Chapter 15

1.8K 28 0
                                    

CHAPTER 15

Kinabukasan..

Tingin ako nang tingin sa phone ko. 4:30 na. Usapan namin 3:30 magkikita na kami dito sa school. Ano ba yan. Pupunta pa kaya tong mokong na to? Hay.. Matext nga..

To: Max Cortez

Hoy, panget! Asan ka na ba? May balak ka pa bang pumunta? Nilulumot na ko eh! >:(

Ano ba naman ya – ARAY!

“Oops! Sorry.” Si Sam Bruha pala. Err!

Papunta na kasi ako sa gate nung nagtetext ako. Hindi ko nakita. Ayun, BOOM!

“O-okay lang.” Wala akong panahon makipagbangayan. Asan na ba kasi si Max? Bibili pa kami ng isusuot niya para sa prom. Tsaka ibibigay ko sa kanya yung gate pass niya.

Ay, nasabi ko bang kasama ni Sam si Lyric? Yup, magkasama sila. Nakapulupot pa nga braso ni bruha sa braso ni Lyric eh. Ay lande, ateng?

Tiningnan ko si Lyric. Nakatingin siya sakin. Yun bang parang may hinanakit na ewan. Totoo ba yon o iniimagine ko lang? Inirapan ko nalang siya. Pakipot effect ba. Eh. Basta.

“Tara na babe. Bibili pa tayo ng isusuot para sa Friday.” – Sam bruha

Mula sa aking peripheral vision, nakita kong umiwas ng tingin sakin si Lyric tapos umalis na sila. Psh. Wateber.

“Uyyy! Sorry kung nalate ako! Sorry talaga! May inasikaso kasi ako eh. Sorry talagaaa!”

Nagulat naman akooo! Bigla nalang kasing may humawak sa balikat ko tapos pinaharap ako. Tapos inalog-alog pa ko. Sira talaga tong si Max. Haha. Binatukan ko nga.

“Aray! Uy, sorry na kasiii! *pout*”

Aba, may pouting epek pa.. Ehehe. Ang cute. :>

“Pacute ka pa diyan! Tara na! Baka malate pa tayo ng uwi niyan eh!” Tapos hinawakan ko kamay niya tapos kinaladkad ko na siya sa may jeepney station ba tawag dun? Basta yun na yun.

“Oy oy oy! Apat nalang oh! Sakay na oh!” Ang lakas ng boses ni Manong Barker. Haha.

Pinauna na kong sumakay ni Max tapos naupo ako sa may space na kakasya kami pareho. Tapos sumakay na din siya.

“Aray! Naipit mo pa ko! Ano ka ba!” Sige na, masungit na ko. -.-

“Sorry, Sapphie.” Tapos umusod siya nang hanggang sa kaya niya.

“Ayan na po, mahal na prinsesa.”  Pinadaan pa niya yung kamay niya sa space.

“HAHAHA! Prinsesa ka diyan!” Pinalo ko pa siya sa braso tapos inoccupy ko yung space so magkadikit na kami halos.

“Lyric, mageenjoy tayo! Sure ako! May alam akong shop na pwede din nating pagtingnan para sa dress ko blah blah blah.” Pagtingin ko sa tapat namin.. O_o

Ayun si Sam tsaka si Lyric. Si Sam, nakapulupot parin yung braso niya sa braso ni Lyric tapos si Lyric nginingitian lang si Sam, di nagsasalita.

Naramdaman kong pinulupot ni Max yung braso niya sa waist ko tapos bumulong siya sa tenga ko:

“Nakapout ka na naman. Magsmile ka naman oh, babe.” Siya na ulit si Max, my FBF.

Tumingin ako sa kanya tapos sinandal ko yung ulo ko sa shoulder niya. Naramdaman kong humigpit yung pagkakapulupot ng braso niya sa waist ko. Bakit ba pag kasama ko si Max, parang wala na yung sakit na nararamdaman ko pag nakikita ko sila Lyric at Sam? Ang galing.

May dalawa pang sumakay kaya napuno na yung jeep. Papunta na kami ngayon sa SM.

“Alam mo, para kang anesthesia.”

My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon