A/N: Hi guys! Eto na po yung pina-promise kong magandang chappie! Kinikilig-kilig pa ko habang ginagawa tong chappie na to. HAHAHA! Sorry po kung naging matagal na naman to ah. Super busy ko po talaga kasi lately eh. :( Sa mga patuloy paring sumusubaybay, thank you so much! Kayo po ang motivation kong ituloy tong story na to. :)
VOTE. COMMENT. FAN. ♥
----------
CHAPTER 61
“AY ANAK NG! ANG LAMIG!”
“Ahehe. Sorry Olive. Nilalagyan ko lang ng yelo yung ankle mo para mawala yung sakit. ^__^v”
“Habang tulog ako?!”
“Medyo atat. Sorry Olive. ^__^”
Bigla kong naalala yung nangyari kagabi. Hindi ko na nalaman kung ano nangyari nung tinawag si Max ni mommy kasi nakatulog na ko pagkatapos non. Hindi ko na naabutang bumalik sa room namin si Max.
“Pops.”
“Yeah?”
“Anong pinag-usapan niyo ni mommy?”
Parang nabigla naman siya sa tanong ko kasi nakita kong nanlaki mata niya kahit na medyo tinago pa niya.
“May problema ba?”
“Ah.. Wala. Nagpatulong lang siya sa pag-aayos ng mga pinamili niya kahapon.”
“Ah..”
Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Max. Halatang may problema eh, ayaw lang niya sabihin sakin..
Niyakap ko si Mickey Mouse.
“Ah, oo nga pala, sabi ni mommy wala raw kayong shoot ngayon kaya makakapag-date tayo. *wink*”
Namumula na naman po ako mga kapatid. (-///- )
“Saan mo naman akong planong dalhin?”
“Everywhere. ^__^”
Okay, so hindi ko talaga alam kung san niya ko dadalhin ngayon kasi ayaw niyang diretsuhin. Lumabas muna siya sandali para raw makapag-handa ako. Buti nalang hindi na gaanong masakit yung ankle ko kaya kaya ko na maglakad mag-isa.
BINABASA MO ANG
My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)
Teen FictionPano nga ba kung yung pinangseselos mo ay nagseselos na pala sa pinagseselos mo kasi nga pinagseselos mo pa siya eh nandiyan naman si pinangseselos mo? Sino pipiliin mo? Yung matagal mo nang pinagseselos o yung pinangseselos mong nagseselos? (Former...