XXVII

8 4 0
                                    

Tulalang nagsc-scroll si Elliot sa iphone 15 niya. Naghahanap kung sino ang pwedeng isamang maglaro ng tennis. Gusto n'yang mag-unwind sandali. Tatangalin lang ang stress ng trabaho. Hanggang sa makita niya ang pangalin ni Cassio. Balita niya mahilig ito sa sports gaya niya.

Pinundot niya ang call button. Mabuti sinagot agad nito.

"Are free tonight,dude?"flat na boses niyang tanong.

Nagtaka ang kaibigan sa kabilang linya. "Why? There's something you need to-"

"No, I just want you to accompany me. If in case, do you like tennis?" Binaba niya ang dalawang paa na nakapatong sa itaas ng study table. Kasalukuyang nasa bahay siya sa byernes ng gabing 'to. Bukas may byahe sila ni Rose papunta ng Bagiuo. Gagamitin niya muna ang oportunidad na maglaro ng tennis. Saka ginaganahan siyang maglaro ngayong araw.

May saya si Cassio sa tono. "Of course. I love tennis! Let's go!"

Ngumiti siya. "See you at the stadium,"aniya at binaba ang cellphone. Tumayo siya at tinungo ang closet para magpalit. Naghahanap siya ng magandang susuoting nang mahawakan niya ang light blue, ito ang pinahiram niya kay Rose. Nilabhan nito at nilagyan ng mabangon fabcon kagaya ng ginagamit nitong fabcon. It keeps reminding her beautiful face and perfect curves. She was sexy that night.

Umiling siya para iwakasi ang maruming isipan. Bumihis siya agad at mabilis na pumunta sa stadium.

Kararating niya nang dumating din si Cassio. Malapad ang ngiti nito. Nagbatian muna sila gaya ng dati bago parehong pumasok sa loob at kanya-kanyang may hawak na racket at suot ang pang-tennis na uniform.

Tinungo nila ang bakanteng court at sinumulang maglaro. Patawa-tawa si Cassio sa ilang beses niyang pagkatalo. Kinalang kasi siya sa tagal na hindi palalaro ng tennis. Ito ang libangan niya noong college. Subalit simula ng maging CEO siya ay paminsan-minsan niya itong nilalaro.

"Oh F*ck,"mura niya nang nalagpasan ulit ang bola.

"You just need more practice, Elliot,"sarkastikong pahayag ni Cassio na pwesto ang sarili.

Napameywang siya. "Tang-ina, Cassio wala talaga akong laban sayo,"pagmumura iya ulit saka binaba ang racket na hawak.

Tumawa lang ito.

"Let's take break!"mayamaya,suhestyon niya. Tumango lang ito habang nakangisi.

Umupo sila sa malapit na bench. Uminon ng tubig si Cassio samantalang pinunasan niya muna ang pawis sa katawan bago uminom ng tubig. Nakita niyang inubos lahat ng kaibigan ang 250 ml na bottled water.

"How can you drink it in one gulp?"nalulula niyang tanong.

Kinindatan lang siya nito. "Kailangan lang sanayin ang sarili na uminom ng maraming tubig."

Ngumiwi lang siya at ininum ang kanyang tubig.

"You know, Cassio, if I didn't know any better, I'd think you were trying to make me look bad on purpose,"pahayag niya sa nagtatampong tono.

Ngumiti ang mga mata nito sabay yukod sa racket." It's all in good fun. Besides, you know I can't help but show off my skills every now and then."

Tumawa siya, puno ng totoong amusement."You've definitely succeeded in that regard. Napaisip tuloy ako na baka nag-ti-training ka para sa susunod na Olympics."

"You know, Elliot,"mapaglaro pero may kuriosidad na saad ni Cassio. "Gusto ko sanang magtanong tungkol sa secretary mo. There's something familiar about her, but I can't quite put my finger on it."

Saglit napalis ang ngiti niya sa labi bago maibalik ang pagiging seryoso ng mukha. "Rose? Okay naman siya. Why do you ask?"

Kumutitap ang pagiging mapaglaro sa mga mata ni Cassio. "Just an odd feeling, I suppose. She seems to have an air of mystery about her. And, just between us, you might want to be cautious. Sa mga kagaya niya, hindi mo alam-baka sa huli nanakawin niya ang puso mo na hindi mo namamalayan."

