Chapter 60

846 16 5
                                    

A/N: Hi guys! Sorry po kung halos 1 month na kong di nag-UD. Napaka-busy ko lang po kasi talaga. Pero sa mga patuloy na sumusubaybay, MARAMING MARAMING SALAMAT PO! ENJOY!

VOTE. COMMENT. FAN. ♥

----------

CHAPTER 60

“Hindi naman po siya gaanong na-injure. May pasa lang po tuhod niya tsaka medyo nabugbog po yung ankle.. Opo.. Syempre naman po, aalagaan ko siya no.. Hehehe. Sige po, ma, bye.”

“Hoy Popeye!”

“Oh?”

“Bakit mas matagal pa kayo nagkausap ni Mama? Nanay ko yun ah! -__-“

“HAHAHA! Ano ka ba naman, Olive, nagseselos ka ba sakin?”

“Tsk.”

“Uy, sorry na. Tara nga dito.” Umupo siya sa tabi ko. Tapos inakbayan ako.

Kahapon lang nangyari yung kaengutan ko sa shuttle. Gusto niyo ng recap? Basta hindi na yung part na nadapa ako ha. -__-

“Sapphie!” Naramdaman ko agad yung kamay ni Max. Umupo ako.

“May masakit ba? Feeling mo ba napilay ka?”

“W-wala.. Um..” Ni-rub ko yung tuhod ko.

“Wala namang sugat?”

Tiningnan ko si Max. Di ko lang alam kung bakit di na ko makaimik. Ang lapit lapit na niya sakin. Hindi naman sa bago to, pero ewan ko..

“Ah.. W-wala naman yata..”

Tinulungan niya kong tumayo. Talagang ramdam ko na ngayon yung sakit sa tuhod ko tapos parang sumasakit din yung ankle ko. Na-twist ko kasi yata nung nadapa ako. Err.. Nakakahiya. -__-

“Mommy, kailangan ba talaga tong scene na to? Baka hindi na po makakapaglakad si Sapphie eh.”

“Important tong scene na to, Max. Kung hindi natin gagawin to, ano pang purpose nang dinala ka namin? Baka sabihin ng CM, sinasayang lang namin budget nila sa pagdadala namin sayo dito.”

Tiningnan ako ni Max.

“Olive, kaya mo pa ba?”

Hindi talaga ako makaimik. Ang lapit lapit niya..

“Olive?”

“Um.. K-kaya ko naman to..”

Pinaulit sakin yung paglalakad thing. Medyo nahirapan ako pero kinaya ko naman. Galing nga raw eh, mukhang hindi ako injured.

Matapos kong maupo, kinunan naman nila si Max tapos naupo siya sa tabi ko.

Sabi nila dapat daw magtinginan kami tapos ngingiti. Nung tiningnan ko si Max, naramdaman kong bumilis tibok ng puso ko (Ang corny, ano ba yan) tapos nangiti ako.. Medyo kinakabahan..

Hindi ko alam kung bakit ba kinikilig-kilig ako kung minsan pag napapalapit sakin si Max. Pero parang hindi naman kasi regularly yun nangyayari. Parang minsan minsan lang. Crush ko na kaya tong mokong na to? Ay sows!

*DUG DUG DUG*

“Come in!”

Pumasok si Mommy kasama yung director namin.

“Sapphie, are you ready?”

“Mommy, kailangan ba talaga natin mag-shoot ngayon? Tingnan niyo naman po kalagayan ni Sapphie.”

My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon