V

23 8 1
                                    

Ayaw sana ni Rosette gumala ngayon pero nagpupumilit si Tia. Dinala siya nito sa isang night club para mag-inuman. Hindi niya inaasahan na malakas pala uminom ang dating kasambahay. Nagka-crisi ito dahil sa boyfriend nitong two-timer. Sinamahan niya at napilitan siyang i-console ito.

Nang malaman niyang lasing na ito ay hinatak niya patayo si Tia saka sinimulang kaladkarin palabas ng night club. Pero pumiglas ito, tinulak siya palayo habang minumura. Hanggang sa sumayaw ito na parang baliw. Napilitan siyang sabayan ito.

Okay na sana ang lahat ngunit may tatlong lalaki na lumapit sa kanila. Tumigil siya sa pagsasayaw. Binati ito pero nabatid niyang may iba pang intensyon ang mga 'to. Agad siyang tumanggi. Naging matigas siya at sinubukang palayasin ang tatlo. Subalit in-insist pa rin siya ng isa. Hinawakan pa nito ang braso. Napakindat niya ang mata sa higpit ng hawak nito. Pumiglas siya pero malakas ito.

Hihilain na sana siya nang may isang lalaking pumigil dito. Galit na inikot nito ang kamay non.

Nalaglag ang panga niya nang matukoy ang mabait na lalaking tumulong sa kanya.

"S-sir Elliot?"nanlalaking mga matang turan niya. Pero hindi nito narinig.

"Get away from her! You won't touch her again!"sabi nito sa assailant niya.

"You think you can just come in here and play the hero? I'm gonna make you regret this!" Galit na tugon nito.

Winaksi niya ang kamay nito.

"Never ever touch her again.."naputol ang sinasabi ni Elliot nang bigla niyang kinuha ang kamay nito. Wala sa sariling hinila niya ito. Nalaman niya sa huli na pareho silang tumatakbo palabas ng club. Malayo rin ang narating nila matapos niyang bitawan ang kamay nito.

Pareho silang napatukod ang kamay sa tuhod at kinakapos sa hininga.

"Wow, that was... exhilarating. But seriously, Rosè, you should be more careful next time. You can't just flee like that without considering the consequences,"sabi nito na medyo malamig ang boses at napahimas pa sa batok nito.

Nilagay niya ang isang kamay na nakakuyom sa dibdib. "Opo, sir. Pasensiya na po kayo hindi ko sinasadyang madamay kayo. Ikaw pa rin ang boss ko eh,"aniya na umiinit ang pisngi.

"Never mind, you're my secretary, but you're also a friend. I've got your back, always. Just be honest with me, okay? No more running around like that,"kalmado nitong saad na napahawak ang dalawang kamay sa beywang. Ginala ang paningin sa palagid.

Nagulat siya sa sinabi tong "friend". He considered her as his friend already. It's just only a week since she started to work for him. Saka ayon sa tsismis, malamig, suplado, strikto at woman hater. Pero ang layo naman yata non sa realidad. Kahirap niya ito ngayon. Maamo ang mukha, protective, sensible at handang iligtas ang secretary kahit hindi pa nito kilala. Napaantig siya. Kaya hindi niya maiwasang hindi tumibok ang puso niya.

Tila ba naging high school student ulit siya. Kinikilig habang kasama ang crush niya. First time niyang makaramdam ng ganito.

Binalik niya ang sarili sa realidad. Hindi siya pwedeng magka-crush dito. Wala sa rules yon. Misyon niyang akitin ito. Hindi na siya ang aakitin nito.

Kailangan niyang lumayo sa danger zone. Kasi ang puso ay taksil.

"Maraming salamat po sir. Next time, lalo pa akong mag-iingat,"nakayukong sabi niya.

Bumaling ito sa kanya. Huminga ng malalim. "Kung pwede lang, iwas-iwasan mong pumunta sa bar ng walang kasamang lalaki. At least, kasama mo ang boyfriend mo,"sabi nito na medyo may panginginig ang tono.

Inangat niya ang tingin.
"Uh, well... about that... I actually don't have a boyfriend,"may pagkaalinlangan niyang sabi.

"Really? I didn't know that. I just assumed-"

"I mean, gusto ko pong mag-focus sa work. Saka komplikado po,"putol niya. Nahihiya siyang iniikot ang strand ng buhok.

"Sorry for invading your private life. Gusto ko lang siguraduhing safe ka,"may pagkaalinlangang saad nito.

Pareho yata silang nahiya sa isa't isa.

"Maraming salamat po, Sir."

Ilang sandali silang tumahimik.
"How about this - let's get some drinks at that café down the street? It'll be a lot safer, and we can unwind a bit,"suhestyon nito.

Napataas niya ang kilay. Lalong bumilis ang tibok ng puso niya.

"Ako? Pero sir..."tinuro niya ang sarili saka di natuloy nang nagsalita ito.

"It doesn't have to be anything formal. Just a couple of drinks to relax after everything,"sabi nito.

Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito.

"Maraming salamat ulit sir pero..."

Hindi siya natapos nang bigla siya nitong hinila.

"Don't worry. Ililibre lang naman kita ng isang drink. Wala namang masama manglibre sa secretary diba?" Sabi nito.

Gusto niyang takasan ito pero mahigpit ang paghawak sa braso niya. Wala siyang ibang choice. Ipaubaya na lamang ang sarili rito. Tutal ito rin naman ang gusto niya.




Hindi niya pa rin makakalimutan ang mga pangangyayari sa gabi ng sabadong 'yon. Hindi niya inaasahan na magkita sila ng boss niya sa night club. Hinila niya ito palabas ng club matapos siyang guluhin ng mga lalaking may masamang intensiyon sa kanya, tinawag siyang kaibigan at niyaya pa sa coffee shop.

Inabal niya ang sarili sa kaka-type ng lahat ng scedule ng boss niya para mawala sa isipan niya ang pangyayaring yon.

"Rosè!"tawag ng isang mala-anghel na boses.

"Rosè! Nasaang daigdig ka?"sabi ulit nito na may inis na sa tono.

Napakislot siya at halos mahulog sa sariling bangko nang mapagtanto na si Elliot ang tumatawag sa kanya. Mataman siya nitong tinititigan.

"Po, sir?"aniya nang bumalik sa hwesyo.

"What we're you thinking?"

"It's your fault, Sir. you're... um, you're just really... handsome,"wala sa sarili niyang pahayag.

Kumibot ang gilid ng labi nito. Parang biglang nahiya sa binitawan niyang salita.

Nang mapagtanto niya ay agad niyang tinutop ang bibig. Hindi na alam kung ano ang susunod na sasabihin.

"Handsome? I didn't think that kind of thing affected work,"nakangisi nitong tugon.

"Hindi po yon ang ibig kong sabihin Sir..."

"Just what? Is it because I'm too much to handle?"mapanukso nitong sabi.

Uminit ang mukha niya. Malamang napansin nitong namumula ang mukha niya.

"Tinakpan niya ang dalawang pisngi,"hindi ko po sinabi yon. Boss ko po kayo at..."

"Mabuti pa gawan mo na lang ako ng kape, Rosè. I want a café macchiato,"sabi nito saka dumeretso na sa opisina nito. Napansin siguro nito ang pamumula niya kaya iniwan siya kaagad.

Sinabunutan niya muna ang sarili bago tumayo at mapaghandaan ang sarili.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon