XXXI

8 2 0
                                    

"Nasa paraiso ba ako?"
Bulalas ni Rosette nang matanaw ang malawak na lupain ni Elliot Jan Mallary. Nakanganga siya habang namamanghang nilibot ang paningin sa buong paligid. Hindi pa sumisikat ang araw nang makarating sila.
Suminghot niya ang matamis na amoy ng mga strawberry.

"Good morning, Rose! Ready to harvest some strawberries?" bati ni Elliot na sumulpot sa likod niya.

Ay butiki! Napaigtad siya sa gwapong butiki na sumulpot na parang kabuti. Nilagay nito sa kanyang ulo ang hawak na sombrero. Ang makisig niyang boss ay nakasuot ng simpleng t-shirt na mahaba ang long sleeve na kagaya ng mga magsasaka. May nakasabit na tuwalya pa sa balikat. Natutunaw siya sa gwapong farmer.

"Oo naman po. Excited na ako!"kumikislap sa tuwa ang kanyang mga mata. "Saka i-shi-share ko ang iba sa kapatid ko."

Natigilan si Elliot nang inabot ang basket sa kanya. Naiintriga itong tinaas ang kilay."Kapitid? May kapatid ka?"ilang taon na siya?"

"He's a few years younger than me. Hindi ko alam kung gusto niya ang strawberry. Basta gusto ko lang pasalubongan,"aniya na hinawi ang buhok na tumakip sa kanyang mukha. Medyo na nginig siya dahil sa malamig na simoy ng hangin.

"Well, in that case, I better make sure we get the best ones," Elliot said with a nod. "I'd hate for your brother to be disappointed."

"Talaga po? Nagbibiro lang naman ako,"nahihiya niyang turan.

"Wala naman problema sa 'kin. Saka ano ba ang gagawin ko sa mga strawberry? May na isip ka bang magandang gawin d'yan?" Yumuko ito para itali ang sintas ng sapatos.

Ngumuso siya. Mukhang seryoso ang boss niya. "Pwede natin gawing strawberry jam. Salamat po in advance, Elliot."

Tipid itong ngumiti.  "Tara na bago pa tumirik ang araw,"anito na nagpatiunang lumakad.

Dala ang kani-kanilang basket ay naglakad na sila patungo sa strawberry patch. Ang field ay puno ng mga makukulay na berries na sumisilip mula sa mga dahon.

Hindi mapakalagay si Rose sa kasiyahan. Pumwesto na siya at puno ng pagiingat na pinitas ang prutas. Pinili niya ang malalaki at papahinog na strawberry.

Tila mababaliw siya ngayon dahil pumipitas siya ng paborito niyang prutas. Halos isang oras siyang namitas at nangalahati rin ang basket.

Ngumiti si Elliot nang magtagpo ang kanilang mga mata. Natigilan siya nang makita itong lumakad papunta sa kanya. "Is this enough for your brother? Binuhos nito sa basket niya ang iilang strawberry na pinitas.

"Sobra na yata ito. Pero salamat po,"aniya.

Tumigil muna sila sandali para magpahinga. Nakakibit balikat siyang nilingon ng boss niya. "You know, I've got an idea. After we finish here, how about we plant some vegetables? It'll be a fun change of pace."

Kumurap-kurap siya. Hindi alam ang sasabihin. CEO ba ito ng Mallary? Hindi ba magsasaka ang nasa harap niya. Kung magsasaka nga ito, eh gwapo naman.

"Magtatanim ng gulay po?" Nagaalinlangan niyang wika.

Naningkit ang mga mata nito. "Planting is fun, Rose. Why not try to plant some vegetables."

"Hindi ko pa nagagawa pero susubukan ko po." Bumagsak ang balikat niya matapos itong sabihin.

"Good. And don't worry, I have a deal: we'll make it a contest. Kung sinuman ang unang makatapos ay siyang mananalo at buong lechon manok ang premyo. Ano deal?" confident na sabi ng boss niya.

Tama ba ang naririnig niya. May pa-contest pang nalalaman. Sige nga, pakisamahan niya na lang.

"Deal!"dagli niya.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon