XIX

7 3 0
                                    

What is this?

Naitanong ni Rosette sa sarili. Laglag ang panga niya pinagmasdan ang engrandeng venue ng Mallay hotel. Binaha ng kumikinang na gowns at nagkikislapang maskara. May bahid ng karangyaan at impluwensya ang paligid.

Kasama niyang pumasok si Elliot at Juliette. Iniisip niya na tila isa siyang third wheel. Kinukuha nila ang atensiyon ng mga tao sa bawat hakbang nila. Sinusundan sila ng tingin lalo na siya.

She was draped in a red gown, hugging her figure like a second skin, the fabric rich and bold. Her mask, black with gold accents, framed her eyes in a way that made her both mysterious and vulnerable. To her right, Juliette glittered in a blue gown, her silver mask complementing her cold, calculated beauty. Elliot, ever the picture of control, wore a silver mask that contrasted his tailored black suit. His hand rested lightly on her lower back, but the weight of it felt like chains.

Kaya siguro tinitignan sila kasi nakahawak ito sa kanya imbes ang fiancé nito.

The air buzzed with whispers. Beneath their masks, people watched her, predatory in their silence. Para bang na se-sense ng mga 'to na hindi siya nababagay dito.

Naramadam ni Juliette ang tensyon na nagaganap. Bumaling ito sa kanya at binigyan siya ng ngiti at sinira ang katahimikan. "I'm going to mingle, "she said smoothly, casting a sharp look at her almost daring her to falter. "Enjoy yourselves," she added with a tone that dripped with fake sincerity before drifting into the crowd.

Iniwan siyang mag-isa kasama si Elliot. Malalim siyang bumuntong hininga, then she let her fingers grazed the hem of her dress as if that would give her some courage. Ilang saglit siyang tahimik. Nilibot niya ang tingin sa paligid, tyempong nahuli ng tingin niya ang babaeng malalim na tinititigan ang kanyang boss. She was laughing with another girl-someone who looked at her as though she were a prey,something to be devoured whole.

"Wag mo na silang isipin,"binasag ng boses ni Elliot ang kanyang iniisip. Bahagya itong yumukod sa kanya,dumampi sa kanyang tainga ang mainit nitong hininga. "Just be yourself and enjoy the night."

She turned to look at him, the heat in her chest building from both nerves and something else she didn't want to name. His smile was slight but genuine, the kind that always managed to disarm her. Imposibleng sabihin kung ano ang nangyayari sa likod ng maskara nito, sa likod ng kulay abo nitong mga mata.

Kinagat niya ang kanyang labi. Pinili niyang tumahimik na lamag at hindi 'yon pinansin. Humakbang si Elliot patungo sa mga bisita, sinundan niya ito. Nakita niyang patungo ito sa mga magulang nito. Wow! Wala siyang karapatan lumapit sa mga 'yon. Lalo na sa ina nito.

Her heart skipped. For a moment,she thought about pulling away, natatakot siya na baka magwala ang ina nito at itataboy siya kahit na alam nito na siya'y sekretarya ng anak nito. Saka kinababahala niya ngayon si Ranier. Hindi niya ito matutukoy kasi nakakubli sila sa ilalim ng maskara.

"Sir,pwede po bang-"pasimula niya pero ginulo siya ng malakas na halakhak sa kabilang panig ng silid.

Si Juliette pala, malakas itong tumatawa, masyadong masigla. Nakita niyang nakapulupot ang kamay nito sa lalaking kausap na para bang may sarili itong mundo. Sa tindig pa lang ng lalaki, nakilala niyang si Johannes ito. Napalunok siya, gumapang ulit sa kanyang mga ugat ang hindi komportableng naramdaman kanina. Pinalibutan ng limang lalaki si Rose, iba-iba ang reaksyon sa bawat biro nito.

Sinundan ni Elliot ang tinitignan niya, sumingkit ang mga mata nito ilang saglit bago binalik ang tingin sa kanya. "Naunahan yata ako ni Julie sa mga kaibigan ko,"sabi nito sa masayang tono. Kung ganoon mga kaibigan pala nito.

"Come,"yaya nito sabay hila sa mga kamay niya. "Ipakilala kita sa kanya lalo na kay Ranier."

"Po?" Hinawakan niya ang dibdib gamit ang kabilang kamay.

Stealing ElliotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon