Chapter 65

619 17 2
                                    

A/N: Hi guys! Super late na naman ng update ko. :( Sorry po! Napakarami po kasi nangyari nung May na unexpected kaya di na ko nagkaroon ng time mag-update. Pero eto na po, new update! WOOHOO! Thank you for waiting! ♥

PUBLISHED NA RIN PO CHAPTERS 66 ONWARDS. NAKA-PRIVATE PO SIYA PARA SA FOLLOWERS KO. FOLLOW ME TO READ! :D

VOTE. COMMENT. FAN.  ♥

----------

CHAPTER 65

"Mommy, anong nangyayari?"

Sinakay niya ko sa likod ng kotse tapos sumakay at tumabi sakin. Naiiyak na ko. Ano bang nangyayari at nadawit pa ko sa kung anong gulong to?

"Sapphie, kailangan mo na muna umuwi, mag-rest. Bukas nalang natin aayusin to. Wag ka muna magbubukas ng kahit anong social network account. Please. Just trust me."

"Mommy, anong.. Sinong.." Di ko na alam kung ano ba talagang dapat kong itanong.

"Ssshhh.." Inakbayan niya ko tapos umiyak na ko ng todo todo.

Nakakatakot yon. Yung mga reporters na halos ipalunok na sakin yung mga recorder nila. Halos mauntog na ko sa malalaki nilang video cam.. Ano na naman bang kalokohan to?

----------

"Dito ka na muna. Sandali lang."

Nasa bahay na kami pero naunang bumaba si Mommy. Mukhang wala naman nang sumunod saming media.. O magaling lang silang magtago.

Kumatok-katok na si Mommy sa gate namin tapos bumukas yung maliit na gate. Nakita ko si Mama. Mas lalo akong naging atat na bumaba. Gusto ko nang mayakap si Mama tapos makwento yung mga nangyari sa US.. Pati na yung kanina..

Bumalik sa kotse si Mommy tapos pinababa na ko. Halos tumakbo na kong papunta kay Mama tapos niyakap ko siya.

"Mama! Namiss kita!" Umiyak na naman ako.

"Nako, anak, namiss din kita! Tumataba ka yata! HAHAHA!" Parang naiiyak na rin siya e.

"Mama, ang dami ko sayong kwento!"

"O siya, tara sa loob. Amy, pasok ka rin."

"Ah, hindi na, Sophia. Marami pa ko gagawin. Hinatid ko lang si Sapphie."

"Ah. Sige. Ingat."

"Sapphie. Yung bilin ko sayo ha."

"Opo.."

----------

"Kumain ka na ba, anak?"

"Sa plane pa po, ma."

"Gutom ka ba? Pwede ako magluto."

"Sige po. Kahit soup lang po."

"Sige, magbihis ka na muna. Magluluto lang ako."

Nagbihis na ko ng pantulog, kahit feeling ko di ako makakatulog mamaya kasi gusto ko na talaga malaman kung anong nangyayari..

Pagkatapos ko magbihis, narinig kong nagluluto pa si Mama kaya inayos ko nalang muna yung maleta ko. Hay.. Sayang at naputol yung adventure namin ni Max sa US..

Ay shucks! Di ko pa nga pala nate-text si Max na nasa 'Pinas na ko!

Dali dali kong hinanap sa bag ko yung phone ko. Ano ba yan. Wala man lang text ang loko? Alam naman niya na ngayon ang dating ko. Nakatulog na kaya yon? Hay nako.

To: POPEYE <3

 

HOOOY! Nasa pinas na ko! Lang hiya, di ka man lang magtext? :( punta ka sa bahay pls.

My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon