Chapter 9

1.9K 17 0
                                    

CHAPTER 9

 

Sunday naaa! Ay. Tsk. May pasok na ulit bukaaas. Ano nalang kaya mangyayari bukas kung magkasalubong kami nila Lyric? Wala pa naman si Max. Taga-ibang school siya, remember? Baka magbreakdown na naman ako nang walang kalaban-laban man lang. Ahaaay.. Bahala na nga bukas. Ano bang pwedeng gawin ngayon? Haaay.. Boring. Makabangon na nga.

Naligo na muna ako bago pumunta sa kusina para magbreakfast. Woooy! May note si mama sa ref!

“Anak,

Half day lang pasok ko ngayon. Mamaya magshopping tayo para sa JS mo. Sa Friday na yun diba? May iniwan akong ulam sa may kalan. See you later. I love you.

Mama”

 

Ay, oo nga pala! Sa Friday na yung JS! Ba’t nga ba hindi ko na naasikaso yun? Hay.. Ay! Ohmy! Kailangan ko na talaga irush yung mga kailangan. Kailangan pala super ganda ng isusuot ko sa JS. Special entrance nga pala kaming mula sa star classes. Yup, para kaming mga VIP pag dating ng JS. Ang top 50 students (25 from star class 1, 25 from star class 2), academically from the junior and senior batch ay ang dalawang huling papasok. It makes us special, kaya lang marami sa iba naming batchmates naiinis. Masyado daw kami pa-VIP. -.- Anyway, ok lang naman yun samin. Masaya nga kasi pwede kaming pumili ng sarili naming partners para sa entourage, kahit taga-ibang class. Ang problema ko na nga lang, si Lyric dapat ang makakapartner ko sa entourage, kaya lang, since.. wala na kami, hindi na siguro papaya yun. Baka sila nalang ni Sam ang magpartner. :’( Ano nalang bang gagawin ko? :( Feeling ko magiging FOREVER ALONE ako sa JS. Wala akong partner sa entourage, wala na din siguro magsasayaw sakin. :( Hay.. Makakain na nga lang.

Pagkatapos kong kumain, pumunta ako sa “BE-U-TIFUL Salon” na malapit lang samin. Suki na din ako dito. Dito ako palagi nagpapagupit tsaka nagpapaayos pag may okasyon.

“Baklaaa! Long time, no look! Kamusta ka ney? Ang beauty beauty mo talagey! Lalo na itech Hairy Potter mo, neng!” Bati sakin ni Bernadette (Bernard ang real name niya. :)) ), yung baklang suki ko. Iba na naman kulay ng buhok niya. Kulay blue naman ngayon. Haha. Grabe tong baklang to. Talo na si Lady Gaga sa style niya.

“Bakling! I missed you!” Naghug kami. :)

“Ba’t hindi ka na nagpapass through? Namiscellaneous ka tuley namin!”

“Gaga! Miscellaneous ka diyan! Haha. Well, nagpapahaba kasi ako ng buhok kaya hindi pa ko nakakabalik ulit.”

“Sana man lang vinivisit mo kami. Nakakamissing ikey eh!”

“Haha. O siya, sa Friday babalik ako dito. JS na namin. Gusto ko ikaw ang magpaganda sakin. Hair and make-up ha!” :D

“Aaayyy! Bonggacious! Surelalu, bakla! I’ll go buying lots and lots of good make up por yu. Ayyy! Bongga to! I can peel it!”

“Haha. O siya, kailangan ko nang umuwi. Mamimili pa kami ni mama ng damit. Babu!”

“Babushki, bakla. Alabyuyuyu!” Nagbeso pa kami. Haha. Nakakaloka talaga tong baklang to. :))

Pagdating ko sa bahay, nag-FB muna ako sandali habang wala pa si mama. Friend Requests.. Hmm.. Uyyy! MAX CORTEZ? Di pa pala kami friends nito? CONFIRM! Hehe. Aba. Online pala ang loko. Maichat nga. :)

SAPPHIE: Hi BOYFRIEND! ;)

MAX: Hi GIRLFRIEND! Kamusta babe? :))

SAPPHIE: Eto, kinikilig kasi kachat ka. Ayiiie! :”> Haha.

MAX: Haha. Loka ka talaga! Kaya mahal kita eh! Haha.

SAPPHIE: Grabe. Sineseryoso naman natin masyado to, Max. Haha. =))

MAX: Haha. Syempre, kailangan convincing, dre.. I mean babe. ;)

SAPPHIE: Haha. Mukhang convincing naman tayo kahapon ah. :)

MAX: Oo nga. Medyo nasira lang naman ng konti ni Gail. Haha. Uy, wait lang ah. May pinapagawa lang sakin sandali si nanay. :)

SAPPHIE: Ok. :)

Habang naghihintay ako ng pagbabalik ng aking FBF (FAKE BOYFRIEND. Haha.), nagliwaliw muna ako sa homepage ng FB. Tsismosa aketch. Ano bey. Haha. Ano ba yan. Halos puro pictures. Ang vain ng mga tao. Haha. Di bale, ako rin naman eh. Bleh! :P Haha. Woi! Friend ko pala si Sam. Pano ko nalaman yon? Malamang nagpost kasi siya kaya nakita ko sa homepage. Alangan naman ako pa nagsearch sa kanya diba? Haha. Hantaray ng post niya!

Sam Cruz

“Kung mahal mo talaga ang isang tao, pakawalan mo. Kung para talaga siya sayo, babalik at babalik yan. :”> -- with Lyric Ramirez”

Ay.. “With Lyric Ramirez”? I-ibig sabihin ba nun.. S-sila na ulit? “Kung para talaga siya sayo, BABALIK AT BABALIK YAN.” Parang nag-caps bigla yung words na yon. Babalik at babalik yan? Ibig sabihin nagkabalikan sila? H-hindi pwede. Simula palang ng plano namin ni Max. Dapat ko pa bang ituloy yung plano kung sila na pala? Pwede pa ba ko mamagitan sa isang relasyon? Hindi.. Hindi pwede. Hindi pwedeng hayaan ko nalang na mawala siya sakin. Ipaglalaban ko siya. Sabihin man nilang mali na ipaglaban ko pa siya, gagawin ko. Mahal ko eh. Sana lang, may kahit katiting na chance pa ko.. Sana hindi pa huli.

“Huli na kaya. Tingnan mo. Sila na o.”

“Shut up. Ipaglalaban ko siya. Kahit anong mangyari.”

Naglog out at nagshutdown ako agad matapos kong basahin yun. Nakakawalang gana nang mag-FB tuloy. Ay. Engot ko naman. Sana dinelete as friend mo nalang ano, Sapphie? *BEEP BEEP* Ay, wag na. Andyan na si mama.

My Jealous (Fake) Boyfriend (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon