I

41 10 1
                                    

"Can I ask for a vacation for 3 months?" Lakas loob niyang paghihingi ng permission sa kanyang Ama.

Awtomatiko itong inangat ang tingin sa kanya. Nasa study room sila ngayon. Sumasakit ang ulo niya sa tuwing makikita ang nakakalat na libro at papeles sa sahig at mga kahon na papapatong sa isang angolo. Nangnganib na kasing malugi ang family business nila.

Sinara ni Gabriele ang laptop nito. Lumukot ang haggard nitong mukha saka tinanggal ang salamin. Nasa 50 pa lamang ang edad ng ama niya pero mabilis itong tumanda. Puti na ang ilang strand ng buhok nito at halos makalbo na.

"Why 3 months?" Tanong nito.

"I'm exhausted, Pa. I want to take a rest." Daing niya sa childish na tono. Umaasta naman siyang bata sa harap nito.

Inikot-ikot niya ang ilang strand ng caramel color at wavy niyang hanggang beywang na buhok. May lahi kasi silang Italian kaya nakuha niya ang kulay ng buhok sa ama niya.

"Saan ka naman pupunta? At bakit ba for 3 months?" Madiin nitong tanong.

Inikot niya ang paningin, "Gusto ko pumunta sa probinsya doon sa Bukidnon sa maternal house ni Mama." Pagsisinungaling niya.

Sana magtagumpay siya sa pinaplano niya. Mabuti nasa Batangas ang bahay nila kaya hindi halata na luluwas siya ng Manila. Kukuha kunwari siya ng plane ticket para ma-convice ito.

Tumahimik ang ama niya.

"Saka iiwan ko kay Cristina ang company. Siya muna magma-manage. I-mo-monitor ko na lang every now and then habang ako nagpapahinga,"masiglang paliwanag niya.

Si Cristina Vera, ang VP ng company. Her bestfriend. May tiwala naman siya dito. Saka tinapat niya ang totoo kay Cristina. Game din ito sa binabalak niya.

Bumuntong hininga lang ang ama niya.

"Whatever your decision is, I respect it. But your fiancé, did he already know about your plan?" Sang-ayon nito.

Tila ba nabunutan siya ng tinik sa puso. Binahiran ng saya ang mukha niya.

"Sasabihin ko pa lang kay Ranier. At sasabihan ko rin na wag niya na akong sundan. I want a total peace of mind,"madrama niyang sambit na sinapo pa ang noo.

Sumakit yata ang ulo niya. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan si Ranier. Wala namang pakialam ang milyonaryong CEO na yon sa kanya. Naging magkasintahan lang sila dahil pinagkasunduan silang ipakasal. Hindi sana siya papayag pero ayaw niyang saktan ang ama niya at malugi ang family business nila. Isa kasi sa investor ang pamilya nito. She didn't like Ranier. Arogante, suplado at nonchalant. Hindi kasi sila magkasundo kasi magkaiba mga ideya at strategy nila pagdating sa business at walang hilig din na magkaparehas sila. She likes tennis but he hate sports.

"It's all my fault, Anak. Pinapa-stress kita ng husto lalo na ngayon na nalulugi tayo," anas nito nasa boses ang pagkadismaya at lungkot.

Mabilis niyang nilapitan ang Ama. "Pa,"niyakap niya ito sa leeg.

"Don't worry. I already brought you the money, and we already invested it in Mallary Group. Nasa ilalim na tayo ng makapangyarihang pamilya at hindi na tayo malulugi pa,"bulong niya sa malambing na boses sabay himas sa balikat nito hanggag sa menasahe niya na.

"Thank you, anak. Marami ka nang nagawa sa akin. Hindi ko alam kung paano kita babayaran. Matapos mawala ang ina niyo, kayo na lang ni Rosario ang lakas ko,"punong puno ng emosyon nitong pahayag.

Tumaba ang puso niya. Matapos kasi mamatay ang mama niya sa brain tumor 2 years ago, ginugol ng ama niya ang oras nito sa kompanya at sa kanilang magkapatid. Binuhos niya rin ang pagmamahal sa ama niya para hindi ito makaramdam ng pangungulila sa ina niya.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon