XXX

4 2 0
                                    

Abot tenga ang ngiti ni Elliot habang pinagmamasdan si Rose. Nalulula ito sa bulaklak. Sayang na lang dahil hindi ito ang oras para mamulaklak ito.

"Ano ang pangalan ng bulaklak na 'to?"nagtatakang tanong ni Rose sa kanya.

"Titan Arum or also known as Corpse Flower. You know,it blooms rarely, sometimes after several years or even decades, and the bloom lasts for just a few days,"paliwanag niya.

Umuwang ang bibig ng dalaga habang namamanghang nakikinig sa kanya.

"Rose, may ipapakita pa ako sa'yo." Kinuha niya ang kamay nito.

Hindi na nagtanong si Rose. Hinayaan siyang dalhin niya ito kung saan. Ipapakita niyabang tinanim na bonsai, gusto niya rin malaman kung nabuhay ang mga 'yon matapos niyang iwanan two months ago.

Abala siya sa pag-iisip nang huminto si Rose. Napabalik siya sa ginawa nito. Sinundan niya ang tingin nito, pinagmamasdan nito ang lumang cottage kung saan nakalagak ang pottery studio. Paboritong gawin ng napayapa niyang lola. Kahit pinaglipasan na ng panahon ang cottage, hindi nagkulang ang caretaker na panatilihing maayos at malinis ito. Sayang lang dahil ni wala sa apo ng lola niya ang marunong humulma ng paso at vase.

"Wow! May pottery studio kayo?"tanong ni Rose, kumislap ang excitement sa mga mata nito.

"Marunong ka ba n'yan?"usisa niya.

Umarko ang kilay nito. "Oo naman! It's one of my favorite hobby,"kinikilig nitong tugon.

Namangha siya. Hindi niya mapigilang ngumiti. "You wanna try?"tanong niya.

"Talaga?"

"Oo naman."

Pagkasabi niya'y pumasok na sila sa loob. Mabuti'y hindi ni-lock ang cottage kaya hindi siya napahiya.

Ginala ni Rose ang paningin sa paligid. Hindi mapalis ang ngiti sa labi nito habang hinihimas ang pottery wheel. "Pwede bang sumubok?" Tumingala ito sa kanya.

Tipid siyang ngumiti. "Oo naman."

Excited na umupo si Rose, hindi maitago ang saya sa mukha. Nilagay niya ang putik sa pottery wheel at sinimulan itong paikutin, seryoso ang itsura habang sinisikap niyang hubugin ang clay.

"You look like you’re plotting world domination,"sabi ni Elliot sabay kibit-balikat habang namamanghang pinanood si Rose sa sobrang konsentrasyon nito.

"Sussh! Kailangan ng maraming pokus,"saway nito na kinangiti niya ng malaki.

Pinapanood niya ang maingat na paggalaw ng mga kamay ni Rose. May kung anong nakakaakit sa ginagawa nito, sa bawat galaw ng mga daliri, sa malambot na ilaw na bumabalot sa mukha nito. Para itong payapa, masaya. At nang matapos na nitong hubugin ang palayok, pumaskil sa mukha ni Rose ang hindi mapaliwananag na kasiyahan.

Pero mas masaya siya kasi nalaman niya ang ibang kakayahan ni Rose. Hindi niya inaasahan na ganito ka-talented ang secretary niya. Sa loob ng ilang minuto ay nakahulma na ito ng palayok. She has a gift, but she does it as a hobby only.

“Natapos ko rin!” sigaw nito, hawak ang perpektong hulma ng palayok. Sakto rin ang takip nito.“Nakalikha ako ng palayok!”

Pumalakpak siya at proud na ningitian ito.

"Ano ang masasabi mo,Elliot?"paunang tanong nito na tila hinahamon siya.

"It's beautiful...no perfect just like you,"wala sa sariling puri ni Elliot, tinutop niya ang pisngi na sa ngayon ay umiinit na. Malamang namumula na rin, salamat gabi ngayon, hindi makikita ni Rose ang itsura niya.

"Po? May sinabi kayo?"gulat na wika ni Rose. Tumayo ito at pinatong sa gilid ang palayok.

"I said nothing,"tanggi niya at nilipat sa ibang dereksyon ang mata. He just wonders why he's acting like a teenager.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon