Chapter 20

1.8K 22 0
                                    

CHAPTER 20

*CALL ME MAYBE BY CARLY RAE JEPSEN*

Takte naman oh! Hindi na ba nauubusan ng load ang mga tao ngayon?!

*MAX BABY <3 calling…*

Psh. Hindi ko pa pala napapalitan contact name niya dito. Siya nagpalit niyan eh. Ang gay no? Tss. Iibahin ko na nga din. Hintayin ko munang ibaba ni Max yung call. Ayokong kausapin yang bwisit na yan. Grabe ang pula ng braso ko kagabi eh. Nakakorte pang mga daliri niya. Tsk. Kainis.

Binaba ko nalang muna yung phone sa table ko habang nagriring..

“AAAAAHHH!!”

“Sapphie, anak?! Ano yon?! Ba’t ka sumisigaw?!” – Mama

“Ah, wala po, ma. May nakita lang po akong spider.”

“Ah. Bumaba ka na ha! Magtatanghalian na tayo!”

“Sige po!”

Bakit ako sumigaw? Yung braso ko lang naman kasi. Kagabi namumula, ngayon, nangingitim na.

“Aray.. :’(“

Nung sinundot ko, ang sakiiit! Grabe. HUHUHU! Ang pangit tuloy ng braso ko ngayon. Kitang kita yung pagkaitim. Ba’t ba kasi ang higpit humawak ni Max? Anong problema niya? HUHUHU! Ang sakit talaga! :’(

Nagshower ako bago bumaba para magtanghalian. Tinapatan ko ng malamig na tubig yung higante kong pasa baka sakaling mawala. Oo, nawala. Nawala yung natitirang namumulang parts tapos nangitim na rin. Shocks! Ang pangit! Pano ko naman kaya to itatago kay mama? Hay..

Nagbihis ako ng pambahay lang. Malamang sa bahay lang kami ngayon. Pero aalis kami mamaya para magsimba. Pero mamaya pa yon kaya, pambahay muna. Daldal ko no?

“O, anak.. Bakit ang dami naman yatang bracelet niyang suot mo?”

Yup, yun ang pinangtago ko ng pasa ko. Sandamakmak na bracelets. Lahat na yata ng bracelet na meron ako sinuot ko na eh. Ayoko kasi makita ni mama yung pasa. Panigurado magaalala yon tsaka pag nalaman niyang si Max ang may kagagawan, baka kung anong war pa ang mangyari.

“Trip lang, ma. Hehe. :)”

“Ah. Tara, kain na tayo. Lalamig na ulam natin. Paborito mo pa naman to.”

“FRIED CHICKEN?! :D”

“Tamaaa!” *with matching lifting ng takip* :))

WOOOOO! HAPPINEEESS! <3

Nagbonding lang kami buong araw ni mama. Nag-Monopoly, chess. Pinaglaruan na rin naming make-up kit niya. HAHA. Ang saya kaya makipagbonding kay mama. Minsan lang din kasi namin to nagagawa dahil nga sa hectic schedule niya. Buti nalang may Sunday na pwede naming ispend nang magkasama. :)

5:30 pm..

Pumunta na kami sa simbahan para hindi kami maubusan ng upuan. Hehe. Swerte din naman, nakaupo kami sa may tapat ng electricfan! Yes! HAHA.

Ang daming tumitingin sakin. Siguro dahil mukha akong tanga, andami kong bracelet na suot. Nakakahiya. Tsk. :”(

Nilabas ko nalang phone ko tapos naglaro ng.. Unblock Me. Ako na nerd. Ang sarap kaya sa feeling pag nakakaunblock ka! HAHA. Woohoo!

“Ang nerdy naman niyang nilalaro mo.”

GRR! Anong ginagawa ng bayolenteng bwisit na to dito?! Nilagay ko na ulit sa bag ko yung phone ko. Tapos kinutkot yung kuko ko. Kunwari di ko siya narinig. -.-

“Uy, Sapphie! Uy!” Hindi naman malakas ang boses mo ano? Mahiya ka naman. Nasa simbahan tayo.

Humarap ako kay mama, kakausapin ko sana, kaya lang katabi na pala niya si tito Mike, naguusap sila. Aish. Pano ba to? Kukulitin lang ako ng kukulitin ng bwisit na to eh.

My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon