Huminga ng maluwag si Rosette nang mapadpad sa harap ng convenience store. Muntikan na siyang mahuli ni Ranier. Mabuti gumana ang instict niya at binalalaan siyang h'wag tumawid sa danger zone. Gaya ng dati, napaka-unpredictable ng fiance niya. Susulpot ito na walang sinasabi.
Sinulyapan niya ang cellphone. Mag-aalas sais na. Hindi niya namalayan na matagal niyang inikot ang ciudad. Kasi lahat ng mall na nakatirik dito ay napuntahan na niya yata. Nagkasalungat ang kilay niya na binalik ang tingin sa pangalan ng store. Tumunog bigla ang tyan niya. Nagwawala na ang mga alaga niya sa kanyang bituka. Sa sobrang takot niya kanina'y hindi siya nakakain ng lunch.
Siguro naman, oras na para i-treat niya ang sarili. Kinibot niya ang labi at malumanay na pumasok sa convenience store. Ginala niya ang paningin. Mabuti may paninda silang meryenda na pwede pang lunch plus pang-dinner pa. Kumuha agad siya ng sandwich, noodles, at salad. At may vanilla ice cream pa na pang dessert niya. Umupo siya sa nag-iisang bakanteng lamesa doon matapos kumuha ng hot water. Kasalukuyang maraming tao ngayon. Mapayapa niyang sinumulan ang pagkain. Wala siyang pake kung labas man sa etiquette ang kinikilos niya. Isa siyang taong gutom at parte ito ng needs niya.
Papasubo na siya ng noodles nang tumunog ang paborito niyang ringtone. Nakasimangot siyang kinuha ang cellphone sa bag niya.
What if kung ang boss niya?
Sigurado siyang nagtataka ngayon ito kug bakit siya tumakbo ng walang paalam.
Umuwang ang bibig niya nang mabasa ang pangalan ni Ranier. Nagkamilagro ata. May masamang nakain yata kaya napatawag. Sinundot ang puso niya nang maalala ang nangyari kanina. What if nakilala siya nito? Yari talaga siya!
"Eung,"yun lang ang sinagot niya saka binalik ang sarili sa pagkain.
"Sorry if I disturb you,"anito sa malamig na boses na kinainis niya.
"Wala 'yon! May problema ba? Sabihin mo agad,"tinamad niyang sagot habang puno pa ang bunganga.
"It seems that you are eating right now. I'll call you back later,"bawi nito nang marinig siyang kumakain.
Binitawan niya ang tinidor at tarantang inayos ang pag-upo.
"Wait, hold on! Sabihin mo na, makikinig ako,"pamimigil niya rito.
"It's not really urgent but I was curious about something..."turan nito sa mababa pero monotous na boses. Halatang tinatamad itong makipag-usap sa kanya maliban lang kung may isang bagay na gustong bubungkalin sa kanya. Sa sinabi nito ay napabuntong hininga siya na sinabayan pa ng paglamig ng batok at mga kamay niya.
"What is it?"aniya sa nanginginig na boses.
"Are you sick? Bakit tatlong buwan ka talaga sa Bukidnon? Tell me the truth, Rose, are you terminally ill?"tanong nito sa malambot na boses. Tila nagustuhan nitong may sakit siya kasi halatang may tuwa sa boses nito.
Humagalpak siya sa pagtawa. Sumakit ang tyan at halos maluha siya sa inasal niya. Napatingin ang ibang costumer sa kanya. Napa-peace sign lang siya sa mga ito.
"I'm not kidding, Rose. Don't laugh like that!"sumbat nito sa malamig na boses ulit.
"Saan mo naman napulot ang fake new na yan?"tugon niya na kinuha ulit ang tinidor. "Wala akong sakit at gusto ko lang magpahinga. Bakit bawal ba magpahinga ng sandali?"
Pumalatak ito. "I just want to remind you, our wedding will be held upon your return. So make sure to find someone there before our wedding if you don't want to get married to me?"
Kinuryente yata siya sa paalala nito. Wala kasi silang kapangyarihan para i-cancel ang wedding nila. Dapat nga matapos noong engagement ay ipapa-civil wedding sila. Mabuti marunong siya magdrama at sinabing makakabuti kapag may basbas talaga ng Diyos. Makapaghanda siya ng aayos at nakipagkasundo siya kay Ranier na sisirain nila ang kasal kapag makahanap sila ng iba. Pero malabo yon sa parte niya.
BINABASA MO ANG
Stealing Elliot
RomanceOwning the Billionaire's Heart #1 COMPLETED ON GOOD NOVEL "Just steal my fiancé. Seduce him. Make him love you. And then... break his heart." Halos umigtad si Rosette Valentino sa sinabi ni Juliette Mortez sa kanya. Para sa pera at sa ko...