CHAPTER 4
Next day…
Nagmamadali akong pumasok sa school ngayon. Late kasi ako nagising, pero thank God at di pa ko considered late.
“O, anong nangyari sayo at mukhang haggard na haggard ka, ang aga aga?” Medyo tatawa-tawang pambungad ni Belle.
Sinuklay ko yung buhok ko. “Late ako nagising eh.”
“Bes, ba’t parang namumugto mga mata mo? May nangyari ba?” Sabi naman sakin ni Sadie.
“Ah, w-wala.” Pinilit kong ngumiti.
“May nangyari ba sa inyo ni Max?” Nagulat ako sa tanong ni Gail.
“Ha? Ano ka ba naman. Di ko naman kaanu-ano si Max para iyakan ko.” Tsk. Nadulas ako.
“So, umiyak ka nga? Bakit? Anong nangyari?” Si Gail.
“Teka, teka, sino ba tong Max na to?” Tumingin sakin si Belle, tapos kay Gail.
“Friend siya ni Ethan. Siya yung nakasama ni Sapphie sa SM nung sinamahan nila kami ni Ethan.” Paliwanag ni Gail.
“O, eh bakit siya nasangkot sa usapan natin?” Tanong ni Sadie.
“Wala yun. Mamaya ko nalang ikukwento sa inyo yung nangyari sa lunch.” Umayos na ko ng upo kasi dumating na si ma’am.
Lunch time na at in detail ko kinwento lahat ng nangyari kahapon sa tatlo kong best friend.
“Grabe naman pala yang si Lyric.” Sabi ni Belle habang hinahagod ang likod ko.
“Kaya nga eh.” Pinunasan ko yung mga luha ko.
“Ano na status niyo ngayon?” Tanong ni Gail.
Nagkibit-balikat nalang ako and faked a smile.
“Ayyyiiiiieeeee!” Narinig ko yung mga kaklase namin na parang kinikilig nang di ko alam kung bakit.
“Uy, Sapphie! Ang sweet naman ng boyfriend mo!” Hirit ni Francine na kinikilig kilig pa.
“Ha?” Tumayo ako at lumabas, nakabuntot ang mga best friend ko.
Ayun nga si Lyric. May hawak na bouquet ng roses at isang higanteng teddy bear. Ang mas kinagulat ko ay yung customized t-shirt niya na may naka-print na “I’m so sorry, Sapphie” na suot niya. Wow. Effort ah.
“Sapphie.” Binigyan niya ko ng nahihiyang ngiti na nagpahulog sakin noon. Nilapitan niya ko at binigay yung bouquet at teddy bear.
“Thank you.” Hindi ko siya nginitian. Nakatitig lang ako sa t-shirt niya.
“Uy, sorry naman na o. Hindi ko sinasadya yung mga sinabi ko sayo kagabi. Nagselos lang ako kaya ko nasabi yung mga yun. Patawarin mo na ko o.” Nag-pout pa siya.
“Ayiiie!” Duet pa lahat ng kaklase kong nakikiusyoso.
“Patawarin mo na siya o, best. Sayang ang effort niya!” Sabi ni Belle.
Napakagat-labi ako. Hinila ko si Lyric papunta sa may corner ng corridor para makapag-usap kami in private.
“Lyric, um…” Hinintay niya ko magsalita.
“Nasaktan talaga ako kagabi. Kahit na ba selos nga lang yun, alam kong half-meant yung sinabi mo. At alam kong dapat priority sayo ang pag-aaral, akin din naman eh, pero sana naman, gawin mo din akong priority, kasi, to be honest, hindi ko kaya magkaroon ng karelasyon na hindi ako kayang gawing priority kahit minsan.”
Nakita kong nasaktan siya… Kailangan ko tong sabihin bago ko pa bawiin.
“Gusto ko ng cool off.” I avoided his eyes.
Hinawakan niya yung kamay ko. “Baby, pwede naman siguro natin to ayusin. I’ll fix my schedule. Mag-date tayo sa Saturday. Please, just don’t leave me.” Nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya.
Maluha luha na din ako. “P-pasensya ka na, Lyric. Ayoko nang umasa eh. Masakit kasing meron ka ngang boyfriend, di mo naman siya maramdaman…”
Saved by the bell naman ako at nagring na ang bell na signal na tapos na ang lunch. Nag-walk out ako ng mabilis.