Napahagikgik si Elliot at pinilit ipakita na hindi apektado. “Alam mo, sobra ka na talagang mag-isip. Sekretarya ko lang 'yun."

"Pero mag-ingat ka pa rin."

Pero kahit sinubukan niyang huwag seryosohin ang sinabi ni Cassio, naramdaman niya sng kakaibang kiliti ss puso niya. Bakit nga ba nag-flutter ang dibdib niya sa simpleng usapan tungkol kay Rose? Tinakpan niya ng isang kamay ang mukha. Uminit kasi ang pisngi niya at takot siyang makita nito ang pamumula niya. "I'll keep that in mind, dude. But I'm pretty sure I can handle a little intrigue."

Sa kabila ng kanyang paghalakhak, hindi niya maiwasang kiligin, saka habang inaalis niya ang kakaibang sensasyon sa loob ay bigla niyang napuna ang imahe ng dalawang babae na pumapalapit sa kinaroroonan nila. Natukoy niyang si Rose at malamang kaibigan nito. Nakasuot si Rose ng  kaswal pero elegante na tennis outfit, nakapusod ang mahabang buhok nito at may ilang hiblang nakakalat sa mukha. The sight of her made his heart skip a beat.

Bago pa siya mawala sa sarili. Tinawag niya agad ang dalaga." Hey,Rose!" Tinaas pa ang kamay para hulihin ang atensiyon nito. "Come join us for a game!"

Inangat ni Rose ang ulo, lumiwanag ang mukha at mainit na ngumiti nang makita sila. Hinila nito ang kasama at mabilis na lumapit sa kanila.

"Good evening po,Sir,"bati nito saka bumaling kay Cassio.

Inabot ni Cassio ang kanang kamay. "Cassio nga pala, if you forgot me,"pakilala nito sa malambing na boses.  Bigla naman siyang naalarma.

Magalang na nilagay ni Rose ang kamay sa palad nito. "Rose po, secretary ni Sir Elliot,"tugon nito.

Nawerduhan siya sagit. Iba kasi ang titigan ng dalawa. Tipong pinag-aaralan ang isa't isa dahil ang intense ng palitan ng tingin. Saka 'yong inaasahan niyang magdaupang palad lang ang mga 'to pero biglang hinalikan ni Cassio ang ibabaw ng kamay ng sekretarya niya. Sumabog ang mayong volcano sa hindi wastong oras. Umuusok ang ilong na kinuha ang kamay ni Rose kaya napadikit ito sa kanya. Nilayo niya agad ang sarili nang matauhan siya.

Tumikhim si Rose. Samantala napapahagikhik si Cassio sa ilalim ng boses nito. Sinadyang tuksuin siya. Tila may kinikonpirma lang.

"Si Tia po,kaibigan ko,"pakilala ni Rose sa maliit at balingkinitan na babae. "Tia, si Sir Elliot at si Sir Cassio."

Ngumiti at yumuko na binati sila ni Tia. Tipid naman siyang tumugon pero nasa kay Rose ang tingin niya.

Nilipat niya muli kay Cassio ang atensyon. Nairita siya sa lagkit ng titig nito kay Rose. Nakalimutan niyang playboy ito. Para sirain ang nakakabahalang atmosphere. Kinuha niya ang racket at pasimpleng nagyaya. “How about we make this game more interesting? Why don’t you and your friend join us?”

Rose’s smile widened as she looked between Elliot and Cassio. “Mukhang masaya yon! Ayos po,sir!”

Kumunot ng bahagya ang noo niya. Naiirita kasi siyang tawaging sir nito. Fine. Hindi pwede isa publiko. 

As they all gathered on the court, he tried to focus on the game, but his thoughts kept drifting back to Cassio’s cryptic warning. He watched as Rose moved with ease and grace, her every swing and serve a testament to her skill. There was something about her that was undeniably captivating.

“Alright, Elliot, let’s see if you can keep up with us now.” Nagising siya sa sinabi ni Cassio. Bumaling siya at ngumisi rito. Light-hearted naman itong ngumingisi sa kanya habang hinahanda ang sarili sa panibagong set.

Nakaramdam siya ng kawerduhan sa sandaling 'yon.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon