang ang sarap kasama nitong si Max. Ang sarap pang tingnan tingnan. Ang pogi kasi eh. Naka-longsleeves siya ngayon na nakacrumple hanggang sa may elbows niya tsaka jeans tapos may bonet pa siya. Woo, pwede na siyang model. Ang pogi eh, swear. Nakakatuwa siyang tunawin. Ay, landi, Sapphie? Umayos ka nga.

“Kamusta?” Biglang nagsalita si Mr. Poging si Max.

“Ah, eto. Ok lang naman.”

“Kamusta na kayo ni..?”

BOOM! Bigla kong naalala. At war nga pala kami ni Lyric. Ouch. Kailangan talaga binibring up siya? :’(

“Uh, um.. Nagbreak na kami eh..”

“Ha? Bakit? Akala ko nagkaayos na kayo.. I’m so sorry.” Mukha siyang gulat at guilty at the same time.

“Wala yun. Di mo naman kasalanan yun eh. “ Nginitian ko nalang siya.

“Mahal mo pa ba siya?” Aruy. Salamat sa tanong ha.

“.. SOBRA.” </////3

“Best! Eto tickets niyo o. Manood tayo mamaya ng The Avengers.” Ay, epal? Dadramahan ko na sana si Max eh. Joke. Ay, may gana ka pa magjoke, Sapphie?

Ngumiti nalang ulit ako.. Kahit na I’m broken inside. Ouch! </3

“Thanks best. Libre niyo? Taraaay! Teka, ba’t hindi romance ang kinuha niyong movie?”

“Syempre naman. Yan nalang pambawi naming kasi naabala pa namin kayo. Walang ibang movie eh. Puro The Avengers ang binebenta nila ngayon. Badtrip nga eh. -.-”

“Haha. Ok lang yan, best. Next time nalang. :P” Belat! Haha.

“Haha. K. Anyway, kain na tayo ng lunch, tara.”

“Si –“ Naputol yung sasabihin ko nang bigla akong hinatak ni Max. Aray ah. Wagas humatak.

“Hihiwalay nalang kami muna sa inyo para makapagdate kayo. Text nalang kung saan magkikita para sa movie.” Kinindatan pa ni Max si Ethan. Si Ethan at si Gail naman namula. Woo. Gusto din. Haha.

So ayun, di ko na alam kung saan pumunta sila Gail para kumain, pero kami ni Max, pumunta sa Chili’s sa Greenbelt 5 para kumain. Take note pa ha. Napakaraming babaeng napapalingon nung madaanan naming sila ni Max. Si Max na pogi! Siya na! Haha. Hindi naman niya pinapansin. Naks. Di mayabang. Kung sino man makakatuluyan nito, swertiii! :)

Kakaorder lang naming ng pagkain..

“So, wala na talaga kayo?” Tsk. Ayan ka na naman eh. Ang tsismoso nitong mokong na to, swear. -.-

“Wala na..”

“Pero, mahal mo pa siya.”

“Oo nga, ang kulit. Pinagsisisihan ko na nga kung bakit pa ko nakipagbreak sa kanya. Gagawin ko nga lahat magkabalikan lang kami eh.”

“Hm.”

Tumingin ako sa kanya. “Ano?”

“Wag kang magalala. Iisip tayo ng paraan para magkaayos kayo.” Tapos nginitian niya ko. Shocks, pogi. :”> Ay, Sapphie. Wag makati.

“Siguro naman pag kinausap ko yun ng maayos, magkaayos na kami.” Sana.

Tapos dumating na yung order namin.

“Nakakaguilty naman kasi eh.” Lukot na mukha ko. Haha.

“Bakit naman? Pambawi ko nga lang yun dahil ako yung dahilan kung bakit kayo nagaway in the first place eh.” Kinurot pa niya pisngi ko.

“Eh hindi mo naman kasi kasalanan, ba’t mo inaako?” *pout*

“Ok na yon! Nabayad ko na diba?”

Ayan. Bakit kami nagaaway ni Max? Kasi binayaran niya lahat ng kinain namin sa Chili’s. Nakakahiya kaya! Ang laki laki ng binayaran niya eh. Dapat at least naghati kami ng bayad, eh ang tigas tigas ng ulo. -.-

Hindi nalang ako ulit nagsalita. On the way na kami sa Greenbelt 3 para sa sine. 12:00 palang. 1:30 pa yung schedule ng movie namin. Hay. Ang boring. Ano bang pwedeng gawin habang naghihintay kami? AAAYYY! Alam ko naaa!

