CHAPTER 10
Pagdating sa Glorietta, kumain muna kami ni mama sa McDo. Simple lang daw kainin namin eh. Okaaay. Pagkatapos nun dumiretso kami agad sa Landmark para maghanap ng damit ko pang-JS. Grabe. Ang daming tao. Mga late na din siguro sila sa pagbili ng damit nila pang-JS. Grabe. Bukod sa siksikan, agawan pa ng dress. Konti nalang yung mga natitirang maganda. Namili muna kami ni mama ng tatlo, since 3 dresses at a time lang ang pwede sa fitting rooms. Unang una kong tinry ay isang deep purple dress na hanggang middle ng legs ko. May ruffles yung pinakaskirt niya tapos may maliliit na sequence sa top na parang diamonds ang dating. Tapos tube siya tsaka paballoon yung skirt. Maganda naman siya, kaya lang masyadong bongga pala siya. Mas gusto ko kung simple lang. :) Susunod kong tinry ay napili ni mama. Baby pink yung kulay niya tapos long gown tapos may strap. Ok lang naman sana, kaya lang mukha akong Disney princess pag sinuot ko to. Haha. Next! Susunod kong tinry ay yellow na dress na may paikot sa leeg na puno n gala-diamonds na sequence. Err.. Ba’t nagmumukha akong mataba sa dress na to? Ayoko nito. :))
Paglabas namin, mas lalong dumami na yung tao, pansin ding nabawasan na ng dresses yung mga rack. So, nagmadali na kami ni mama sa paghahanap. Mga 10 minutes siguro kami hiwalay na naghanap. Wala na kong mahanap na maganda. Ano ba yan! Hindi pwedeng wala akong mabili ngayon. Wala na kong time para maghanap pa simula bukas, eh sa Friday na yung JS. Woo. Hanap hanap hanap lang, Sapphie. Kaya mo yan!
“Sapphie! Halika dito, bilis! Ang ganda nito o! Bagay sayo!” Uy, may nahanap si mama!
Pinuntahan ko siya agad tapos nakita ko yung hawak niyang dress. Tama nga siya, maganda. Simple lang siya. White dress na parang may black na belt. Sigurado akong bagay to sakin. Bagay sakin ang white eh. Hihi. Naiimagine ko na din kung anong hairstyle ang nababagay diyan tsaka accessories.
“Mama, ang galing niyo po! Ang ganda nga!” Nanlalaki pa mata ko. Ang ganda eh! 8D (Photo of the dress on the right :> --> )
“Sige, tara, isukat mo, biliiis!” Haha. Nagiging giddy na naman si mama.
Ayun nga at tinry ko na. Bagay nga talaga sakin. Alam ko na din kung anong itsura ng necklace, bracelets at shoes na gusto kong ipares dito. Sana lang meron din nun dito sa Landmark. Hehe. :) Pagkalabas naming sa fitting room agad na naming binili yung dress. Tapos naghanap na din kami ng accessories ko. Ang ganda nung mga accessories na nabili namin. Hindi siya exactly yung nasa mind ko, pero malapit na rin. Tsaka bagay talaga sa dress na nabili namin. Silver yung kulay ng shoes na nabili namin. 2 inches ang height tsaka manipis yung takong. Sana makeri ko! Wahaha! Woots! Naeexcite na ko! :)
Mga dalawang oras at kalahati lang naman kami naglibot ni mama para mabili lahat ng kailangan ko para sa JS. Kasama na yung pwedeng ikabit sa buhok ko as accessory. Si mama nakaisip nooon! Fashionista talaga ni mama. Haha. Andito na kami ngayon sa Subway para magmeryenda.
“Anak, kamusta na nga pala kayo ni Lyric?” Oo nga pala, kilala ni mama si Lyric. Legal kami eh. Both sides. :/
“Um.. W-wala na po kami eh..” Pinaglaruan ko nalang yung ice sa iced tea ko. Pwede bang iba nalang pagusapan natin, mama?
Siguro nabasa niya yung nasa isip ko..
“Ah.. Ang ganda nung nabili nating dress no?” Ngumiti siya na parang nagsosorry.
Nginitian ko nalang din siya. “Oo nga po eh.”
Hay.. Thank you, ma at dinrop niyo nalang yung usapang-Lyric.
Pagkatapos nun, umuwi na kami. Badtrip nga lang at natraffic pa kami pauwi. Mga 6 na kami nakarating sa bahay. Mukhang pagod na pagod si mama. Natulog na siya agad pagkarating sa bahay. In-on ko nalang yung aircon sa kwarto niya tapos kinumutan siya. Hinang ko yung dress sa loob ng cabinet ko tapos tinago yung mga accessories tsaka yung shoes. Ay, hindi ko pa pala nachecheck yung cellphone ko kung may text since kaninang umaga. Sana naman hindi bumaha yung inbox ko. Ayun, binaha nga. Nako tong mga katext ko, ang hilig hilig mag-GM. Haha. Hmm.. Wala na din naman ako magawa, basahin ko nalang kaya lahat isa isa? Haha.
Ok, so nalaman kong LQ na naman sila Belle at ang boyfriend niyang si James. Si Sadie, nakabili na din ng dress niya. Haha. Loka talaga to. Manang mana sakin. Laging late. At eto ang matindi! Si Gail at Ethan na pala! Wooo! Ang igsi ng ligawan stage nila ah! Haha. Macongratulate nga sila.
To: Gail, Ethan
Beeest! Ethaaan! Congratulations sa inyo! :*
SEND!
Sila na masaya. Haha. Bitter? Hay.. Sasaya din ako. Promise. :) Nagbasa pa ko ng iba pang GM.
From: Unknown Number
“Ang saya saya ng araw ko ngayon! Salamat sa time, Lyric Ramirez! Thank you din at pumayag kang maging partner ko para sa entourage sa Friday! :*
Good evening! PM me. :)
- SamCruz (GM)
What. The. Pano nakuha ng bruhang to ang number ko? Ang kapal pa ng mukha niyang isend sakin yang GM niya ah! Bwisit! Eh di sila na ni Lyric ang magkapartner sa entourage. Badtrip. Ayan na naman yang peste kong luha. :’( Kailangan maisama ko si Max sa JS, para naman hindi ako loner. Kasi kung hindi ko siya makakasama, baka iyakan ko lang ng iyakan si Lyric. Kailangan ko ng karamay. Alam ko naman kasing hindi pwede sila Sadie, Belle at Gail kasi si Belle kasama si James, si Sadie, kasama yung crush niyang si Drew (sinet up kasi sila nila Belle kaya may kadate tuloy siya sa JS). Tapos si Gail, nakakuha ng extra gate pass para kay Ethan kaya silang dalawa ang magkasama. Kung meron nga lang akong kakilalang hindi makakasama eh, pwede kong hingin gate pass niya para makasama ko si Max. Waaah! Ano bang gagawin kooo? :’(
Tsk. Bakit ba kasi ganito ang buhay? Ang unfair kasi eh! :’( Tsk. Matutulog na nga ako. Maaga pa pasok ko bukas.. Nakatulog na naman akong lumuluha..
BINABASA MO ANG
My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)
Подростковая литератураPano nga ba kung yung pinangseselos mo ay nagseselos na pala sa pinagseselos mo kasi nga pinagseselos mo pa siya eh nandiyan naman si pinangseselos mo? Sino pipiliin mo? Yung matagal mo nang pinagseselos o yung pinangseselos mong nagseselos? (Former...