A/N: Dedicated to LiliCullen kasi napakasupportive niya sa story ko! :) Thank you! :D
----------
CHAPTER 36
CONTINUATION OF DAY 3
Di ako makapaniwala.. AYOKONG MANIWALA. Hindi yon nangyari.. Hindi yon nangyari.. HIYANG-HIYA AKO SA SARILI KO.. :’(
“Sapphie.. Ok ka lang ba? Umiiyak ka ba? :/” – Clem
“Ah.. *nagpunas ng luha* H-hindi. Ok lang ako. :’)” – Ako
Nag-be-breakfast kami ngayon.. After nito, uuwi na kami. Nagmakaawa pa ko kay Clem na mag-all-girls breakfast kami ngayon. Ayoko kasi makita si Lyric after nung nangyari. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. :’(
“Um.. Clem.. Pwede bang all-girls nalang din tayo mamaya sa van? Gusto ko mag.. chikahan eh. ^__^”
“Ah.. Sure. ^__^”
Buong umaga kong iniiwasan si Lyric. Pagdating kasi ng mga 6 am, pumunta ako sa kwarto nila Clem para dun nalang muna mag-stay. Ayoko nang tumambay sa lobby. Baka pumunta dun si Lyric. Nagtataka naman si Clem kung bakit gusto kong sa kanila muna mag-stay. Hindi ko nga alam sasabihin sa kanya eh. Pero kahit wala akong nasabing rason, pina-stay nalang niya ko. Buti nalang. :’)
Sabi din nila Clem, kanina pa ko nag-ba-blank out. Titig daw ako ng titig sa wall. Hindi ko daw sinasagot mga tanong nila. Blah blah blah. Aish. Ayoko ng kausap ngayon! >__<
“Good morning, guys. ^__^” – Lyric
“Ah, excuse me..”
Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Hanggang sa pagkain, eepal siya. =__=
Dumiretso ako sa CR.. At umiyak na naman. :’( Eh kasi naman eh! Bakit to nangyari sakin?! BAKIT?!
Nilabas ko yung cellphone ko tapos tinawagan ko ang unang taong gusto kong makausap pagdating sa Manila..
“Hello?”
“Max.. *umiiyak*”
“Sapphie?! Bakit?! Anong nangyari?!”
“Max, pwede bang salubungin mo ko sa bahay mamaya? *sob*”
“O, sige sige. Uy, Olive, ano bang nangyari?”
“Mamaya ko na sasabihin sayo.. :’(“
...
“Don’t worry about a thing,
‘Cause every little thing’s gonna be alright.
Singin’: ‘Don’t worry about a thing,
‘Cause every little thing is gonna be alright!’”
Labo, bigla nalang siya kumanta. :’)) Ginaya pa niya talaga singing style ni Bob Marley. :’))
“HAHAHA! Popeye! :’))”
“Rise up this mornin’,
Smiled with the risin’ sun,
Three little birds
Pitch by my doorstep
Singin’ sweet songs
Of melodies pure and true,
Sayin’: ‘This is my message to you-ou-ou’”
“HAHAHA! Popeye, tama na! Mukhang engot na ko dito, umiiyak-tawa. :’))”
“HAHA! At least napatawa kita diba?”
“HAHA. Popeye.. I miss you..” Totoo. Miss ko na si Popeye. =__=
BINABASA MO ANG
My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)
Novela JuvenilPano nga ba kung yung pinangseselos mo ay nagseselos na pala sa pinagseselos mo kasi nga pinagseselos mo pa siya eh nandiyan naman si pinangseselos mo? Sino pipiliin mo? Yung matagal mo nang pinagseselos o yung pinangseselos mong nagseselos? (Former...