Dismissal na at malapit na mag-curfew, pero wala pa kong balak na umuwi. Nakaupo ako sa hallway, sa tapat ng classroom namin. Ilang minuto na kong nakatitig sa teddy bear na bigay sakin ni Lyric. Kanina pa din akong lumuluha. Hindi ko alam kung tama nga ang ginawa kong makipag-cool off kay Lyric. Inaamin kong ayoko ng relasyong tulad ng amin, pero mahal ko naman siya talaga. Tumayo na ko at kinuha yung bouquet at teddy bear na bigay niya sakin. Napadaan ako sa classroom niya at naaninag ko yung t-shirt na suot niya kanina na nakapatong sa isang upuan. Luminga linga muna ako, baka kasi umiikot na yung guard para magpauwi ng mga tumatambay pa sa mga classroom. Kinuha ko yung t-shirt niya at pinagmasdan yon. Ang daming design ng t-shirt at nalaman kong sarili niyang gawa iyon. Font palang nung phrase, kilalang kilala ko na. Matinding effort nga yung ginawa niya para lang mag-sorry sakin. Nakakaguilty tuloy. Hay… Ano bang gagawin ko? Sigurado naman akong matinding sakit ang binigay ko sa kanya. Kaya, hindi ko na muna siguro siya dapat habulin. Isa pa, cool off lang naman kami eh. Kami pa naman pag ganun, diba? Kaya lang… Parang medyo unreasonable din naman ng rason ko para makipag-cool off sa kanya. Tama ba yung ginawa ko?
Palabas na ko ng school nang marinig ko yung boses ni Lyric. “Hindi ko din kasi siya maintindihan kung minsan eh.”
“Okay lang yan. Ganyan talaga ang buhay. Nandito naman ako eh.” Nagulat ako nang may marinig akong boses ng babae. Kung hindi ako nagkakamali, boses yon ng ex ni Lyric, si Sam.
Pinuntahan ko sila. Naluha nalang ako nang makita ko ang posisyon nila. Magkatabi sila tapos nakasandal si Lyric sa kanya. Ang kapal ng mukha nila!
“Ang kapal din ng mukha mo no?!” Sinugod ko na sila. Hindi ko na napigilan.
“May girlfriend ang tao, nilalandi mo pa!” Nanlilisik ko pang tinitigan ang walang hiyang si Sam.
“Excuse me, hindi ko siya nilalandi. Kino-comfort --” Sinampal ko siya kaya natigilan siya sa pagsasalita.
“Sapph!” Pinigilan ako ng walang hiya ding si Lyric. Sinampal ko na rin siya.
“Ikaw, wag mo kong mahawak-hawakan! Tingnan mo! Pag ako humihingi ng konting comfort mula kay Max, nagagalit ka, pero pag ikaw, sumasandal sandal ka pa diyan sa malandi mong ex! Siguro hindi na dapat tayo mag-cool off! Siguro dapat mag-break na tayo!”
Nag-walk out na ko. Sumabay na ang tuloy tuloy na pagtulo ng luha ko. Parang wala naman siyang pakialam. Hindi man lang niya ko hinabol. Hindi man lang niya ko pinigilan. Gusto na ba niya talagang magbreak kami? Ang sakit naman. Ganun lang pala ako kadaling bitiwan? Akala ko ba mahal niya ko?
Nagkulong nalang ako sa kwarto pagdating sa bahay. Nakakainis! Alam kong kasalanan ko kung bakit kami nagaway. Alam ko namang ako yung nakipagcool off eh. Alam kong ako yung nakipagbreak. Pero akala ko talaga.. Akala ko talaga he loved me enough to chase me and beg for me to stay with him. Pero hindi eh. Sh*t. Ang sakit lang na makitang matapos kong sabihin na break na kami, wala siyang gagawin. Nagwalk out pa siya. Bumalik pa yata sa ex niya. Ewan ko. Basta nakakainis siya. Naguguluhan na tuloy ako kung naging seryoso nga ba siya sakin o hindi. :’(
----------
A/N: Picture of Sam on the right :) -->
BINABASA MO ANG
My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)
Подростковая литератураPano nga ba kung yung pinangseselos mo ay nagseselos na pala sa pinagseselos mo kasi nga pinagseselos mo pa siya eh nandiyan naman si pinangseselos mo? Sino pipiliin mo? Yung matagal mo nang pinagseselos o yung pinangseselos mong nagseselos? (Former...