Walang gana si Elliot habang minamasdan ang puting gown sa mamahaling boutique. Napilitan silang dalawa ni Juliette na sumama sa ina niya. Kahit maraming dahilan na ang sinabi niya rito hindi ito naniwala. Ang ina niya ay parang si Hitler. Kahit anuman ang sasabihin ay dapat masusunod.
Lumaki siya sa pamilyang hindi pinapakita ang affection sa isa't isa. Arranged marriage din ang mga magulang niya. Nagpakasal ang mga ito para sa pera at business nila. Hindi niya alam kung may pag-ibig na namamagitan sa mga ito. Para lang yong isang duty na kailangan gampanan. Minsan halos hindi na magkita ang parents niya sa tight ng schedule ng mga ito.
They are narcissist kind of parents. They like controlling all aspect of his life. Mula pagkabata, hindi niya narinig na nag-i love you ang mga magulang niya sa kanya. Lahat ng gusto ng mga ito ay sinusunod niya. Wala silang pakialam kung nahihirapan man siya o nawawalan na ng pag-asa. Gusto nila, dapat perpekto ang lahat. Hanggang ngayon, sila dapat ang masusunod.
Ngumiwi siya ng makita si Juliette. Nasa mukha nito ang kaba at bagot. Napipilitan din itong sumama sa ina niya.
Tahimik siyang nakaupo sa sofa. Hinihintay na lumabas ang dalawa habang naiinip na sinusulyapan ang relo. Hindi pa rin tapos si Juliette sa paghanap ng bridal gown nito.
Mayamaya'y lumabas ang dalaga kasama ang ina niya. Sumimangot siya at agad sumensyas na hindi niya gusto ang gown nito. Pagod na binagsak ni Juliette ang balikat bago bumalik sa fitting room.
Ilang beses itong paiba-iba ng suot pero wala siyang may nagustuhan hanggang sa nairita ang ina niya. Kaya pinagbigyan niya. Inaprubahan niya ang huling gown na sinukat ni Juliette.
Tumayo siya.
"Ma, I need to go. I still have a meeting -""What are you talking? We are not done yet!"putol ni Margaery sa nanlilisik na mga mata.
Nakaramdam siya ng frustration. "Ma,this meeting is urgent,"rason niya,pero ang totoo ay excuse lang yon para matakasan ito.
"Madali lang tayo. Kakausapin lang natin ang wedding planner,"mariin nitong pahayag.
"E 3 months pa po bago ang wedding baka pwede sa susunod na lang po kasi may urgent meeting si Elliot saka baka ma-late ako sa shooting namin,"sabad ni Juliette. Umaastang heroine niya ito.
Tumaas ang kilay ni Margaery.
"Matagal ko na kayong tinatanong sa bagay na ito pero ang dami niyong excuse. Ngayon na nahuli ko kayo, tatakasan niyo ako?" sabi nito na nagagalit na.
"Sorry po tita. Talaga tight ang schedule namin,"saad ni Juliette sa malambing na boses sabay hawak sa braso nito.
Namagha siya. Magaling magmanipula ang santang ito. Lihim siyang napangiti.
Lumambot ang ekspresyon ng ina niya at napanguso ito.
"Fine. Sa ngayon pakakawalan ko kayo,"sabi nito matapos ay nagpaalam na sa amin.
Nasa labas na sila ng boutique. Hindi inaanda ang init na dinadala ng hangin sa umagang ito.
Sumandal siya sa pader ng boutique habang tinitignan ang sasakyan ng ina niya na pumapalayo. Narinig niyang bumuntong hininga si Juliette. Hindi pa pala ito nakaalis.
"Well, that was a fun display, wasn't it? It's like every time we think things are settling down, she finds a new way to remind us why we're here,"medyo sarkastiko niyang pahayag.
Umismid ang dalaga saka kumibit balikat. ""Yeah, she's really something. I'm used to her high expectations, but it never makes it any easier. It's like no matter what we do, we're never quite good enough,"pagsang-ayon nito. Inayos pa ang hawak na purse.
BINABASA MO ANG
Stealing Elliot
RomanceOwning the Billionaire's Heart #1 COMPLETED ON GOOD NOVEL "Just steal my fiancé. Seduce him. Make him love you. And then... break his heart." Halos umigtad si Rosette Valentino sa sinabi ni Juliette Mortez sa kanya. Para sa pera at sa ko...