“Max, Max! Tara, Timezone tayo! Libre ko!” Sabay hila sa kanya sa Timezone. Wee! :D

Pinaloadan ko ng marami yung card ko. Bakit ba? Para marami kaming malaro no! Haha. Wooooo! :D

“Maaax! Basketball tayo! Ang matalo, manlilibre ng popcorn mamaya!” Hyper ko, men. :))

Ayun, naglaro kami ng basketball. Malapit naman yung final scores namin, kaya lang natalo parin ako. -.-

“Best of 3?” Maghahanap na sana kami ng ibang malalaro eh. Nakita siguro niyang nakalukot na naman yung mukha ko. Haha. Naks. Pinagbigyan pa ko nito. Ang bait naman. :)

Ayun, naglaro pa ulit kami. Nanalo naman ako sa 2nd round by.. 2 points! Woohoo! At least naman, diba? Haha.

ROUND 3! DING DING DING!

Ang close na ulit ng scores namin. Kailangan ko nang galingan talaga. Baka mamulubi ako! Haha. OA? Hala. Mananalo na yata siya. NOOO! -.-

At ayun na nga. Natalo na ko. :(

“Hay.. Magkano ba yung popcorn?” :(

“Uy, wag ka naman malungkot. Ikaw kasi eh. Ginastos mo lahat ng pera mo panload diyan.” Tinuro pa niya yung card.

“Sorry naman. Naexcite kasi ako eh.” *pout*

“Tell you what, hati nalang tayo sa pagbayad ng popcorn.” *ngiting nakakatunaw :”>*

“Talaga?” Nagsmile na din ako. :)

“Oo na. Basta wag ka nang sumimangot ulit ha. Pumapangit ka. Haha.”

“Ay, ang sama!” Hinampas ko pa siya sa braso. Haha.

Tapos nun, naglaro pa kami ng maraming games. Tulad ng Dance Revo, Air Hockey, Racecars, Silent Hill, at ang favourite kong CRAAANE! Kaya lang, malas yata kami ngayon, hindi kami nakakuha ng kahit anong stuffed toy. Puro candy lang. Napuno tuloy ng candy yung mga bulsa namin. Haha.

“Uy, Max! Papicture tayo dun o!” Tinuro ko yung parang photobooth na tarpo lang naman ang takip. Haha.

At nagpapicture naman kami. Feel na feel nga namin eh. Wacky kung wacky. Haha. Ang cute cute niya magwacky. Labas ang dila, duling, etc. Haha. Basta, ang cute! Nakakatuwa! :))

“Sayo na yang picture. I-scan mo nalang tapos iupload mo sa FB. Igagrab ko nalang.”

“Sure ka ha?” Nilagay ko sa wallet ko. Para naman hindi ko makalimutan no! Haha.

Lumabas na kami mula sa booth nang may mabangga ako. Wow, clumsy much, Sapphie? Nahulog yung wallet ko tsaka yung picture.

“Ay, sorry po.” Sabi ko tapos nagbend down ako para kunin, pero nagkasabay kami nung nabangga ko sa pagyuko. Sabay pang nahawakan yung wallet ko. Tapos napatingin ako sa kanya. O_O

“Lyric?”

“Sapphie?”

Nagkasabay pa kami sa pagsabi..

Mabilis kong kinuha yung wallet ko tsaka yung picture tapos tinago agad. Pagtayo ko, nakita kong hindi pala siya nagiisa. Naramdaman ko agad na may nangingilid na luha..

“S-Sam.” (Kung naaalala niyo, si Sam, yung ex ni Lyric na pinagselosan din ni Sapphie nang makita niya silang naglalambuchuchu nung nagcool off sila ni Lyric.)

“Hi Sapphie.” Masayang bati naman ni Sam. Plastik niya. -.-

Tiningnan ko lang siya tapos si Lyric na mukhang guilty na gulat na ewan. Tapos kay Sam ulit tapos kay Lyric ulit. Speechless ako masyado. Ayan na yung luha, tutulo na.

“Uh, tara na, Sapphie. Baka malate pa tayo sa movie.” Tinalikod ako agad ni Max. Tamang tama naman, tumulo na luha ko. Tapos hinila na niya ko papunta sa may bilihan ng popcorn.

My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon